Kasalukuyan akong nandito sa training room ng Hori7on. Nagbabantay sa kanila dahil sa walang pahingang praktis nila. Nagpahangin naman ako dito sa balkonahe.


"Mara!"tawag ni Kyler sa akin at sinalubong ako ng yakap kaya naman niyakap ko din siya.

"Why?"tanong ko sa kaniya.

"Kanina pa ako nagkakamali. Lagi nalang akong na ca-call-out ni Jiro. Pagod na ako!"sumbong nito sa akin kaya natawa naman ako.

"Tell me, paano ka gaganahan?"tanong ko sa kaniya.

Bumitaw naman siya sa yakap at ngumuso. "Kiss."


Inilayo ko naman ang mukha niya habang tumatawa. Siya naman ay todo simangot.


"Ayaw mo na sa akin?"pagmamaktol nito na para bang isang bata.


Natawa naman ako kaya naman ay mabilis ko siyang binigyan ng panandaliang halik.


"Recharge na ako."masayang saad nito sa akin at tumayo pero hinigit ko ulit siya.

"I won't leave you. I am always here by your side. I will always be your number one fan and supporter."saad ko sa kaniya.


Mabilis naman siyang ngumiti sa akin at hinila ako patayo at binigyan ng isang Magandang halik. Bigla namang sumilay ang malaki niyang ngiti na abot hanggang langit.


"I won't disappoint you. Never."saad nito at umalis na para bumalik sa praktis.


Ako naman ay bumalik sa pagka-upo ko sa balkonahe na may ngiti sa labi ko. Kahit kailan talaga itong si Kyler. 


Kahit ano pa ang mangyari, mananatili niyo pa rin akong taga-hanga.

*****

Ang bilis lumipas ng panahon dahil dalawang araw nalang at magaganap na ang concert. Hindi kami nagkita ni Kyler nitong nagdaang araw. Sabi niya busy sila sa dorm sa pagpraktis ng kanta. At hindi rin ako makapunta dahil itong si Mr. Choi ay pilit kaming mag date tatlo.

Kaya ito kami ngayon, nagpicnic date sa isang ilog.


"When will you call me Daddy?"tanong nito sa akin sa tabi ko.


Nagbabasa ako ng libro habang si Mama ay nag-iihaw. Habang si Mr. Choi ay naka-upo sa tabi ko.


"I don't know. Maybe when everything is okay. Hindi pa po ako nakilala ng Lolo ka baka ho pagnakita ako ay aatakihin iyon sa gulat."simpleng tugon ko.

"Mapapatawad mo kaya siya?"tanong nito sa akin.

Binaba ko naman ang libro na binabasa ko para makaharap siya. "Hindi ko po alam. Kasi hanggang ngayon baon pa rin sa puso ko ang mga pananakit na ginawa niya kay Mama."


Ngumiti nalang ito sa akin at tumayo na para tulungan si Mama. Binalik ko naman ang pagbabasa ko kahit pa sa hindi ko naman ito maintindihan. Napa-isip naman ako.


Oo nga, kailan baa ko matutong magpatawad? Si Mama nga ay kinalimutan na ang nangyari sa nakaraan ngunit ito ako nab ago lang nalaman pero bitbit ko pa rin ang galit ko. Natatakot kasi ako na baka pagmalaman niya naman na alive and kicking kami ni Mama ay hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin niya. Isa siyang komedyante pero sa totoong buhay ay serial killer. Joke, Lolo ko pa rin 'yun.


Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng usok. Kita ko naman na nagtatawanan at naghaharutan si Mama at Mr. Choi habang nag-iihaw. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil ngayon ko lang nakita ang Mama ko na ganiyan kasaya.


"Don't hurt my mother again, Appa."bulong ko sa sarili.


Bininalik ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Sa totoo lang nitong mga nagdaang araw ay naging kompleto ako. Ang buhay namin. Na sana ay ganito nalang maging masaya at walang problema.

-xxx-

Regular update will be this week. Stay tuned! Thank you for the 1k reads!

-itsmeicayy

By Your SideWhere stories live. Discover now