"A-Antipolo?!! Bakit mo ako dinala dito??!" inis na tanong ko sakanya

"E-Ehh sabi mo kasi magdrive lang ako eh, halos maikot ko na yung buong QC  kaya nakarating tayo dito" sagot nya

Inis akong tumingin sa labas

"Hindi nalang kasi ako ginising eh!" inis na bulong ko

"Ano yon Miss??" tanong nya

Tumingin ako sa kanya ng masama

"Wala!"

"Oh, yung bayad mo?!"

"Oo na!"

"Yown! Magbabayad naman pala eh!" sabi nya

Inirapan ko sya pagkatapos kinapa ko yung wallet sa bulsa ko kaso...

N-Nasaan na yon??!

Bigla kong naalala

Shit!! Nakay Kyla pala yung wallet ko!!

"Bakit?"

Napangiwi ako habang nakatingin sakanya

"A-Ano kasi, n-naiwan ko sa friend ko yung wallet ko" sagot ko

"ANOO???!!!"

Napapikit ako dahil sa sigaw nya

"P-Pwedeng utang?" tanong ko sakanya

Mas lalong nagdikit yung makakapal na kilay nya

"U-Utang??!! T*ng*n*ng buhay---"

*Grrroooowwwwwllll.....

Hindi na nya natuloy yung sasabihin nya, nagkatinginan din kaming dalawa at halos mamula yung mukha ko dahil sa pagtunog ng tiyan ko

Pumikit sya at huminga ng malalim

"B-Babayaran naman kita, kunin mo nalang yung number ko, o kaya ihatid mo nalang ako sa condo ko tapos doon kita babayaran" sabi ko

"Oo na! Oo na! Payag na ako!" sabi nya

Nakahinga ako ng maluwag

Kakapalan ko na yung mukha ko...

"Pero ano, p-pwedeng mag coffee muna tayo? Gusto kong uminom ng mainit eh, uutang muna ako sayo, babayaran ko din mamaya" sabi ko

Inis nyang kinuha yung wallet nya, nakatingin lang ako sakanya habang kumukuha sya ng pera

Nang makakuha sya ng pera tumingin sya sakin at inabot yon sakin

"Utang yan ha! Baka mamaya takasan mo ako!" sabi nya

"Oo na! Hindi kita tatakasan! Pero saan ba merong kape dito?" tanong ko sakanya

"May kapehan dyan sa labas" sagot nya

Lumabas ako ng taxi nya at hinanap ko yung kapehan na sinasabi nya

Ayun!

Maya-maya lang at nakaupo na ako at nagkakape

Pero biglang tumulo yung luha sa mga mata ko nang maalala ko si Fhen

T*ng*n* naman yan eh!

Pinunasan ko yung luha ko

Napatigil ako sa pagpupunas ng luha ko nang may naglagay ng tissue sa harap ko

Tumingin ako sa naglagay ng tissue

Yung taxi driver pala... Sumunod pala sya sakin.

May hawak din syang kape

Umupo sya sa harap ko

"T-Thank you" sabi ko pagkatapos kinuha ko yung tissue at pinunasan ko yung mga mata ko

Uminom sya ng kape

"Bakit ka ba umiiyak?" tanong nya sakin

Tumingin ako sa kanya

"Pake mo ba??!" inis na tanong ko

Tumango-tango sya

"Okay, sige, iyak ka lang dyan" sabi nya kaya mas lalo akong nainis sakanya

Naluha ulit ako

Dapat kasi si Fhen yung kasama ko dito eh!

Alam kong nakatingin lang sakin yung lalaki pero wala akong pake

"Siguro problema sa lovelife yang iniiyakan mo no?" tanong nya sakin

Tumingin uli ako sa kanya

"Wag ka ngang feeling close!" pagsusungit ko

"Oo na, sino nga naman ako? Isa lang naman akong hamak na taxi driver" sabi nya

Feeling close eh!

Mabilis kong inubos yung kape ko

"Tara na, gusto ko ng umuwi"

Naglakad na ako pabalik sa taxi nya, ramdam ko naman na nakasunod sya sakin

Maya-maya lang at nasa byahe na kami, nakatingin lang ako sa labas habang nasa byahe

Itinuro ko din sakanya yung daan, nang makarating kami sa tapat ng condo ko nakita ko si Kyla at Ced na nakatayo

Anong ginagawa nila dito??

Pero mas okay na nandito silang dalawa, lalo na si Kyla dahil nasakanya yung wallet ko

"Wait lang, kukunin ko lang yung pera ko" sabi ko sa lalaki pagkatapos lumabas na ako

"Beeeeesssssss!!!" mangiyak-ngiyak yung boses ni Kyla nang tawagin nya ako

"Jema saan ka galing??! Alam mo bang hanap kami ng hanap sayo?! Hindi mo sinasagot yung phone mo!" sabi naman ni Ced

Alam kong nag-alala sila

Tumingin ako kay Kyla

"Yung wallet ko?" tanong ko sakanya

"Wait, dala ko" sabi nya

Kinuha nya yung wallet ko sa bag nya

Nakita kong bumaba ng taxi yung lalaki, napatingin din sila Ced at Kyla sakanya

"Jusko po Jema! Sino yang kasama mo?! Wag mong sabihing naghanap ka ng parausan mo kagabi?!" tanong ni Kyla

Napairap ako

"Baliw! Hindi! Taxi driver yan!" sagot ko

"Ay! ang pogi naman ng taxi driver! Mukhang yummy!" sabi ni Ced

Napailing ako pagkatapos lumapit na ako sa driver

Kumuha ako ng 10K sa wallet ko

"Oh! Keep the change!" sabi ko

Kinuha nya yung pera at binilang nya iyon

"Thank you! Next time kung iinom ka dapat yung sakto lang, yung makakauwi ka pa ng bahay nyo!" sabi nya sakin

Aba! Ibang klase ding driver to ah!

Inirapan ko lang sya pagkatapos binalikan ko sila Kyla

"Jema, anong name?!" tanong ni Ced

"Ewan ko! Tanong mo!" sagot ko

"Ay! Sige, wait..." paalam nya, naglakad sya palapit sa lalaki

"Hi pogi! Anong name mo?" rinig kong tanong ni Ced

"Dean" sagot ng lalaki

Tumaas yung isang kilay ko nang marinig ko yung name nya

"Ahh, Dean pala yung name mo, ako si Ced, kaibigan ako ni Jema, pwede ko bang makuha yung number mo? Para ikaw nalang yung tatawagan namin kapag kailangan namin ng taxi, heheh!"

"Sige" rinig kong sagot ni Dean

Tumingin ako sakanila

"Papasok na ako sa loob, sumunod nalang kayo" sabi ko pagkatapos naglakad na ako papasok

Balak kong puntahan si Fhen pagkatapos kong magpahinga

Hindi ako papayag na nakipaghiwalay sya sakin ng ganon-ganon nalang

-----------

Update ulit

For The First TimeWhere stories live. Discover now