Chapter 5

22 0 0
                                    

Sam's POV

"Happy Birthday." Bati ko sakanya pagkamulat na pagkamulat ng mga mata niya habang nirerecord ko siya.

"Thank you love!" Pasasalamat niya sabay yakap sakin.

"Tayo ka na pagluluto kita." Bulong ko.

Kumalas na kami sa pag yakap at nagtungo na kami papuntang kusina.

Habang siya ay naghihilamos at nagtotoothbrush ako naman nagluluto ng almusal.

"Tapos na ko magtoothbrush." Wika niya.

"Tingin nga." Sabay halik ng mabilis.

Kitang kita na namumula ang mukha niya sa ginawa ko.

"Oo nga." Pang aasar ko.

"Tigil tigilan mo ko sa trip mo." Warning niya.

Tumawa lang ako at pinaupo ko muna siya.

"Bango na ng niluluto mo ah! Parang dati lang lagi na aamoy ko sunog." Saad niya.

"Syempre practice makes perfect Ciannon." Pagmamayabang ko.

Nung na luto na lahat inihain ko na rin agad para makakain na kami.

Aalis pa kasi kami.

Ang pagkakaalam niya is sa mall lang kami.

Pero dadalhin ko siya sa Bicol.

Yun ang surprise gift ko sakanya.

Ciannon loves volcanoes kaya dadalhin ko siya ngayon sa Mt. Mayon.

"Wag ka muna umalis." Utos ko.

Tatayo na kasi siya after niya kumain.

"Bakit?" Pagtataka niya.

Dali dali ko nilabas ang cake at sinindihan ang kandila.

Inumpisahan ko ulit magrecord at kinantahan siya.

Lahat ng memories namin mapamalaki or maliit man yan nirerecord ko.

Dahil alam ko sa sarili ko na mapapanood niya ito balang araw.

"Make a wish Ciannon before you blow your candle." Utos ko.

Umikit siya ng ilan segundo bago niya iblow yung kandila.

Dali dali ko siya nilapitan at binigyan ng halik.

"Bihis ka na. I have a surprise for you." Saad ko.

Tumango tango lang siya at pumunta na siya ng kwarto.

Nag ayos at naglinis muna ako ng kusina at dining.

After ay nag ayos din ako.

Kagabi ko pa naman inayos ang gamit namin ni Ciannon nung natutulog pa siya.

Isang linggo kasi kami sa Bicol.

Nilagay ko na rin lahat sa kotse para hindi siya maghinala.

"Let's go Ciannon." Aya ko sakanya at dahan dahan siya tinayo.

"Ayaw mo talaga magcall sign tayo?" Tanong niya.

"Aanhin pa natin yang call sign na yan? I love your name. Ciannon. You can call me whatever you want." Saad ko.

Nginitian niya lang ako.

"Tara na." Aya ko sabay hila sakanya.

The Way You Look At Me (Short Story) Where stories live. Discover now