07

290 19 1
                                    

07: Bye

How did you learn sign language? I asked. Hindi pa kasi makatulog. Pero parehas na kaming nakahiga ngayon. This is my first time sleeping with someone. Tapos magkaharap pa kami sa isa't isa.

"Ah...my sister is deaf," sagot niya. "Para makausap namin siya we also have to learn her language." Natulala ako sandali, she has a deaf sister?

It must have been hard, I said.

"Oo, pero cute naman sister ko eh. She's the most kind person you'll ever meet."

How old is she?

"She's 10 now," sagot niya.

Oh ang bata pa ng sister niya. Ilan kaya sila magkakapatid?

"Bakit pala ayaw mo sa tao?" tanong niya. Huminga ako ng malalim at hindi siya sinagot. Akala ko kukulitin niya ako pero ngumiti lang siya sa akin.

"Pero gusto mo na ako diba?" Nakangiti niyang tanong na nagpatulala ulit sa akin.

Do I like her...

Yes.

I do.

Why did you talk to me, why do you want to be my friend? My world is not as exciting as yours, I said and just saw her smile.

"I don't know...I...I don't want you to be uncomfortable or find me creepy but I really admire the grace and beauty I see in your face, it radiates charm that I've never seen in other girls before. I was also captivated by your language. The way you express yourself with your hands."

Napaawang ang labi ko at hindi ko alam kung tumitibok pa ang puso ko dahil parang natunaw ako sa mga sinabi niya.

No one complimented my face before. I mean...

"And you're serene to look at."

Inabot niya bigla ang isang kamay ko.

"Peaceful."

My butterflies inside me are dancing again.

"Matulog na tayo?" tanong niya habang nakapikit na at nakahawak pa rin sa isa kong kamay.

Ngumiti lang ako at dahan-dahan na ring ipinikit ang aking mga mata.

Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Nataranta ako bigla dahil naalala ko agad na ngayon na sila aalis. Bumangon ako at agad na lumabas ng attic at pumunta sa ibaba.

I want to say goodbye.

Pagakarating ko sa ibaba ay agad kong nakuha ang atensyon lahat ng katulong namin. Pero hindi ko na sila pinansin at tumakbo na ako palabas.

"Hey Aurora!" Napalingon ako kay Kuya and he seemed confused what am I doing here outside. "You might get hurt," sabi niya at lumakad siya palapit sa akin. "Where are your strawberry slippers?" He asked. Ngayon ko lang rin napagtanto na wala na pala akong suot na kahit ano sa paa.

Hindi ko pinansin si kuya at tinuloy ko lang ang paghahanap kay Crescent.

"Yaya!" hindi ko pa rin pinansin si Kean kahit sumigaw na siya. "Yaya! Bat niyo hinayaan lumabas si Aurora ng walang suot sa paa!"

Lumakad ako at napansin kong nakatingin na sa akin ang mga kaibigan ni kuya.

"Rora..."

Napalignon ako sa kanan ko at nakita ko na rin si siya. Agad akong lumakad palapit sa kanya at napahawak sa laylayan ng shirt niya.

"What's wrong?"

I raised my hand and opened my palm then I folded my fingers down and opened my palm again, to say the word goodbye.

Nakita ko siyang ngumiti.

"I'll be back."

Pero ang tagal pa. Alam ko.

"Hey..." Bigla niya akong yinakap.

"You have pockets right?" Pabulong niyang sabi sa tenga ko. Pockets? Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa bulsa ng suot kong cotton night shorts.

"It's my sociant's name, kapag may account ka na follow mo ako agad ah, I'll follow you back and please next time wear long pants."

Saktong pagkalabas ni kuya ay bumitaw na siya sa yakap. I was just about to hug her back.

"Bye, bye Kean! Thank you!"

"Ingat kayo!"

Pinagmasdan ko siyang sumunod na sa mga kaibigan niya. Hindi ko na nga sila napansin nong yakapin na niya ako.

Pumasok na ako sa loob nang tuluyan na silang makaalis.

FB: @lisnaej

The Silent Canvas (GL)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα