To: Kyler

Iniwan ko mga kape niyo sa table niyo. Mr. Henry summon us for a meeting.

Binalik ko naman agad ang phone ko at pumara na ng taxi papunta sa headquarters ng Hori7on.


KYLER'S POV

Bigla namang may nag vibrate sa cellphone ko kaya agad ko naman itong kinuha. Napangiti naman ako ng makita kung sino ang nag text. 

From: Amara

Iniwan ko mga kape niyo sa table niyo. Mr. Henry summon us for a meeting.

Matapos ko mabasa ang text ay agad namang nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Sino nag text?"pangungulit ni Reyster.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Wala."

"Sino nga?"ulit niya.

Binalik ko nalang ang phone ko sa bulsa ko at tumingin nalang sa labas habang si Reyster ay kanina pa ako kinukulit kung sino ang nag text sa akin.

Maayos naman kaming nakaabot sa photoshoot namin at agad naman kaming pumasok sa dressing room namin.

"Wala si Ate Amara?"lungkot na saad ni Jiro.

"Wala po dito si Ma'am Amara nasa headquarters po siya. Ako po pala si Jake ang magiging kaagapay niyo po."pakilalang isang lalaki.

Lumapit naman si Vinci. "Nice meeting you."

"Oo nga pala. Ibinilin ni Ma'am Mara ang mga kape niyo po sa lamesa."saad ni Jake.

Nagsitakbuhan naman sila papunta sa mga lamesa nila at kinuha ang mga kape nila. Agad naman ako napa-iling sa mga inasta nila. Parang hindi mga sikat.

"The best talaga si Amara!"saad ni Winston.

"Naman, siya pa!"ngiting saad ni Kim.

Napairap naman ako ng wala sa oras dahil sa narinig ko. Masaya na siya niyan? Mabilis naman akong pumunta sa lamesa ko at nakita ko may nakadikit na note kaya binasa ko naman ito.

Ito na, bayad mo ha!

Napangiti naman ako at mabilis ibinulsa ang maliit na sticky notes. Mabilis ko namang ininom ang kape ko habang may ngiti sa labi ko.

"Saya natin ah!"saad ni Reyster.

Mabilis namang nawala ang mga ngiti sa labi ko. 

"Bakit nga iba ang kape mo sa amin? Ang daya naman!"bulyaw niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Hinaan mo boses mo."

Ngumiti naman siya ng nakakaloko. "Kaya ba ngumingiti ka siyan?"

"Ewan ko sa'yo."saad ko at ininom uli ang kape ko.

Inayosan naman kami ng mukha. Ng matapos na ay pinabihis na kami ng damit para simulan na ang photoshoot. Mabilis ko namang kinuha ang phone ko.

To: Amara

We got the coffee. Thanks.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero hindi pa rin siya nag reply sa akin. Baka busy sa meeting. Kaya nagtext uli ako sa kaniya.

To: Amara

Treat you ice cream later, pambayad.

Binalik ko naman sa bulsa ko ang phone ko. Masaya naman akong lumabas at nag ready para sa photoshoot.


AMARA'S POV

Nakita pa vibrate ng vibrate cellphone ko pero hindi ko magawang tignan kasi baka mapagalitan ako dito.

"So, as we planned. Hori7on will be joining a variety show."saad ni sir Henry.

"What kind of variety show?"tanong ng korean producer na nakalimutan ko ang pangalan.

"It's just a simple performance variety show."saad ulit ni sir Henry.

"Where is the location?"tanong ni Managernim.

"It would be held in Bacolod. Since Kim is from there then it wouldn't be a problem."tugon ni sir Henry. "And Mr. Kang Minjun and Ms. Amara Abalos would accompany them there."dagdag pa nito.

"Sama po ako?"turo sa sarili ko.

"Oo, iha. As a PA, they need you there."saad ni sir Henry habang nakatingin sa akin.

Napangiti naman ako. First time ko kasi mag travel. I mean first time ko makalabas sa Luzon region kaya naman natuwa ako.

-xxx-

Happy Birthday to Reyster Ytonnn!!!!! (EDITED ON FEB 8) Ang number 1 shipper ng KylRa hahaha.

By Your SideWhere stories live. Discover now