Chapter 1

114 4 0
                                    

Sam's POV

"Saan mo na naman ako dadalhin Samara ah?" Natatawa niyang tanong.

"Basta!" Sagot ko.

Pagkapark ko ay kinuha ko agad ang mga gamit na prenipare ko na gagamitin namin.

Nung na kuha ko na ang mga gamit agad naman ako pumunta sa shotgun side at pinagbuksan siya ng pinto.

Inalalayan ko siya lumabas ng kotse.

Hawak hawak ko siya habang tinatahak namin ang way sa pupuntahan namin.

Pagkarating namin agad ko nilatag ang blanket na dala ko at inayos ko ang mga food na dala namin.

Hinila ko siya papalapit at pinaupo.

Umupo na din ako sa tabi niya at pinagmasdan ang tanawin.

"Napakaganda dito." Saad ko.

Tumawa lang siya at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Alam ikaw agad na aalala ko pagnakakakita ako ng gantong tanawin." Ani ko.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Napakacalm eh. Napaka aliwalas. Kagaya mo." Sagot ko.

"Wow ah! Gumaganyan ka na ah." Asar niya sakin sabay sundot ng tagiliran ko.

"Oy totoo yun!" Depensa ko.

Hindi niya ako pinansin nanatili lang siya nakaharap sa laot.

Habang ako naman ay titig na titig sa kanya.

'Bakit napakaganda ng babaeng to?'

Naalala ko bigla yung panahon na nakilala ko siya.

Flashback

Sobrang saya ko ngayon dahil binilhan ako ni kuya Shimiro ng bagong camera.

Naglalakad ako ngayon dito sa river side.

Hapon na kaya madaming tao na gumagala din dito.

Inabangan ko kasi ang sunset at kukuhanan ko iyon ng magandang shot.

Sa ngayon busy ako sa pagkuha ng litrato ng mga tao dito sa river side.

Park na din kasi ito at perya kaya madaming tao bandang ganitong oras.

Madami din nagbebenta ng mga pagkain.

Saglit lang naman ako nag ikot ikot.

Nung nakaramdam ng pagod ay bumili muna ako ng shake bago maghanap ng mauupuan para mahintay ang sunset.

Habang naghahanap ng mauupuan napadaan ako sa area kung saan nagpapakain ng mga ibon.

Nakuha ang atensyon ko ng isang babae na masayang masaya habang nagpapakain ng ibon.

Dali dali ko binaba ang shake na hawak ko at binuksan ang camera ko para kuhaan siya ng litrato.

Hindi ko alam pero hindi mawala ang ngiti ko habang kinukuhaan siya ng litrato.

After ko siya kuhaan ay pinapanood ko na lang siya.

Ang sarap lang niya panoorin.

Nang mapansin ko na papaalis na siya kinuha ko ang drinks ko at dalidali ako lumapit.

"Ms!" Pukaw ko sa atensyon niya habang papalapit

Hindi ko alam kung hindi niya ko narinig or ayaw niya lang mag assume na siya yung tinatawag ko.

Nung tuluyan na ko nakalapit sa kanya tinawag ko siya ulit.

"Ms." Pagpukaw ko ulit sa atensyon niya.

Agad naman siya napalingon sakin dahil busy siya sa pag aayos niya ng bag.

"Hm? Bakit po?" Pagtataka niya.

"Nakita kasi kita kanina habang pinapakain mo yung mga birds." Giit ko sabay turo sa mga ibon.

"Ah! Gusto mo din ba pakainin sila? Ito meron pa kong dalang mga seeds." Ani niya.

Kukunin na niya sana sa bag niya ng pigilan ko siya.

"Hind! May papakita lang ako sayo." Giit ko.

Agad ko pinakita sa kanya ang mga litrato niya na kinuhanan ko.

"Ang ganda naman ng pagkakuha mo." Pagpuri niya sakin.

Ngumiti lang ako at inabot sa kanya ang camera para siya na magtingin.

"Pwede mo kunin yung pics. Bigay mo lang sakin socmed mo at isesend ko sayo mga pictures na yan." Offer ko pagkabalik niya sakin ng cam.

Agad naman siya pumayag at agad binigay sakin facebook, instagram and gmail niya.

"Pauwi ka na ba? Aayain sana kita manood ng sunset. Ititimelapse ko kasi siya ngayon." Aya ko sa kanya.

"Mukha ka naman hindi masamang tao. Tara." Giit niya sabay hila sakin.

Natawa ako sa sinabi niya at nagpahila na lang ako.

End of Flashback

"Natahimik ka ata?" Taka ni Ciannon.

"Naalala ko lang kung paano tayo nagkilala." Saad ko.

"Hindi mo talaga na makalimutan no?" Ani niya habang natatawa.

"Talaga! Napakahalagang araw yun sakin." Pagmamalaki ko.

Natawa na lang siya sakin.

"Limang buwan man ako na wala pero pagbalik ko ikaw pa din." Ani ko.

Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

"Lika picturan kita dun." Aya ko sakanya.

Tumayo siya at picnicturan siya.

Nagselfie din naman kami for memories.

Na sana makita niya.

Dahil isa siyang bulag.

The Way You Look At Me (Short Story) Where stories live. Discover now