Pero minamalas ka nga naman nakasalubong ko sina Vinci at Reyster papasok sa elevator.

"Saan ka galing?"kunot-noong tanong ni Vinci.

"Sa labas lang may binili."saad ko.

Napatingin naman si Reyster sa bitbit ko. "Ano 'yan?"

"Ha? Wala nabili ko lang sa labas."saad ko.

Tumango naman si Reyster. Mabuti naman at hindi na siya nag tanong uli. Dahil hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko sa kung magtatanong sila ulit.

"Asan na ang iba?"tanong ko.

"Susunod lang sila."saad ni Vinci.

Umabot naman kami sa Training Room namin. Agad ko namang hinanap si Amara upang ibigay sa kaniya ang ipinabili niya. Nakita ko naman siya na-upo sa gilid ng CR. Lumapit naman ako sa kaniya.

"Ehemm."palihim kung umubo upang makuha ang atensyon niya.

"Nandito ka na pala."saad niya.

Hindi lang ako kumibo at inabot sa kaniya ang isang malaking plastik na punong-puno ng iba't ibang klaseng napkin.

"Ba't ang dami nito?"takang tanong niya.

"Malay ko sa pinabili mo."saad ko.

"Teka lang."dagdag ko.

Kinuha ko naman ang bag ko at hinalungat ito. Kinuha ko sa loob ang jogging pants ko.

"Kasiya mo naman siguro ito."abot ko sa kaniya.

"Ipahiram mo sa akin ito?"ngiting tanong niya.

"Alangan namang 'yan jeans mo ang susuotin mo? May tagos. Tss."saad ko.

"Oo nga naman. Sige, salamat."saad niya at pumasok na sa CR.

Umalis naman ako at pumunta sa pwesto nila Reyster at Vinci na nag-aayos ng gamit nila. Habang isa-isa namang pumasok ang ibang ka grupo ko sa pintuan.

"Ano 'yung kanina? Nakita ko ha!"bulong ni Reyster sa akin at siniko pa ako.

"Baliw. May tagos lang kaya nag magandang loob lang ako."tugon ko.

"Sabi mo eh."bulong niya ulit habang ngumingiti.

Napa-iling naman ako dahil sa mga sinasabi ni Reyster. Patuloy lang siya sa paghalungkat ng bag niya habang ako umiinom ng tubig.

"Good Morning!"masayang bungad ni Winston.

"Good Morning Kuys!"bati naman ni Jeromy.

"Good Morning!"tugon ni Vinci

Napalingon naman ako sa CR. Dahil lumabas na si Amara. Sakto naman pala sa kaniya ang pants na binigay ko. Bagay sa kaniya.

"Oh, Amara. Kay Kyler 'yan diba?"tanong ni Winston.

Lahat naman napatingin kay Amara pati na doon si Kim na kakapasok palang. Tumingin din si Winston sa akin.

"What's the meaning of this?"panunukso ni Winston.

"Wala. Pinahiram lang ako ni Kyler kasi natagusan ako."paliwanag ni Amara.

"Kuya Kyler never let anyone uses his things."saad ni Marcus.

"Approved naman kasi kay Master kaya okay lang."saad ni Reyster at umakbay sa akin.

Napatingin naman ako kay Kim na naka tingin lang sa akin ng seryoso. Selos ba siya? Psh

"Practice na nga tayo."saad ko

Sumang-ayon naman sila. Pumwesto naman kami para makapag practice ng sayaw.



AMARA'S POV

Lumabas naman ako sa balkonahe dahil start na sila mag practice kaya naman nagpahangin nalang ako dito sa labas. Napangiti naman ako ng wala sa oras. Enebe, binilhan ako ni Kyler ng napkin! Hinahaplos ko din ang suot kong pants niya. Ang bango at ang lambot. Hindi ko na mapigilingan ngumiti. Nasisiraan na ata ako ng ulo dahil sa kilig eh.

Kinuha ko naman ang camera at pinicturan ang sarili ko habang naka suot sa pants ni Kyler. Gusto ko lang mag flex. Napatigil naman ako sa ginagawa ko ng biglang tumawag si Synthia sa akin.

"Yes?"sosyal na sagot ko.

"Taray! Tumawag lang ako to remind you for tomorrow, ha?"

"Alam ko, don't worry. Pero pwede sa bandang hapon lang tayo? Masakit kasi puson ko eh."saad ko.

"Sige sabihan ko nalang sila. Chika tayo tomorrow dami mo pang hindi sinasabi sa akin. Byelaloo."

Pinatay naman niya na ang tawag. Napa-iling naman ako dahil sa best friend kung isiraulo. Binalik ko naman ang phone ko sa bag ko at humiga dito sa hanging chair. Inenjoy ko naman ang simoy ng hangin at nagtataasang building.

Nabigla naman ako ng bumukas ang pintuan ng balkonahe. Si Kim pala lumabas.

"Tapos na kayo?"tanong ko.

"Hindi pa, break time muna."saad niya at umupo sa bakanteng upuan.

"Are you okay na ba?"tanong niya.

"I heard sumakit bigla ang puson mo."dagdag niya.

"Medyo. Sumasakit pa nga ang puson ko eh. Keri lang naman dahil wala namn kayong sched for today practice lang kayo. Kaya di naman hassle."saad ko.

"I'll buy you ginger tea."saad niya.

"'Wag na."tangi ko.

"Bakit mo ba laging tinatangihan ang tulong ko?"tampo niya.

Natawa naman ako. "Nagtatampo ka ba?"biro ko sa kaniya.

"Kasi pag si Kyler ang tumulong wala ka namang angal pero pag ako tangi kana agad."naka simangot niyang saad.

"Nagseselos ka ba?"biro ko ulit sa kaniya.

"Pano kung oo?"deretso niyang saad.

Nasamid naman ako sa sariling laway ko. "Bumalik kana nga doon."

"Basta, bilhan kita mamaya ng ginger tea."saad niya habang ginulo ang buhok ko at umalis.

Napa-iling naman ako kay Kim. Ewan ko ba kung tama ang dinig ko o ano. Nagseselos siya? Bakit naman. Wala ginood time lang ako 'nun. Tama.

-xxx-

Kyler is making a move na! Who would you think would win? Kim or Kyler? Sana dalawa nalang ang puso ni Amaraaaa~ Stay tuned guys for tomorrow!

-itsmeicayy

(BACKGROUND MUSIC ON MULTIMEDIA)



By Your SideWhere stories live. Discover now