Chapter Forty Nine

Magsimula sa umpisa
                                    

 Pinapasok niya ang mga ito sa bahay. Nangangamba pa rin siya dahil nandoon sa silid niya si Callan. Anumang oras ay posibleng lumabas ito ng kwarto at malaman ng kanyang mga magulang na doon natutulog ang binata. Hindi puwedeng malaman ng mga ito ang bagay na 'yon. Lalo na ng kanyang mama.

"Ma, nakapag-almusal na ba kayo?" tanong niya.

 Ang papa niya ang sumagot. "Hindi pa kami kumakain ng mama mo. Dadaan sana kami kanina sa fast food chain pero itong mama mo atat na pumunta dito."

 "Ah, ganoon po ba? Meron naman po d'yan sa ref na makakain. Ano ba ang gusto n'yo, Pa?"

 "Kahit ano, anak. Basta sabay-sabay na tayo mag-almusal. Teka, ano ba'ng oras ka napunta sa restaurant mo?" natanong nito.

 "Mamaya pa naman, Pa. Maaga na naman napunta doon 'yong bago kong manager, si Themarie. Kaya kahit tinatanghali ako sa paggising---"

 "Bakit ka pa tinatanghali sa paggising?" magkapanabay na tanong ng kanyang mama at papa.

 Napangiwi si Kira. "Err---" Ano'ng sasabihin niya? Alangan naman na sabihin niyang, "Inaabot kasi po kami ni Callan ng umaga kaya ganoon."

  That would be the worst answer. Oo, alam na ng kanyang mama ang tungkol sa kanila ni Callan. Maaaring di pa alam ng kanyang papa dahil baka hindi sinabi dito ng kanyang ina. But for sure, hindi pa nito inaasahan na may nagaganap na sa kanila ng nobyo. At mas lalong di nito aasahan kung ipagtatapat niya ang kanyang pagbubuntis.

 Hindi maganda ang resulta ng naging huling pag-uusap nila ng kanyang ina na si Reina sa telepono. Sinabihan siya nito na layuan si Callan at putulin ang relasyon sa nobyo. She didn't know what's wrong.

 Hindi niya gugustuhin na lumayo kay Callan. Wala siyang nakikitang mali sa relasyon nila. They love each other. At sa tingin niya, huli na para putulin ang koneksyon kay Callan. May isang buhay na ang nabuo dahil sa tamis ng kanilang pagmamahalan.

 "Kira?" pagputol ng kanyang mama sa pag-iisip niya.

Humugot siya ng hininga. "Inaabot po kasi ako ng hatinggabi minsan sa panonood ng TV."

 "TV?" Napahalakhak ang papa niya. "Ikaw talagang bata ka hindi ka pa rin nagbabago. Hilig mo pa rin manood ng primetime bida."

 Nakahinga siya ng maluwag. "Syempre naman, Pa. Naaaliw pa rin naman ako sa mga TV Shows ngayon." Pero alam niya sa sarili na matagal na siyang natigil sa panonood ng TV.

 Callan was her only addiction.

 "Sige, mag-almusal muna tayo."

 "Mauna na kayo sa kusina, 'Ma."

 "Bakit?"

 "May titingnan lang ako sa kwarto, sa itaas." pagpapaalam niya. Kailangan lang niya na masigurado na hindi siya mabubuking o mas tamang sabihin na hindi malalaman ng kanyang magulang na doon natutulog sa silid niya si Callan.

 Tumango ang mga ito at nauna na sa kusina. Nagmamadaling umakyat sa itaas si Kira at nagtungo sa silid niya. Natutulog pa rin si Callan. Mukhang mahimbing ang tulog ng binata. Kung pagmamasdan ang mukha nito habang natutulog parang bata ito.

 Hindi niya maiwasan ang mapangiti.

Nabura lang ang ngiti niya ng maalala na kailangan nga pala niya itong itago mula sa parents niya. Ayaw man niyang gisingin ito, pero kailangan niyang gawin 'yon.

 "Callan, Callan.. Uy, gising." Sunod-sunod na niyugyog niya ang balikat nito.

He moaned, but didn't open his eyes. Pinigilan niyang pumalatak.

 Ang hirap naman gisingin ng kumag na ito. At teka, kailan pa siya nahirapan "gisingin" ito? Napatingin siya sa umbok sa pagitan ng hita nito.

 Nag-init ang pisngi ni Kira.

 Ang bahaging iyon lang ba ang madaling gising dito? Infairness, parang gusto niyang abutin iyon ng kamay at himasin..

Ay, naku, Kira! Maghunos dili ka!

 "Uy, Callan.. Gumising ka nga."

 "Uhhh.."

 "Ano ba, uy, tanghali na mokong!" Pigil niya ang boses na sumigaw.

 "Uhh.. Mamaya na."

 "Anong mamaya---Hoy, bitawan mo ko!" mariing sabi niya nang hilahin siya nito pahiga at ikulong sa mainit na yakap. Nakapikit man ito, pero may pilyong ngiti ang naglalaro sa labi nito.

 "Can we just stay like this forever, hon? Hmmm..." bulong nito sa may tenga niya. God, his breath was ecstacy! Inutusan niya ang sarili na huwag kiligin ng todo. 

 "Paano kung sabihin ko sa 'yong walang forever?"

He let out a soft, delicious chuckle. "Yeah. Walang forever."

 Dismayadong napasimangot siya. "Ay, ganoon? Wala palang forever kaya bitawan mo na ako."

 "Walang forever, but i'll make sure that i will always love you."

 "Heh! Mambobola ka pa."

 Iminulat nito ang mga mata at sinalubong ang mga mata niya. Darn, his blue eyes could melt her bones literally. "I love you, hon. I love you, i love you, i love you---"

 "Heh! Tama na. Pakikiligin mo pa ako." Hindi na niya mapigilan ang mapangiti.

 "Mas gusto kong nakikita kang kinikilig."

 "Aba't bakit naman?"

 "Para alam kong ako lang ang mahal mo."

 Muling nabura ang ngiti niya nang marinig ang boses ng ina na tumatawag mula sa ibaba.

 Nagsalubong ang kilay ni Callan. "Sino 'yon?" tanong nito.

 "Si Mama."

 "Nandito sila?"

 "Oo." Kumalas siya sa yakap nito. "Oh my, baka malaman nila na dito ka natutulog. Kailangan mong magtago."

 Lumalim ang pagkakakunot-noo ni Callan. "Why would i need to hide?"

 "Kasi nga mabubuking ako."

 "Bakit, ano ba ang tinatago mo?"

 Pinandilatan niya ang binata. "Malamang, ikaw ang itinatago ko."

Bumangon ito. "Itinatago mo ako from your parents?" Bahagyang nagdilim ang mukha ni Callan. Rinig niya ang pagkadismaya sa boses nito.

 Natigilan si Kira. "B-Bakit?"

 "Anong bakit? You're parents are here. Itatago mo ako sa kanila imbes na ipakilala?"

Sabay silang napalingon ni Callan nang marinig nila ang isang malakas na tikhim mula sa pintuan.

 Gayon na lamang ang pagtakas ng kulay sa mukha niya nang makitang nandoon ang ama niya. Sa likod nito ay ang kanyang ina..

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon