"Chapter 90: Sana Pwede Ba"

Start from the beginning
                                    

"HAHAHAHAHA NGEMAS NA YAN!" malakas na tawa naman ni Koutaro at sinabayan din namin siya ng malakas na tawa namin

"Grabe ka sakin. Busit na bakla ka!" kunot noong sabi ni Seeley tapos tumingin siya kay Aikee, "Aikee ko oh.. inaaway na naman ako ni beking Henry." sabay sumbong siya

"Hehehe.. hayaan mo na. Saka katuwaan lang naman. Ang importante huwag tayo patalo sa kanila. Galingan natin sa pagbunot ng baraha ah."

"Okay, Aikee ko hehehehe.."

Humirit si Henry, "Asus.. keleg nemen yung chanak. Mamaya ka sakin pag natalo ka." sabay irap siya

"Heheheheh hahahahah!" tawa ni Koutaro

Makalipas ang sampung minuto, sila Shinsuke, Jhe at Henry nalang ang natitira sa paglalaro ng pares-pares.

Nakita ko na iisa nalang ang hawak na baraha ng prinsesa ko at ganun din si Henry, iisa nalang din. Habang ang baraha naman ni Shin ay tatlo.

"Hm.. may mananalo na at may matatalo. Sino naman kaya? Huwag naman sana ang prinsesa ko." sa isip ko

"Ikaw na, Jhe. Bumunot kana." sabi ni Shin nang inabot niya ang tatlong baraha na hawak niya

Mariin na tinitigan muna ng prinsesa ko ang bahara bago siya bumunot ng isa.

Natahimik ang lahat.

Pagkabunot niya ng isang baraha bigla siyang ngumiti at mabilis na nilapag ang dalawang baraha sa ibaba ng sahig.

"Yeeeeyyyy! Di ako talo hahahahaha! Saveeeee!" masayang sigaw niya

"Mukhang tudas ka ngayon tol Shin ah.. dalawa pa baraha mo Ahahahaha!" tawang tawa na sabi ni Koutaro

Ngumisi si Shin habang umiiling at nagsalita din siya.

"Makikita natin."

"Okay next. Bunot na, Henry. Malay mo chance mo ng manalo." sabi naman ni Fia at sabay-sabay kaming napatingin kay Henry

"Kyaaaaa~ ewan lang ah pero kinikilig akes. Excited me ng manalo eh. Nafe-feel ko iyon. Saka kapag akes nanalo, di pitik sa noo ang mapapala ni papa Shinsuke sakin, kundi ang malambot na dampi ng labi ko sa noo niya. Muah muah MUAH!" kinikilig na sabi ni Henry habang ginagalaw ang nguso niya na parang nanghahalik at nagbi-blink eyes pa siya sabay galaw sa magkabilang balikat niya

Biglang hirit si Seeley kaya napatingin kami sa kanya.

"Ew, kadiri! Ang landing bakla!"

"Shatap! Oh ano na naman? Yan tayo eh.. Pag inggit pikit. Di yung dada ng dada mabantot naman ang hininga. Nasa iyo na nga papa Aikee ko, tapos pati si papa Shinsuke ko ayaw mo? Shige reklamo pa. Batukan kita eh." taas kilay na sabi ni Henry at in-snob naman siya ni Seeley

"Tama na yan. Back to game na tayo." awat ni Aikee sa dalawa niyang manliligaw

Isang impakta at isang dyosa daw, lols!

Napatingin kami kay Fia ng marinig namin siyang nagsalita din.

"Haha Oo nga. Tama na yan. Sige na, ikaw na next, Henry. Bunot na."

"Oh yesh! I'm reaaddyy~" excited na sabi ni Henry

Tapos tumingin siya kay tol Shin na parang nang-aakit ang tingin niya at muli siyang nagsalita sa excited niyang boses.

"Ready kana, papa Shinsuke ko? Matitikman mo na sa wakas ang matamis kong haliiiiii---"

Biglang naudlot si Henry nang magsalita si Shinsuke at natahimik ang lahat nang mapatingin sa kanya.

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now