Tumango lang sya

Lumabas na kami ng office ko, sinunod naman ni Dean yung utos ko sakanya.

Habang naglalakad kami napansin kong nakatingin samin yung mga empleyado ko at nagbubulungan

"Ang pogi ng bagong boyfriend ni Mam Jema no?!"

"Oo nga! Bagay sila!"

Tiningnan ko sila ng masama kaya agad silang umiwas at pinagpatuloy yung pagtatrabaho

Mga tsismosa! Tanggalin ko kayo dyan eh!

Nilingon ko si Dean sa likod ko at nakita kong napapangiti sya

"Anong ningingiti-ngiti mo dyan?!" inis na tanong ko sakanya

"A-Aahhh...." sinenyasan nya ako na may mga nakatingin samin

Shit! Oo nga pala!

Nagpatuloy na kami sa paglalakad

Ilang sandali lang at nandito na kami sa loob ng sasakyan

"Siguro naman ngayon pwede mo na akong sagutin?! anong ningingiti-ngiti mo kanina?!" pagsusungit ko sa kanya

"Akala ko pa naman nakalimutan na nya" rinig kong bulong nya

"May sinasabi ka ba?!"

"Wala po Mam, napapangiti ako kanina kasi masaya ako" sagot nya

Tiningnan ko sya ng masama

"Masaya daw! Ang sabihin mo enjoy na enjoy ka sa naririnig mo!"

"Hala! Hindi Mam--"

"Mag drive kana nga!" putol ko sa sasabihin nya

Hindi na sya nagsalita at sinunod nya nalang yung utos ko

Isang oras pa yung lumipas at nakarating na kami sa BGC, medyo traffic kasi

Kumuha ako ng pera sa wallet ko at iniabot ko kay Dean, ayaw ko kasi syang isama sa lunch naming magkakaibigan, at sure ako na maiilang din naman sya samin kapag sumama sya

"Oh, pang lunch mo" sabi ko

"Uhm, t-thank you po" kinuha nya yung pera

"Hintayin mo nalang ako dito" sabi ko pagkatapos bumaba na ako ng sasakyan

Nagpunta na ako sa restaurant kung saan kami maglalunch ng mga kaibigan ko

"Bes!" rinig kong tawag sakin ni Kyla nang makapasok ako sa restaurant

Nandito na pala sila

"Kanina pa kayo?" tanong ko nang makalapit ako sakanila

"Kakarating lang din, nasaan yung driver mo?" tanong ni Ced

"Nasa parking area" sagot ko

"Grabe, hindi manlang sinama dito para makapag-lunch!" sabi ni Kyla

"Binigyan ko naman yon ng pang-lunch nya!" irap ko sakanya, "Teka nga, nakapag order na ba kayo?"

"Tapos na, heheh! Alam na namin yung gusto mo eh kaya umorder na kami" sagot ni Ced

Umupo ako sa tabi ni Kyla

Habang hinihintay namin yung pagkaen nagkukwentuhan lang kami

Maya-maya....

"Jema!" tawag ni Ced sakin habang nakatingin sa likod ko

"Oh?"

"S-Si Fhen!"

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko at tumingin ako sa likuran ko

For The First TimeWhere stories live. Discover now