Chapter 3

28 1 0
                                    

Sam's POV

Nandito kami ngayon sa People's Park.

Ilan beses na kami nakapunta dito pero mangha pa din ako sa ganda.

Tapos mahamog pa parang nasa ibang bansa eh.

"Ganda dito." Saad ko.

"Kung nakikita ko lang eh." Natatawang sabi ni Ciannon.

"Don't worry Ciannon. You will see this soon." Motivate ko sakanya.

"Sana." Mahina niyang sagot.

Niyakap ko na lang siya habang nakaharap kami sa Taal Volcano.

Hanggang ngayon hindi ko maisip paano nangyari kay Ciannon ang mga ito.

Ang dami tanong na wala ako na kukuhang sagot.

Pero imbis na isipin ko pa yun.

Mas pinili ko magfocus sakanya at gumawa ng maraming memories.

"Picturan kita." Saad ko.

Inayos ko ang pwesto niya at lumayo ako para kuhaan siya ng picture sa Taal.

Bumaba na rin kami agad after ko siya picturan.

Habang naglalakad lakad kami nadaanan namin yung malaking santo na Hesus.

"Akyat tayo kay Jesus." Aya ko.

"Huy! Bata pa tayo!" Saad niya.

Nagtaka ako sa sinabi niya.

Ilan minuto rin nakalipas bago ko magets.

Nagtawanan kami habang umaakyat sa papunta sa santo.

Pag akyat namin pinagmasdan ko ang malaking santo.

"Ano prayers mo sakanya?" Tanong ko kay Ciannon.

Bago pa siya makasagot hinarap ko ang mukha niya kung saan nakapwesto yung malaking santo.

"Wala ako mahihiling eh. Nabigay ka na niya sakin." Giit niya.

Kung nakikita niya lang ako ngayon baka tawanan niya ako dahil sa reaction ko.

"Dapat na ba ko kiligin? Enebe!" Asar ko.

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw ba ano prayer mo sakanya?" Tanong niya.

"Hmm.. Sana makakita ka na." Sagot ko.

Tumango tango lang siya sa sinabi ko.

Nilapitan ko siya at niyakap.

"Para makita mo na rin mga nakikita ko." Explain ko.

"Hindi mo nakikita ang ganda ng Taal lake. An island in a lake in an island in a lake in an island." Natatawang sabi ko.

"Nakita ko na to no! Bago ako mawalan ng paningin." Pagtatama niya.

Hindi ako sumagot at tinitigan ko lang siya.

"Alam kong nakatitig ka sakin." Giit niya.

"Mas maganda ka pa kaysa sa mga tanawin." Ani ko.

"Sus nambola ka na naman!" Ani niya sabay kurot sa tagiliran ko.

"Hindi kita binobola." Depensa ko.

Nagmake face na lang siya.

"Pag nakakita ka na Ciannon. Ang unang una natin pupuntahan Zambales." Saad ko.

"Bakit Zambales?" Tanong niya.

"Pupunta tayong Mt. Pinatubo." Sagot ko.

Kita ko na biglang lumiwanag ang mukha niya.

"I know you love volcanoes." Giit ko.

"Oo naman. Volcanoes are a beautiful disaster." Saad niya.

"Volcano ka rin eh. Pagnagalit! HAHAHAHA! Kulang na lang may lumabas na lava sa ilong mo." Pangangasar ko.

"Napakaingay mo kasi maglaro! Natutulog ako bigla sumisigaw!" Protesta niya.

"Ayaw mo kasi ako palipatin sa kabilang kwarto."Depensa ko din.

"Matulog ka rin kasi! Sabayan mo ko. Siguro mukha ka ng panda itim na siguro ng mata mo kakapuyat sa paglalaro." Saad niya.

Agad ko naman tinignan ang mata ko.

"Hoy hindi naman!" Depensa ko ulit.

"Grabe tong mga to! Dito pa talaga sa harap ng santo nag away." Reklamo ng matandang kasama namin.

Bigla kami natahikik at dahan dahan bumaba.

"Ikaw kasi ang ingay mo!" Sisi sakin ni Ciannon pagkababa.

"Wow ah! Ako pa!" Angal ko.

"Ay hindi obvious? Lakas lakas ng boses mo oh! Bulag ako hindi ako bingi ah!" Saad niya.

Tinignan ko mga tao sa paligid pinagtitinginan ako.

Nagpeace sign na lang ako sabay hila kay Ciannon para makaalis kami agad.

'Nakakahiya!'

The Way You Look At Me (Short Story) Onde histórias criam vida. Descubra agora