04

361 20 6
                                    

04: Connection

“I want to know you, what's your world like,” sabi niya at bigla siyang lumakad at parang gusto g libutin ang kwarto ko. Pero hindi ko naman siya pinipigilan. I just let her and honestly…I’m happy knowing someone is interested in my world.

“I’m in my 2nd year now, ikaw?” tanong niya pero hindi nasa akin ang atensyon niya.

Nakalimutan ba niyang hindi ako nakakapagsalita? Napatulala ako sandali nang lumingon siya bigla sa akin.

“2nd year ka rin?”

Tumango ako bilang sagot.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong na-excite na kunin ang sketchbook ko from last year. Inabot ko agad ito sa kanya.

“Wow…your work? nice.” Sabay kaming umupo sa mini sofa ko.

It's like we're browsing a photo album together.

“You're good at shading. I’ll give you that.”

I tapped her shoulder and she quickly looked at me.  I open my hand with my palm facing inward then gently touching my chin and moving it slightly away in a gentle motion, saying thank you.

“You’re welcome. pero totoo, ang ganda ng mga gawa mo.”

Talaga ba? She's an architecture student. Gusto ko rin makita mga gawa niya pero nahihiya akong sabihin.

I tapped her shoulder for her to look at me again.

“Hmm?”

She's…beautiful.

“Oh?”

Umiwas ako ng tingin and did a sign language but she stopped me.

“Hindi kita makita, hindi kita maiintindihan humarap ka sa akin.”

Hinila niya ako paharap sa kanya and I felt heat rose up to my cheek!

“You’re red…Are you okay?”

Bigla akong napaabot sa throw pillow at tinakpan ko ang mukha niya.

I quickly said sorry.

“Okay lang, haha kahit hindi ko alam bat mo ginawa yon. Kinikilig ka sa akin ‘no?”

What? Tapos she's laughing pa.

Inirapan ko siya at tumalikod ako sa kanya.

“Joke lang.” Rinig kong sabi niya.

“Hoy, joke lang.”

Napabuntong hininga ako umayos ng upo pero nakayuko lang ako.

“Nagalit ka ba?” Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya at parang tumalon ang puso ko palabas dahil nakatitig rin siya sa akin.

Inabot ko ang pisngi niya at hinawi ko ang mukha niya, para hindi siya tumingin sa akin.

“Paano tayo magkakaintindihan kung hindi ako titingin sayo?” tanong niya pero hindi na siya tumitingin sa akin.

Oo nga pala. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko.

Umiwas agad ako ng tingin pagkalingon niya sa akin.

“You hate someone staring at you?”

Hindi naman, dahil sa totoo lang siya palang naman ang tumitig sa akin ng ganito. It's like she's giving me all of her attention.

“Sorry, for making you uncomfortable it's just that…you're beautiful to stare at.”

Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Maganda ako? Ako?

The Silent Canvas (GL)Where stories live. Discover now