"Fire away!"saad naman nito.

"Bakit mo ba ako palaging tinitease pagdating kay Kyler?"tanong ko kasi sa totoo lang naguguluhan ako.

"Obvious na obvious naman na gusto ka nito. Diba?"tanong niya pa sa ibang members.

Tumango naman mga ito even Winston. "Kahit team Kim ako ay nahahalata ko na. Isa pa noong una talaga ay gusto na naming isa-ayos ito kasi nga diba may kontrata kaming pinirmahan baka kasi pag kumalat ito magsira ang pinaghirapan namin. Kaya lang, kung saan naman masaya ang mga kagrupo namin ay doon naman kani."saad ni Winston.

"Then, bakit hindi ko napansin?"tanong ko sa kanila.

"Kasi manhid ka."deretsong saad ni Kyler sa tabii ko kaya sinamaan ko siya.


Napa "ow" naman silang lahat at bumalik nalang sa pagkain ng breakfast nila. Maya-maya ay may biglang lumapit sa akin na crew.


"PA ka po nila hindi ba? Kailangan ka po naming interviewhin mamaya po. Tatanong lang namin ang mga klaseng tao po sila, mga ganyan lang po."saad nito sa akin.

"Talaga? Sige po!"masayang saad ko.

"Artista kana, Ate."biro ni Jiro.

"Pasado ba, Jiro?"tanong ko sa kaniya.

"Oo naman, Ate."saad nito at nag thumbs-up pa.


Matapos naming kumain ay dumeretso ako sa kwarto ko para magbihis at mag-ayos. Hindi nga halata na excited ako sa gagawing interview dahil ginandahan ko pa talaga at minake-upan ako ni Synthia pero iyong very light lang.


"Ayan, ayusin mo mamaya dahil ipapalabas 'yan sa TV."saad nito.

"Tandaan mo, ayokong may best friend na hindi maganda at maayos sa screen."dagdag nito.

"OA mo naman, interview lang naman eh. Hindi naman ako ang star."saad ko.

"Kahit na."saad naman nito.


Umalis naman kami at hinatid ako ni Synthia papunta sa pool area dahil doon ang location para ako interviewhin pati si Managernim ay iinterviewhindin.


"Okay na po ba kayo?"tanong ng camera man.

"Teka lang po!"saad ni Synthia at lumapit sa akin para ayusan ang buhok ko na magulo.

"Okay na po!"saad ulit ni Synthia ng matapos ito.

"Rolling in 3..... 2..... 1!"saad ng camera man.


Huminga ako ng malalim bago tumingin sa camera at sa likod ng camera naman ay nandoon ang magtatanong.


"Okay, unang tanong po masaya po ba katrabaho ang Hori7on?"tanong nito.

"Masaya po. Sobrang masaya. Sa maikling panahon na nakatrabaho ko sila ay talagang masaya ako sa tinahak ko na landas. Makulit sila, masayahin, mga gentleman at lalong-lao na sobrang caring nila."sagot ko.

"Hindi ka ba nahihirapan sa kanila?"tanong uli nito.

"Hindi po. Akala ko nooong una ay mahihirapan ako dahil ang mga alam ko na PA ay talagang inaalila pero sa kanila po ay hindi more likely, naranasan ko po ang princess treatment sa kanila. 'Wag niyo po sana ako i-bash pero totoo maalaga sila."sagot ko.

"If you'd given a chance to date someone sa loob ng grupo would you do it?"tanong nito.


Nagulat naman ako sa tanong kaya napalingon ako kay Managernim at kita ko ang pagkagulat niya. Mabilis niya namang kinausap ang isang crew.


"Next question nalang po."saad ko.


Bawal kasi akong magsabi ng hindi maganda dahil ay hindi pwedeng may lumabas na issue o scandal ang Hori7on ng dahil sa akin magiging flop sila pag nagkataon.


"Sige. People are asking why are you so close to Kim?"tanong ulit nito.


Mas lalong lumaki ang mga mata ko sa tanong. Ano 'to, tanong o bulgaran? Mabilis namang lumapit si Managernim sa nagtanong.


"Let's just stop this. Thank you."saad ni Managernim at mabilis naman siyang sinunod ng mga camera man.

"You go, Ms. Abalos."saad ni Managernim kaya naman tumayo ako at lumapit kay Synthia.


Hinawakan naman ako ni Synthia at binigyan ng tubig.


"Ano 'yun? Bakit ganun ang mga tanong?"takang tanong niya.

"Hindi ko nga alam eh."litong saad ko.


Pinalabas naman na ang mga crew at camera dito dahil sa mga pangyayari baka sa Manila nalang daw ang kay Managernim.

Nabigla naman ako ng isa-isang napadpad sa pool area ang Hori7on na pinangunahan nina Kim at Kyler.


"Are you okay? May ginawa ba siyang masama sa'yo?"nag-aalalang tanong ni Kyler sa akin.

Napailing naman ako. "Sorry, Amara."paumanhin ni Kim.

"Amara! Check you're social media dali!"saad ni Vinci.


Lahat kami ay kinuha ang cellphone namin at tinignan ang kaniya-kaniyang social media namin. Nagulat naman ako sa nakita ko.


PA ng kinikilalang Global Pop Group ng Hori7on at ang isang miyembro nito na si Kim Huat Ng ay nakitang magkasama sa isang cafe malapit sa agency nito, hindi kaya't nagdate sila?


Basa ko sa headlines na kumakalat ngayon. WHAT THE-- 

-xxx-

Hello, everyone! Expect delayed updates due to my busy sched. I'm busy due to academics (BUSINESS RESEARCH and all MAJOR SUBJECTS). Hindi ko lang talaga masunod ang schedule for updating but still mag-uupdate namna ako pero late lang. Happy 366 reads pala! Sana dumapi pa, char pero thank you sa inyo at sa mga bumasa! Luvyu!

-itsmeicayy

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon