"Chapter 87: One Year Later"

Start from the beginning
                                    

Pagkarinig namin sabay-sabay kaming nagsitawanan ng mga classmates ko at kahit din si ma'am Jasmine tumawa.

"Ay grabe ka, mare Jess ah. Walang patawad hahaha." natatawang sabi naman ni mare Kristine

Tumingin si mare Jess sa aming dalawa ni mare Tine para kausapin kami sa mahinang boses niya.

"Pero alam niyo mga friend. Sa dami ng explanation na sinabi ni ma'am satin. Di ako sure kung may natatandaan ako."

Nang marinig namin iyon, natawa kami ng mahina at natawa din ang ibang classmates namin na nakarinig sa kanya.

"Busit ka. Akala namin nakinig ka. Pasabi-sabi ka pa ng don't worry kay ma'am ahaha." natawang sabi ni Tine

Bigla kaming napatigil sa pagtawa ng marinig pa namin na nagsalita si ma'am Jasmine.

"Sige na, tama na yan. I said umpisahan na at ayusin na ang mga upuan. Huwag niyo kalimutan ang tamang instruction na tinuro ko kung paano gagawin. Isa pa, nakakita na kayo kahapon sa personal kung paano maglagay na in-example natin kay Ian. Pasalamat kayo sa classmate niyo nag-volunteer siya na gawin ko sa kanya para ipakita sa inyo."

"Oo nga po, ma'am eh. Saka parang kagat lang ng langgam." hirit ni Ian at tumango-tango si ma'am Jasmine sa kanya

"Okay. Start na."

Matapos namin makinig sa mahabang paliwanag ni ma'am Jasmine ay agad na kaming nagsitayuan sa mga upuan namin para pagtapatin ang mga upuan at ilagay ang mga mesa sa gilid.

Pagkatapos, isa-isa kaming kumuha ng swero. Syempre, kami nila mare Jess at mare Tine ang magkakagrupo. Kami lang tatlo. Kaya na namin ito.

Di lang yun, i'm so excited na mangtusok ng ugat. Putok ka ngayon sa karayom ko bwahahaha! Shemay..

Pagkaupo namin, agad akong nagsalita sa mga kumare ko dahil sa gusto ko na ako muna ang unang gagawa bwahahaha!

"Mga marekoy, ako muna ang unang magtutusok ng swero ah. Exited ako mangtusok ng ugat eh. Hahahaha!" excited na excited kong sinabi habang katapat ko sa upuan si Jessica at katabi ko naman si Kristine sa right side ko

"Oo nga eh. Di rin halata sayo, friend. Naglalaway ka eh. Pakipunasan nga. Kadiri lang eh." sabi ni mare Jess

Bigla kaming natawa ni mare Tine sa sinabi niya.

"Haha oy grabe ka. Di ako naglalaway. Pero i'm very excited. Akin na ang kamay mo." nangingiting sabi ko sa kanya

"Che. Ngiting aso ka pa." sabay inabot niya sakin ang kanang kamay niya

AKAK! Nang-insulto pa eh, amfufu..

Humirit si mare Kristine, "Sige na, mare Jhe. Tusukin mo na ugat niya para matuluyan na." sabay turo sa kamay ni Jessica gamit ang nguso niya

Tumawa ako at napailing.

"Kung ikaw kaya tuluyan ko, friend Tine? Itusok ko kaya yang karayom sa nguso mo? Pwet ng manok eh." taas kilay na sabi ni Jessica

"Hahahahaha! Hehehehahaha! Ewan ko sayo, mare Jess. Umpisahan niyo na nga."

Nagclear throat ako.

"Okay. Uumpisahan ko na. Ready na, mare Jess?" nangingiting tanong ko

"Nung panahon pa ni Maria Clara. Tagal mo eh."

Sabay ulit kaming natawa ni mare Kristine sa kanya.

TOKWANG YAN!

Medyo tinaas ko ang kamay ni mare Jess at tinitigan ko ng husto yung ugat niya sa kamay para hanapin yung ugat na makapal. Di pwede ang manipis, puputok talaga at masasaktan pa yung ugat.

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now