Winston - Colet

Jeromy - Stacey

Marcus - Aiah

Kyler - Mikha

Nakatingin lang ako kila Kyler at Mikha na kanina pa nagtatawanan sa monitor. Ang sweet nga nilang tignan. Para silang legit na magjowa. Edi kayo na.


"You feel jealous?"birong tanong sa akin ni Managernim.

"N-No way, M-Managernim."tangi ko kahit totoo naman.


Hindi ko nalang pinansin si Managernim at patuloy na nakatingin sa monitor dito sa lokasyon namin. Binigyan kasi sila ng parang vlogging camera. Kaya naman kita namin.


"Ma'am nasira na po ang props."sabi sa akin ng isang crew.

Napalingon naman ako sa hinawakan ko. "Hala, sorry po!"paumanhin ko sa crew.


Binitawan ko naman ito. Napakamot naman si Ateng crew habang nakita ko sa gilid na tumawa si Managernim sa akin kaya napasimangot naman ako.

Isa-isa namang nasidatingan ang ibang grupo at kanilang mga pair habang may mga bitbit na plastik habang sina Kyler at Mikha ay enjoy na enjoy. 


"Is this cute?"tanong ni Kyler kay Mikha.

Ngumiti naman ito. "Are you giving this to someone? It's cute."saad nito.

"Then, I'll get it."saad ni Kyler.


KIta sa monitor na binili ni Kyler ang isang bracelet na color pink. Psh, bibigay niya lang naman 'yan kay Mikha off-cam. Hindi ko maiwasang umirap.


"Selos na selos, gustong manakal."biro ng katabi ko.

Inirapan ko naman siya. "Reyster, kung wala ka namang matinong sasabihin umalis kana."

"Yes!"tawang saad nito at umalis na.


Umirap naman ako at nagpatuloy sa panunuod sa monitor. Talagang pinapatay mo ako Kyler. 


"Kalma baka mamaya patayin mo na 'yan... sa pagmamahal mo."biro ulit ng katabi ko.


Dahil pamilyar sa akin ang boses agad naman ako lumingon. Nakita ko naman si Synthia kaya naman ay napatalon ako.


"Synthiaaa!"sigaw ko habang niyakap siya.


Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala kaming pakialam.


"Girl, di ako makahinga."reklamo niya kaya naman agad ko siyang binitawan.

"Tara! Ipakilala kita sa kanila."hila ko sa kaniya papunta sa Hori7on na tent.


Napangiti naman siya sa akin ng todo. Halata naman sa mukha niya gusto niya makita ang grupo kahit hindi pa sila kompleto ay nais ko siyang ipakilala dito.


"Managernim! Guys!"tawag ko sa kanila kaya napahinto sila sa mga ginagawa nila at lumingon sa akin.

"I'd like you to meet my best friend Synthia."pagpapakilala ko kay Synthia.

Lumapit naman si Managernim at kinamayan ito. "It was nice meeting you."

Nagsilapitan naman ang Hori7on. "May dalawa ng prinsesa ang grupo."saad ni Vinci.

"Prinsesa ang isa at ang isa ay monster."biro ni Winston kaya naman nilapitan ko siya at inapakan.

"You deserve it kuya Winston."tawang saad ni Marcus.

"What's going on here?"tanong ng kakadating lang.

Lahat kami ay napatingin sa kaniya. "Kim, inaway ako ni Amara!"sumbong ni Winston kaya pinadilatan ko siya.

"You deserve it anyway."panggagatong ni Kim kaya mas lalong sumimangot si Winston kaya nagtawanan naman kami.

"Uhm, Kim. This is Synthia my bestfriend and Synthia this is Kim."pagpapakilala ko at kita sa mukha ni Synthia na abot langit ang ngiti nito.

"Hi!"pabebe na saad ni Synthia kay Kim.

"Lumalandi ka lang!"reklamo ni Winston.


Pinandilatan naman siya ng mata ni Synthia kaya sumimangot ito. Kaya palihim akong natawa.


"Hello."bati naman ni Kim at mabilis na ibinaling ang tingin sa akin.

"Come over here, may gusto akong ipakilala sa'yo."hila niya sa akin palabas.


Hindi na ako nagreklamo sa kaniya. May nakita naman ako na medyo may edad na nakatayo malapit sa mga camera.


"Ma!"tawag ni Kim kaya awtomatikong napalingon ako sa kaniya.

"Ma, this is Amara."pakilala ni KIm sa kain sakto namang humarap ang babae.

Hindi ko alam kung paano ako magreact. "H-Hello po."saad ko at ngumiti ng peke.

"Totoo nga ang sinasabi ng anak ko, maganda ka nga sa personal."masayang saad nito sa akin.


Napangiti nalang ako. Nagulat naman akong may kamay na sumapaw at hinila ako papalapit sa kaniya.


"Sorry Tita, may kailangan lang akong sabihin sa babaeng ito."saad ni Kyler sa Mama ni Kim.


Hindi naman nakapagsalita ang Mama ni Kim dahil bigla niya akong hinla papunta sa hindi ko alam kung saan ito dahil medyo malayo na ito sa pwesto namin kanina.


"Saan mo ba ako dadalhin?"tanong ko.

"You'll get there."saad lang nito sa akin.


Huminto kami sa may table at dalawang upuan kumbaga parang candlelight dinner ang atake. Hindi ko mapigilang mamangha. What's this?

-xxx-

Daling bumawi ng manok natin hahahah.

(BINI ON THE MULTIMEDIA)

By Your SideWhere stories live. Discover now