Bigla akong kinabahan

Baka magpo-propose na sya?!

"A-Ano yon love?" tanong ko sa kanya

Nakagat nya yung labi nya

"A-Ahh... l-love a-ano kasi--" huminga sya ng malalim, "N-Nakikipagbreak na ako sayo"

Nabitawan ko yung kutsara na hawak ko

"H-Ha??"

Napayuko sya

"S-Sorry p-pero w-wala na kasing patutunguhan to eh"

Parang binasag yung puso ko dahil sa sinabi nya 

"W-Wala ng patutunguhan??" tanong ko sakanya habang nakakunot-noo, nangingilid na din yung luha ko, "P-Prank lang to diba? Nagbibiro ka lang diba??!"

Umiling sya

"H-Hindi... s-sorry talaga---"

"Pero bakit??! May nagawa ba ako??" tanong ko sakanya

"Wala, h-hindi ko alam pero nagising nalang ako na hindi na kita mahal, a-ayaw kong ipilit pa to kasi parehas lang tayong masasaktan" sagot nya

Pumatak yung luha sa mga mata ko

"M-May iba kana ba?" tanong ko sakanya

Umiling sya

"W-Wala" sagot nya

"*Hik! H-Hindi ko lang kasi matanggap yung reason mo eh"

"Jema, sorry... sorry talaga, sana mapatawad mo ako" sabi nya pagkatapos tumayo na sya at naglakad palabas

Nakatulala lang ako pero tuloy yung pagpatak ng luha sa mga mata ko

Hindi ko alam yung gagawin ko, sobrang sakit!

Ano bang kulang sakin? May nagawa ba ako? May nakita ba sya na mas maganda sakin??? 

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mamaga yung mga mata ko, tinadtad ko din ng message si Fhen pero hindi nya ako nirereplyan. 

KINABUKASAN...

Nandito ngayon sa condo ko si Kyla, Ced at Jho

"Bes! Anong nangyare?!" tanong ni Kyla sakin

"Bes! *hik! Nakipagbreak na sya sakin! *hik! Hindi ko alam kung anong nagawa ko eh! *hik!" sagot ko habang umiiyak

Lumapit sya sakin at niyakap nya ako ng mahigpit

"Bakit daw sya nakipagbreak?" tanong ni Ced

Ikinuwento ko sakanila yung nangyare.

"Tanginang yan! Ano yon? Nakikaen muna bago makipagbreak?!" inis na tanong ni Jho

Iyak lang yung isinagot ko sakanya

Kinagabihan inaya ako nila Jho sa bar, uminom lang ako ng uminom hanggang sa malasing ako

"Grabe! Ang sakit-sakit talaga! Hindi ko matanggap eh! *hik! Mahal ko yun eh!" sabi ko habang umiiyak, nakikinig lang sakin sila Jho

"Eh wala ka ng magagawa bes, ayaw na sayo ng tao" sabi ni Kyla

"Pero bakit?! Wala akong maalala na ginawang masama! Naging loyal naman ako sakanya eh! *hik! Halos lahat binigay ko sakanya! Pero t*ng*n*ng yan! Iniwan parin ako! huhu!" sabi ko habang umiiyak

Nilagok ko yung beer na hawak ko

"Baka naman gusto nya lang ng space?" tanong ni Ced

"S-Space?!! *hik! Hindi ko naman sya pinagbabawalan sa mga gusto nya eh!" sagot ko

"Hayaan mo muna sya, babalik yon kung talagang mahal ka nya" sabi naman ni Jho

"Hindi ko kaya eh! s-sabi nya hindi na daw nya ako mahal! *hik! pupuntahan ko sya mamaya! Kakausapin ko sya-*hik! hindi pwede yon! *hik!"

"Ay hinde! Kausapin mo sya kung hindi ka nakainom!" sabi ni Jho

"Kaya nga!" sang-ayon ni Ced at Kyla kaya mas lalo akong naiyak

"Tara sayaw nalang tayo" aya ni Kyla

Inakay nila ako sa gitna ng dance floor at dahil lasing na ako hindi ko na masyadong napapansin yung mga galaw ko, nararamdaman kong nahihipuan na ako pero hindi ko pinapansin iyon, sayaw lang ako ng sayaw hanggang sa...

"Bes! Upo na tayo don!" aya ni Kyla sakin

"Kaya nga, nahihipuan kana dito Jema!" bulong sakin ni Ced

"Okay lang yan! Sayaw pa tayo! Hahaha!" sabi ko sabay tawa

"Jema! Lasing kana!" inis na sabi ni Jho

"Ano ba?! Iwan nyo nga ako dito! Nag-eenjoy ako eh! Inaya nyo ako dito tapos ngayong nag-eenjoy na ako aayain nyo akong umupo!" sabi ko sakanila

"P-Pero Jema--"

"Hayaan nyo muna ako!" putol ko sa sasabihin ni Kyla

"Hayaan muna natin sya, tanaw naman natin sya mula don sa pwesto natin eh" rinig kong sabi ni Ced

Walang nagawa si Kyla kundi ang pumayag

Ipinagpatuloy ko yung pagsasayaw ko hanggang sa nakaramdam ako na naji-jingle ako

Gegewang-gewang akong naglakad papunta sa CR

"Grabe! Nalashing ako don ha!" sabi ko habang umiihi

Ngumiti ako

"Pupuntahan ko shi Fhen ngayon, malamang mashoshorprise yon!"

Pagkatapos kong umihi lumabas na ako ng CR, pero imbes na bumalik ako sa mga kasama ko naglakad ako palabas ng bar

Pagdating ko sa parking bigla akong nakaramdam ng pagkahilo hanggang sa....

*BWAAAKKKK!!!

"Arg! Hindi ko na kayang magdrive!"

Iginala ko yung paningin ko at may nakita akong taxi

Magtataxi nalang ako!

Pagewang-gewang akong naglakad papunta sa gilid ng kalsada, nang nakakita ako nang taxi agad kong pinara iyon, agad naman syang huminto kaya sumakay ako

"Good Morning Ma'am! Saan po tayo?"

Tumingin ako sa driver

"QC" maikling sagot ko

"Saan po sa QC?" tanong nya uli

"Bashta! M-Magdrive ka nalang at ituturo ko yung daan!" sagot ko

"O-Okay po" sagot nya pagkatapos nagdrive na sya

Binuksan nya din yung radio nya

NP: Where do broken hearts go

🎶I know it's been some time but there's something on my mind you see, I haven't been the same since that cold November day we said we needed space but all we found was an empty place and the only things I learned Is that I need you desperately🎶

Biglang pumatak yung luha sa mga mata ko

🎶So here I am and can you please tell me, oh🎶

🎶Where do broken hearts go? Can they find their way home Back to the open arms Of a love that's waiting there? And if somebody loves you Won't they always love you? I look in your eyes And I know that you still care, for me (ooh, baby)🎶

"*hik! Nakakainis naman eh!" bulong ko, pinunasan ko yung luha ko habang nakatingin sa labas

Umiyak lang ako hanggang sa makatulog ako

----------
New story.. next year naman yung iba 🥴🥴

For The First TimeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin