16

295 21 2
                                    

16: Prison

You shared Crescent’s post: We all deserve to be seen by the world. Explore the world.

Natawa ako sa sarili ko at agad kong binura ang account na ginawa ko na may pangalan niya. Sarili ko lang pala ang tinatawagan ko. Chelsea doesn't know me, walang may nakakilala sa akin na kaibigan ni Kuya.

All his friends are.popular and famous even him ako lang naman yata ang walang papel sa mundo.

Napalibot ako sa bago kong kwarto. Nandito na ako sa bahay ni lolo. Pero hindi pa rin naman ako masaya.

I stared at my hands…namumula pa rin ito.

I looked at the small elevator. My meal is here. Ito na ang gamit nila dito, a dumbwaiter. Kailangan ko ng masanay na hindi sila yaya Tin ang maghahatid ng pagkain ko. Hindi nga ako nakapagpaalam sa kanila. Pero sigurado naman akong, wala lang sa kanila ang pagalis ko.

Makikisabay lang sa aking kumain si lolo kung makapagsalita na ako na alam ko namang imposible kong magawa.

Maghihintay lang rin ako sa mga ibibigay niya. She cut off my allowances na natatanggap ko kay mommy. He’s that powerful, kaya kahit hindi ako sumama dito alam kong gagawin niya lahat madala lang ako dito.

Nang matapos akong kumain ay hindi naman ako mapakali nang maalala ko si Spooky. Pero naalala ko ang sinabi ni lolo.

“If you want anything, need anything kailangan mong sabihin.”

I can't even use sign language in this house.

Kahit malayo na si Elizabeth parang andito pa rin siya.

Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Sana ay maayos lang si Spooky. Sana hindi ko na siya ibinigay kanina.

I’m honestly expecting different pagkarating ko dito kahit alam kong mahirap talagang makasama si lolo.

Hindi ko siya kilala.

I checked my phone and saw Crescent’s new post.

Crescent uploaded a picture.

It's her with her fans.

Crescent: Thank you guys for coming!

I guess this is one of her mall shows na hindi ko naman mapuntahan. Sa isip ko gusto ko palang kumuha ng album niya pero in reality I already bought her albums. I have her posters and photo cards. Kaso hindi ko pa natatanggap mga gamit ko.

Kinuha ko ang mga librong nasa study table ko.

I don’t have my art materials with me but I saw a pen. I scribble on every page. Kahit alam kong pinapabasa ‘to lahat sa akin. Pero naalala ko ulit ang post ni Crescent. We all deserve to be seen, does it mean all our presence matters? Paano ang mga katulad ko?

I have been a ghost my whole life.

Hindi ko nga alam kung anong gustong mangyari ni lolo o talagang wala na siyang choice dahil nag-iisa lang naman akong apo niya.

I stopped scribbling and tried to read or at least pronounce one letter.

Huminga ako ng malalim at talagang sinubukan ko pero I can’t…I don’t, I get scared.

But I have to… I need Spooky, I need my things. This is torture! Why is he doing this to me! Wala siyang pinagkaiba kay Elizabeth, he made me feel smaller. Just like before I’m still nothing to him.

I doodled Crescent’s name…and suddenly, “kre..s..se–n..t”

I halted. I just did that? Boses ko naman ang narinig ko diba?

“Kre–se–sen–t.”

Napasinghap ako sa gulat nang gawin ko ulit.

I doodled Spooky’s name on the next page. “Is–po–o–ok–”

I dropped my pen on the table. Ilang taon na rin ako dito sa mundo, kahit mga pangalan ang hirap bigkasin.

“I–s–Ispu.”

Nahihirapan rin ang dila ko sa pagbigkas ng ilang letra.

“Aurora?” Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. “Kumain na po ba kayo?”

Agad ko siyang sinamaan ng tingin, agad rin naman siyang tumigil sa paglalakad at nanatili lang siya sa tapat ng kwarto.  Tumango ako bilang sagot.

“Sir Arman, your lolo just wants me to check how you doing,” sabi niya at may ipinakita siya sa kamay niya. “And here’s an ointment for your hand.”

Naalala ko bigla si lolo at ang walking stick niya. Tumayo ako at kinuha sa kanya ang ointment. I wanted to say thank you but I just nodded. Agad kong nilagyan ang kamay ko. Balak yata rin ni lolo baliin ang mga daliri ko.

After he left I quickly looked for the lock. Hindi ko gustong may pumapasok lang bigla. Pero natigilan ako sandali nang mapagtanto kong nasa labas ang lock ng pinto ko. Para akong yinakap ng napakamalamig na tubig.

Anong ibig sabihin nito?

Agad na tumulo ang luha ko. I mean my whole life I’ve only lived in my room. I always lock myself in my room. Pero masakit rin pala kung may ibang tao na ikukulong ka talaga sa loob ng isang silid.

This is like a prison cell to me.

Bumalik ako sa loob at nakita si Crescent na kumakatok sa bintana ko. Ipinikit ko agad ng mariin ang mga mata ko. She’s not here and I need to stop delusioning things. Umupo ako sa gilid ng higaan ko.

I mean I get that they wanted me to speak but…I just can’t!

I need mom. Yinakap ko ang aking sarili ng mahigpit.

I need her, I need them, bakit iniwan nila ako mag-isa.

Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako, pagkagising ko ay umaga na. “Anong ginawa mo dito, Aurora!” Napabangon ako dahil sa lakas ng boses ni lolo. Agad akong tumayo ng maayos. He’s looking at the books, where I only scribbled and doodled on every page.

“Do you think I’m not serious here?” He asked.

Kinakabahan ako dahil baka lumapat ang stick niya ulit sa katawan ko.

“Do you still want to continue doing arts?” tanong niya na agad akong tumango bilang sagot.

Art and Spooky is all I have. Hindi pwedeng mawala sila sa akin.

“Well then…I will let you, don’t worry but I need you to cooperate with me! You can’t keep living like this! Para kang anino! Para kang multo! Do you want to live your whole life invisible?”

Nasanay na ako. Para sa akin ito na talaga siguro ang buhay ko kahit mangarap pa ako.

“Malaki ka na, you are now ready to step outside! Make friends! Ano bang nangyari sayo at nagkaganyan ka! You’re weak!”

Yumuko ako dahil sa kahihiyan. Ikinahihiya ko ang sarili ko.

“Ilang therapist, ilang counseling pa ba ang gusto mo? Your dad already wasted his money on you. Bakit hindi ka gumagaling?”

Hindi ko rin alam. Tuwing sinusubukan ko mas nangingibabaw sa akin ang takot.

“Why are you so afraid of?”

Tumingin ako kay lolo.

“You still have my blood kahit may dugo ka ng–never mind. You are an Ayala!”

Ayala, their family name.

“I’m thinking of more businesses to build and you’re in it. You’re part of my plan.”

Pumikit ako ng mariin. Why? Why me? Why can’t they just leave me alone?

“You are now here in Alvarez City, sa ayaw at gusto mo papasok ka. You’ll be like other normal students. Make friends! Step out!”

Huling sinabi ni lolo at iniwan na niya ako.

Kinuha ko naman ang phone at earphones ko and quickly played one of Crescent’s songs.

The Silent Canvas (GL)Where stories live. Discover now