32

345 21 24
                                    

32: I

“Hey…”

Inangat ko ang aking tingin at nakita si Crescent.

“Hays I’m sorry, are you okay? Are you having fun? Drinks? food?”

I smiled. After one hour nilapitan na niya ako. Salamat naman. Akala ko kakalimutan na niya ako. Tumayo ako at inabot sa kanya ang regalo ko.

“This is for me?” Nakangiti niyang tanong.

I noticed that her face is already red. Alam kong lasing na siya. I saw her drunk before sa bahay namin.

“Thank you so much, Rora,” sabi niya.

“Ha–Happy birthday,” sabi ko at lalakad na sana ako para umalis na. Dahil ayoko ng manatili bigla dito.  Gusto ko nalang umuwi.

Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.

“Sorry hindi ko narinig,” she said, and I gasped in surprise as she suddenly pulled me closer to her.

Napahawak tuloy ako sa balikat niya para hindi lang mawalan ng balanse dahil sa ginawa niya.

“Hindi ko narinig, pakiulit po please,” sabi niya na parang bata.

“Happy birthday,” sabi ko.

Naramdaman ko ang pagyakap ng isang braso niya sa bewang ko. Then she slightly leaned down and brought her ear closer to me.

“Happy birthday,” sabi ko ulit.

Is she teasing me?

“Thank you,” she whispered to my ear and it tickled me.

“Baka gutom ka, we have food,” sabi niya pagkabitaw niya sa akin.

“Uuwi–” hindi ko natapos sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

“Let's go.” Nakangiti niyang sabi.

Saan?

She brought me to the rooftop at agad kong napansin ang buwan.

“We have a crescent moon today,” sabi niya na ikinatulala ko sandali.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko. It's like the words…I wanted her to say. Is this really happening? Hindi na ba ‘to panaginip?

“My name,  Crescent.” Nakangiti niyang sabi pagkalingon sa akin. “Are you okay? You must be bored o di kaya naingayan ka na. Sorry.”

“I–I’m fine,” sabi ko.

“Let's sit,” sabi niya.

Walang tao dito sa itaas at talagang tahimik lang kumpara sa ibaba. Why are we here? Kahit napapatanong pa ako ay umupo ako sa tabi niya.

“Hey sorry ah, I called your lolo. Mayaman pala lolo mo ‘no.” Natatawa niyang sabi. “Well at first it was the secretary who called. Alam mo ba I got my motor from your lolo’s automobile company. It's an Ayalor motor.”

It's lolo’s company. Ayalor.

Hindi ko alam dahil hindi naman ako interesado sa company ni lolo.

“Kinabahan lang ako baka hindi ka papayagan.”

She didn't have to.

“Your…your friends…”

“Hmm?”

“Friends.”

“Ah matatanda na sila. Anong oras na oh at wala pa akong oras sayo.”

Hmm?

“I have already spent an hour with them, ngayon ikaw naman.” Nakangiti niyang sabi. “Pero sorry ah, hilig kasi nila manghila.”

The Silent Canvas (GL)Where stories live. Discover now