Chapter 2

46 2 0
                                    

Sam's POV

Nagising ako na wala si Ciannon sa tabi ko.

Agad agad ako bumangon at lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko may naririnig akong kalampag sa kusina kaya dumeretso ako dun.

At nandun nga siya sa may lababo nakayuko habang hawak ang kamay.

Pagkalapit ko sakanya napansin ko na nagdudugo ang kamay niya.

"Ciannon ano nangyari?" Pag aalala ko.

"Nadulas sa kamay ko yung baso." Malungkot na sagot niya.

"Diba sabi ko sayo ako na gagawa ng mga to." Ani ko.

Kinuha ko ang kamay niya at tinapat sa dumadaloy na tubig para mawala ang dugo.

"Gusto ko lang makatulong lagi na lang ikaw eh." Saad niya.

"It's okay Ciannon. Kaya ko naman eh." I said.

Pagkatapos ko tanggalin ang mga dugo sa kamay niya agad ko kinuha ang first aid kit.

Inalalayan ko siya paupo at sinimulan ko na siya gamutin.

Habang ginagamot ko siya pinagsasabihan ko pa rin siya.

"Ang hirap ng ganto limited lang ang pwede kong gawin." Malungkot niyang sabi.

Pati ako nalungkot sa sinabi niya.

"Ayaw mo pa ba talaga magpaopera?" Tanong ko.

Umiling lang siya sabay yuko.

"Natatakot ka ba?" Tanong ko.

"Hindi sa ganun Sam." Sagot niya.

"Eh ano?" Tanong ko ulit.

"Hindi lang ako handa." Mahinang sagot niya.

Tumungo tungo na lang ako sa sinabi niya.

Pagkatapos ko gamutin ang sugat niya nagsimula na pinagpatuloy ko yung hinuhugasan niya kanina at pagtapos nagluto na ko ng almusal.

Nung natapos ko magluto agad ko naman ito inihain.

"Let me guess,pancit canton at tocino na naman?" Saan ni Ciannon.

"Hehehe... ang sarap kasi ng combo na yan parang mix and match." Explain ko.

Natawa na lang siya habang naglalagay sa plato niya.

"Saan mo gusto pumunta ngayon?" Tanong ko.

"Wala ako maisip eh." Sagot niya.

"Ano ba trip mo ngayon? Mag picnic? Road trip? Out of town? Gusto mo mag ibang bansa tayo? O Palawan?" Suggest ko.

"Siguro magtagaytay na lang muna tayo lakad lakad tayo dun." Sagot niya.

Tumungo tungo na lang ako sa sinagot niya.

Pagkatapos namin kumain nag ayos na agad kami.

"Fave place mo talaga ang Tagaytay no?" Ani ko.

Sa tuwing kasi tinanong ko siya kung saan niya gusto pumunta lagi niya sinasagot Tagaytay.

"Gusto ko kasi maramdaman na nasa ibang lugar talaga ako. Hindi tulad pag nasa Manila ka lang mainit." Sagot niya.

"Edi Baguio tayo." Suggest ko.

"Masyadong malayo." Maikli niyang sayo.

Hindi na ako sumasagot sa sinabi niya nag ayos na lang ako.

Pagkatapos namin mag ayos agad din naman kami umalis.

"Let's go Tagaytay!" Sigaw ko.

Author's Note:

Maikli lang to kada chapter dahil short story lang siya. Minumum of 10 Maximum of 20 lang siya. CHAWWW!!

The Way You Look At Me (Short Story) Where stories live. Discover now