"K-Kabit k-ka?!"gulat na saad ko.

"Hindi. Hindi ako kabit dahil ako ang unang babaeng minahal niya ngunit sa kasamaang palad ay iba ang pinakasalan niya ng dahil ayaw ng pamilya niya sa akin."iyak na saad ni Mama.

"Umalis ako sa puder ng Papa mo dahil sa pagmaltrato ng pamilya niya sa akin. Kahit pa na sabihin natin na mahal namin ang isa't-isa ay alam ko na maghahanap ng lusot ang pamilya niya na pagbuwagin kami lalo na noong dumating ka. Ayokong madamay ka sa kalupitan nila. Kaya ako na mismo ang lumayo."paliwanag ni Mama.


Patuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko habang nakikinig sa mga sinasabi ni Mama.


"Umuwi ako dito sa Pilipinas. Hindi ko sinabi sa mga magulang ko ang nadanas ko nakalupitan sa Korea. Dito tayo namuhay ng payapa hanggang malaman ko na aksidente ang mga magulang ko. Hindi ko na alam kung saan ako kakapit. Mabuti naman at nandiyan si Beth sa tabi ko. Siya ang naging alalay ko noong panahon na nahihirapan ako."iyak habang paliwanag ni Mama.

Nalito naman ako sa sinabi ni Mama. "Korea? Galing ka Korea, Ma?"

"Isa pa na hindi ko nasabi sa'yo. Nag-aral ako sa Korea noon ng 3 years sa kolehiyo. Doon ako nakapag-aral dahil naka kuha ako ng scholarship program. Nag-aral ako ng Business doon. Kasamaang palad ay hindi ko ito natapos noong nabuntis ako at umuwi dito sa Pilipinas."saad nito sa akin.

"Bakit ngayon niyo lang ito sinabi sa akin?"hinang-hina na ang boses ko.

"I'm sorry, anak."iyak na saad ni Mama.

"May karapatan naman siguro akong malaman ito Mama."piyok na saad ko.

"Alam ko. Natatakot ako. Natatakot ako na balang araw ay hanapin mo ang totoong Ama mo at makilala ka ng pamilya nila."saad nito sa akin.

"Kaya ba ginawa niyong masama si Papa? Kaya ba sinabi niyo sa akin masama ang Papa ko para hindi ko na hanapin pa?"sunod-sunod na tanong ko.


Mahinang tumango si Mama. Mabilis naman akong tumayo at naglakad.


"Saan ka pupunta? Gabi na."saad ni Mama.


Pinahid ko naman ang mga luha ko bago lumingon kay Mama ng walang emosyon na makikita.


"Magpapahangin lang."saad ko at dumeretso na sa labas.


Hanggang makalabas ako ay hindi pa rin tumigil sa pagpatak ang mga luha ko. Mabilis ko namang nilabas ang cellphone ko at tinawagan si Kyler.


"Ky..."pagak na tawag ko sa kaniya.

"Are you crying? Nasaan ka? Anong nangyari?"nag-aalalang tanong niya sa akin.

"I need you."saad ko bago pinatay ang tawag.


Mabilis ko namang ibinulsa ang cellphone ko. Nandito ako ngayon sa malapit na bench sa bahay namin. Umiiyak ng mag-isa habang nagdidigest ng mga narinig ko.

Mukhang hindi pa natapos ang after-party nila Kyler dahil may mga sounds pa ito ng tinawagan ko. Ngunit, kailangan ko talaga ng may maka-usap ngayon o makasama man lang.

Itinaas ko ang dalawang paa ko sa bench at doon isinubsob ang mukha ko. Iyak ng iyak lang ang ginawa ko. Gusto ko mailabas lahat ng sakit at dinadamdam ko sa dibdib.


"Nandito ka lang pala!"hingal ng nagsabi.


Itinaas ko naman ang mukha ko at nakita ko si Kyler na hinihingal. Lumapit ito sa akin at agad akong niyakap.


"Iyak mo lang 'yan pag medyo okay kana sabihin mo lang sa akin. Makikinig ako sa'yo."malambing nitong saad habang yakap ako.


Ginawa ko naman ang sinabi niya na umiyak lang. Iyak lang ang ginawa ko hanggang sa mahimasmasan ako. Bumitaw naman ako sa yakap niya.


"Okay kana?"he asked and patted my head.

Mahina naman akong tumango. "May ibinunyag si Mama."

"My father doesn't know I exist. Ginawa niya iyon ay dahil sa pamamalupit ng pamilya ng Papa ko. What's worse, she met my father sa Korea pa talaga. She lied."paliwanag ko.

Tumingin naman sa akin ng deretso si Kyler. "Baka naman may bigger reason ang Mama mo."

"Alam ko. Alam ko naman na ginawa niyo ito dahil ayaw niya na malaman ng pamilya ng Papa ko about sa akin. Pero mali pa rin na nagsinungaling siya sa akin."saad ko.

"I have rights to know. Kasi buhay ko naman 'to at isa pa, marunong naman akong makipaglaban. Galawin lang nila si Mama ay talagang handa ako makipagpatayan."gigil na saad ko.

"Wala naman akong magawa kasi nangyari na."buntong-hiningang dagdag ko.


Niyakap naman ako ulit ni Kyler. Hindi na ako umiyak pero ramdam ko pa rin ang kirot sa puso ko.


"Don't worry. Nandito lang ako para sa'yo, one call away mo lang ako kahit pa nasa Korea na ako ay talagang lilipad ako pag may nangyaring masama sa'yo."saad nito sa akin.


Hindi naman ako kumibo. Mariin niyang hinalikan ang ulo ko at patuloy lang kami sa pagyayakapan.

-xxx-

Hello people! Because it's Sunday and nakapag rest well ako kahapon. We'll be having 2 updates today! Yayy for 900 reads, thank you everyone.

-itsmeicayy

By Your SideWo Geschichten leben. Entdecke jetzt