Kumain nalang ulit siya habang ako ay palihim na sumulyap-sulyap kay Kyler na hanggang ngayon ay seryoso sa pagkain.

Natapos na kaming kumain pero nanatili pa rin kaming naka-upo para naman makapag digest muna sa mga kinain. Kinuha ko naman ang cellphone ko at inistory ko ang picture kanina habang hindi pa kami kumakain at tinag ko si Managernim para mag greet at tinag din ang ibang Hori7on members. Palihim naman ako napangiti kasi naka public ang story ko. Ngayon kayo maingit sa akin. 

Napalingon naman ako kay Kyler kasi kay bago-bago ko palang stinory ni react niya agad ng heart at ni re-story niya. Pero naka tunganga lang siya sa phone niya. 

"Cute mo dito."saad ni Kim.

Napalingon naman ako sa sinabi niya. Kasi naman bigla ba ako picturan habang naka ngiti sa phone ko.

"Delete mo 'yan. Ang pangit ko diyan."saad ko habang naka pout.

"Story ko 'to."saad niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Napatingin naman ako sa notification ko. Story ni Kim. Nire-story niya din ang picture naming lahat at inistory niya din ang picture ko with a caption, 'Thank you for the help PA!' habang naka tag sa akin. Tinignan ko naman si Kim.

"Baka ma-issue na naman 'to."saad ko.

"Hindi 'yan."saad ni Kim.

Binalik ko nalang ulit ang tingin ko sa cellphone. Nag scroll naman ako sa Twitz isang online platform. Nagbasa-basa naman ako ng mga content about Hori7on ng may mabasa ako na tungkol sa PA nila, which is ako iyon.

"This attention seeker freak!"

"Bida-bida na PA"

"Nag-apply lang 'yan para makipag landian"

"She's trying to get close to Kim"

"Tignan niyo story ni Kim, nandoon ang girlaloo"

"Pangit naman"

May picture pa ako sa mga post and comments nila sa Twitz. Kaya huminga ako ng malalim. Nawalan naman ako ng gana. 

"Just don't mind them. Hindi nila alam ang pinagsasabi nila."saad ni Kyler.

Napalingon naman ako sa kaniya. Nakatingin pala siya sa akin. Ningitian ko naman siya at binalik niya naman ang tingin niya sa cellphone niya. Si Kim naman ay nakipagkulitan sa members niya.

*****

Inihatid naman ako ng Hori7on dito sa bahay ko. Kaya naman ang laking pasalamat ko dahil nakapag tipid ako ng pamasahe. Ang mahal kaya ng pamasahe.

"Dito lang po ako."saad ko sa driver.

"Sige ma'am."pinull over naman ni Kuya driver sa gilid ng bahay namin.

"Bye guys! Salamat sobra."saad ko.

"Managernim, thank you and happy birthday!"dagdag ko.

"Thank you, also."saad ni Managernim.

"Bye Atee!"saad nila Jeromy at Marcus.

"Bye! Bye!"saad nila.

Tinignan ko naman si Kyler pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin lang siya sa labas kaya iniwas ko nalang ang tingin ko.

"Hatid na kita sa loob?"tanong ni Kim.

"Okay lang Kim. Thank you sa inyo!"saad ko at lumabas na sa van.

Hinintay ko na maka-alis ang van bago ako pumasok sa loob ng bahay. Kumaway-kaway naman ako sa kanila. Pumasok naman ako sa bahay dahil naka-alis na sila. Pagpasok ko wala si Mama sa salas namin. Baka tulog na si Mama. Dumeretso nalang ako sa kwarto ko.

Pagpasok ko hindi ko mapigilang ngumiti. Sa totoo lang napawi lahat ng galit ko kay Kyler. Kinilig ako. Hinanap ko naman ang poster na kinuha ko sa dingding ko at ng makita ko ito ay ibinalik ko itong idinikit sa dingding ko.

"Palibhasa alam mo kung paano mo ako kunin."

Nagbihis muna ako bago dumamba sa kama ko. Habang nakahiga ako ay tinignan ko naman ang band-aid na nasa kamay ko. Hindi ko mapigilang ngumiti. Napatitig naman ako sa band-aid habang hinahaplos ito ng nakangiti. Para akong baliw nito.

"Pano kung mahulog ako? Sasaluhin mo ba ako?"

"Mukhang nagiba ka ata?"

"Do you like me na ba?"

"Ngiging delulu na naman ako."

Nagsasalita ako mag-isa habang naka tingin sa poster ni Kyler sa dingding. Nakangiti pa rin ako. Kinuha ko naman ang phone ko at binuksan ulit ang Twitz account ko. Binasa ko ulit ang content about sa akin. Baliw din ako eh.

"Don't judge someone dahil hindi niyo pa siya kilala."

"Let your idols enjoy. Respect their private life."

"She knows Hori7on well, kaya huwag niyong pangunahan."

Binasa ko naman ang isang comment na nagngangalang sweet_potato. Palihim naman akong napangiti.

"Kung sino ka man, salamat. Thank you for defending me."saad ko sa sarili ko.

Pinatay ko na ang cellphone ko at mga ilaw sa kwarto ko tanging lamp nalang naiwan. Masaya naman akong matutulog ngayon.

-xxx-

(KYLER ON MULTIMEDIA AGAIN)

By Your SideWhere stories live. Discover now