Sabay-sabay kaming kumaen ng dinner

Bukas papasok na ako sa trabaho ko, bago ako umalis kanina binigay sakin ni Jema yung address ng bahay nya, pero kahit hindi nya ibigay yon alam ko na kung saan, natandaan ko kasi yung lugar na yon

KINABUKASAN...

Nandito ako ngayon sa parking area, nililinisan ko yung sasakyan ni Jema, medyo matagal pa daw kasi sya dahil maliligo palang sya.

Maaga palang nandito na ako, kailangan kong galingan sa trabaho para naman matuwa yung amo kong masungit, hahah!

Pagkatapos kong maglinis ng sasakyan sumandal ako sa sasakyan

Ang tagal naman non!

Tumingin ako sa relo ko

9AM na!

Narinig kong bumukas yung elevator kaya tumingin ako doon at nakita ko si Jema

Hay salamat!

"Tara na!" seryosong sabi nya sakin

Agad ko syang pinagbuksan ng pinto, nang makalapit sya sakin naamoy ko kaagad yung pabango nya

Hmm! Bango naman!

Nang makapasok si Jema sa sasakyan nya agad kong sinarado yung pinto at pumasok na din ako ng sasakyan

"Mam, saan po tayo?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin

"Syempre sa office ko!" masungit na sagot nya

Ang aga-aga!

Napakamot ako sa sintido ko at lumingon ako sakanya

"K-Kaso hindi ko alam kung saan" sabi ko

Napairap sya dahil sa sinabi ko

"Hay naku! Magdrive ka nalang, ituturo ko sayo yung daan!" sabi nya

"O-Okay po"

Pinaandar ko na yung sasakyan at nag drive na ako

Tulad ng sinabi ni Jema itunuro nya sakin yung daan papunta sa office nya

Kalahating minuto pa yung lumipas at nakarating na din kami sa office ni Jema, nakasunod lang ako sakanya habang dala-dala ko yung bag nya

"Good Morning Ma'am!" bati ng mga tao na nakakasalubong namin

Napatingin ako kay Jema

Grabe! Hindi manlang bumati pabalik, hmp!

Ilang sandali lang at may sumalubong samin na magandang babae kaya huminto kami

"Good Morning Mam Jema, sino sya?" tanong ng babae habang nakatingin sakin, ngumiti ako sakanya

Ang ganda naman nito! Heheh!

Napansin kong tumingin sakin si Jema, maya-maya....

"Oouuchh!" daing ko

Sikuhin ba naman kasi ako sa tiyan ng babaeng to!

Tumingin ako sakanya

"B-Bakit?" tanong ko

"Bakit ganyan ka makatingin sa secretary ko??" tanong nya sakin habang nakataas yung isang kilay

Napanguso ako

"W-Wala" sagot ko

"Hahah! nakakatuwa naman kayo, sino sya?" tanong ulit ng babae

"Driver nya/boyfriend ko" sabay naming sagot ni Jema

Nagkatinginan kaming dalawa at hulaan nyo kung anong itsura nya, hahah! Syempre nakakunot noo nanaman at parang uusok nanaman yung ilong nya anomang oras!

For The First TimeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt