"Hahah! aahh, akala ko si Jema eh! Hahah!" asar nya sakin

"Ewan ko sainyo!"

Nag-inuman lang kami, gabi na nang matapos kaming mag-inuman, hindi naman ako nalasing dahil nakailang shot lang ako

Pumasok na ako sa kwarto ko at pabagsak akong nahiga sa kama

Habang nakahiga ako bigla kong naalala yung ginawa kong paghalik kay Jema kanina

Hinawakan ko yung labi ko

First kiss ko yon...

Pumikit ako at pinilit kong makatulog pero hindi ako nagtagumpay, pabaling-baling din ako sa higaan ko

Iniisip ko parin kasi yung nangyare kanina

Alam kong may mali ako, pero may mali din naman si Jema eh...

Umupo ako

"Kasi naman eh!" inis na bulong ko

Ilang oras na yung lumipas..

Tumingin ako sa relo ko

4 AM na...

Lumabas na ako ng kwarto ko para mag almusal, napagpasyahan ko kasing bumyahe ngayon

Pagkatapos kong mag-almusal umalis na ako

Itinuon ko yung atensyon ko sa pagdadrive maghapon, kinalimutan ko yung nangyare kahapon para nakapag focus ako

Kahit papaano medyo sinuswerte ako ngayon dahil marami akong pasahero na nakuha
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tatlong araw na yung lumipas...

"Deans, kamusta? Marami ka bang pasahero na nakuha ngayong umaga?" tanong sakin ni Tots

Nandito kasi kami ngayon sa karinderya at nagla-lunch

"Nakakalima na din" sagot ko

"Hays! Buti ka pa!" sabi nya

"Eh ikaw??" tanong ko

"Tatlo palang, heheh!" sagot nya

"Okay lang yan, bawi ka nalang mamaya Tots" sabi sakanya ni Bei

"Bakit nakailan kana ba?" tanong ni Tots sakanya

"Heheh! Apat" sagot ni Bei

Napangiti ako

Nagkwentuhan lang kami habang kumakaen

"Deans, Bei, outing naman tayong tatlo" sabi ni Tots

"Bakit?" tanong ni Bei sakanya

"Summer na kaya! Ang init-init na!" sabi nya

"Nakakahiya naman kila Tatay Dante kung magrerelax ako ng hindi sila kasama" sabi ko

"Edi isama natin sila" sabi naman ni Bei

"Eh yung budget?? Alam mo naman na nagpapacheck-up pa si Kuya Jessie"

"Ay, oo nga pala no?" sabi ni Tots

"Hayaan nyo, pag-iipunan ko yan" sabi ko

Tumango naman yung dalawa

Pagkatapos naming kumaen nagtrabaho na ulit ako

Kinagabihan, habang naghihintay ako ng pasahero nagulat ako nang nakita kong tumatawag si Ced

Ano nanamang kailangan nito??

"H-Hello?" sagot ko sa tawag nya

"Dean!"

"Bakit?" tanong ko sakanya

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon