Chapter 4

22 1 0
                                    

Sam's POV

Gabi na kaya pumunta na kami ni Ciannon sa Airbnb na binook namin dito sa tagaytay.

"Sino una maghhalfbath?" Tanong ko.

"Ako na lang muna." Sagot niya.

Dumertso na siya sa banyo at ako naman ay humilata sa sofa para makaidlip saglit.

Hindi pa ako tuluyan nakakatulog may narinig akong malakas na kalabog galing sa banyo.

Dali dali ako tumakbo papasok.

"Anong nangyari!?" Pag aalala ko.

Naabutan ko siya nakaupo sa may gilid ng bathtub habang hawak hawak ang ulo niya.

"Nahulog kasi yung toothpaste. Tapos pag angat ko bigla ako na untog sa lababo." Explain niya.

Kitang kita ko sa itsura niya na sobra siya na saktan.

"Hay nako. Halika icold compress natin yan para hindi bumukol." Aya ko sakanya.

Inalalayan ko siya patungong sala.

Pinaupo ko muna siya sa sofa habang inaayos ko ang ice bag.

"Sa susunod kasi magdahan dahan ka. Ayan tuloy." Panenermon ko.

"Opo boss! Nawala sa isip ko eh. Wag ka na magalit." Paglalambing niya.

After ko icold compress ang ulo niya inaya ko na siya papuntang cr.

"Nganga." Utos ko sakanya.

"Bakit?" Pagtataka niya.

"Totoothbrushan kita." Sagot ko.

"Hind na ako na Sam." Pagtanggi niya.

"Shh! Gusto ko!! Dali naaa! Nganga ka na!!" Pamimilit ko.

Wala na siya na gawa at ngumanga na lang.

Nakangiti lang ako at pinipigilan matawa dahil pulang pula siya.

Halatang nahihiya sa ginawa ko.

After niya magtoothbrush binackhug ko siya.

"Bathtub tayo." Aya ko.

"Hah?" Gulat niya.

"Dali na." Pamimilit ko ulit.

"S-Sige." Pag aalinlangan niya.

Dali dali ko inayos ang bathtub habang siya ay nakatayo sa gilid ng lababo.

"Bakit kinakabahan ka? Ginawa naman na natin to dati pa." Saad ko.

"Anong kinakabahan ka dyan? Chill lang kaya ako." Pagdedeny niya.

Natawa na lang ako at nagpatuloy ayusin ang bathtub.

After kong ayusin ay agad din ako pumasok sa bathtub.

"Halika na dito." Aya ko sakanya.

Hindi siya nagsalita pero naghubad na siya at umupo na rin sa bathtub.

Tinititigan ko lang siya habang pinaglalaruan ang mga bubbles.

"Halika dito kuskusin ko likod mo." Utos ko sakanya.

Hinila ko siya at pinatalikod ko siya sakin.

Ewan ko ba at hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang sinasabunan ko ang likod niya.

After ko siya sabunan ay niyakap ko siya.

"Thank you for coming into my life." Bulong ko sa tenga niya.

"Mas thankful ako. Grabe ang patient mo sakin. Thank you for loving me and accepting my flaws Sam." Ani niya.

"You're the most amazing person I know Ciannon."

The Way You Look At Me (Short Story) Where stories live. Discover now