Unti-unting nawala yung ngiti sa labi ko, nakaramdam din ako ng lungkot

Napatingin sakin si Tatay Dante

Biglang nangilid yung luha sa mga mata ko

Aalis na sila?? Eh sila na nga lang yung itinuturing kong pamilya dito...

Tumakbo ako palapit sakanya at niyakap ko sya

"Tay Dante, i-isama nyo na po ako *hik! W-Wag nyo po akong iwan dito!" sabi ko habang umiiyak

End of Flashback...

Kaya heto, hehehe isinama nga nila ako

Habang nagdadrive ako nakakita ako ng pasahero

"Yown!"

Binuksan ko yung bintana

"Saan po kayo Sir?" tanong ko sa lalaki

"Makati lang" sagot nya

Ang layo! Pero sige na nga, okay lang...

Nang makasakay yung lalaki nagdrive na ulit ako

Isang oras pa yung lumipas at malapit na kami sa Makati kaso...

*Booggssshhh!!

Napapikit ako

"Naman oh!!"

May bigla kasing huminto sa harap ko kaya naman nabangga ko yung sasakyan

"Ano ba yan!" reklamo ng pasahero ko

"W-Wait lang po ah" paalam ko pagkatapos bumaba ako

Nakita kong bumaba na din yung driver ng nabangga kong sasakyan

"Kuya bakit naman basta-basta kayong humihinto?!" inis na tanong ko

"Naku sorry! Bigla kasing namatay yung makina ng sasakyan ko" sagot nya

Napakamot ako sa ulo

"Basta wala po akong babayaran sayo ha! Hindi ko na kasalanan---"

Nakita kong lumabas yung pasahero ko at nagmadaling umalis

"Hoooyyy!! Yung bayad mo!" sigaw ko kaso parang wala syang narinig

Bwisit!! Hindi ko maiwan yung taxi dito!

Ang layo pa naman ng lugar tapos tatakasan lang ako??!

"Karmahin ka sana!!" sigaw ko

"N-Naku, tinakbuhan ka tuloy ng pasahero mo, kasalanan ko, sorry talaga ha, g-gusto ko sanang bayaran nalang yung pamasahe non para hindi ka lugi kaso w-wala din akong pera dito" sabi ng lalaki

T*ng*n*ng yan, may magagawa ba ako??!

Napakamot nalang ulit ako sa ulo ko

Ang malas naman!

"S-Sige po" sabi ko

Kunot noo akong bumalik ng sasakyan, dismayado at naiinis kasi ako dahil sa nangyare

Tumingin ako sa orasan

Malapit na palang mag lunchtime...

Nagdrive ako papunta sa palagi naming kinakainan ng mga kaibigan ko

Pagdating ko sa karinderya nakita ko si Tots at si Bei kaya umupo ako sa tabi nila

"Oh! Bakit nakabusangot nanaman yang pagmumukha mo?!" tanong ni Tots sakin habang kumakaen

Taxi driver din silang dalawa

"Nalugi ako eh! Takasan ba naman ako ng pasahero ko kanina!" kwento ko sa kanila habang nakasimangot

For The First TimeWhere stories live. Discover now