"Really? You would recommend me?"saad niya at humarap sa akin.

Mahina naman akong tumango. "Try watching, Strong Woman Do Bong Soon, Goblin, Weightlifting Fairy, Hotel De Luna. Pero mas bet ko unahin mo ang Scarlet Heart."suggest ko sa kaniya.

"Actually, natapos ko na ang Hotel De Luna, Goblin but the rest I haven't watch it yet. Siguro mamaya. Any ongoing suggestion ka?"saad niya.

"Ongoing? My Demon, Marry My Husband, Love Song for Illusion, at My Happy Ending."ngiting tugon ko sa kaniya.

"Ang dami ah."ngiting saad niya.

"Can you say something in Korean? Gusto ko lang marinig."saad niya.

"Ha? Talaga? 'Wag na, kahiya naman."saad ko.

"Sige na. Please."pagmamakaawa niya.

"Nawa hamkke haejusyeoseo gamsahabmnida."ngiting saad ko. (Thank you for accompanying me.)

"Gwaenchana nayo. Ije gwaenchanh-ajyeoseo dahaeng-ieyo."saad niya. (It's fine. I'm happy that you are okay now.)

"Neomu kamsahamnida."saad ko. (Thank you very much.)

"Dumudugo na ang ilong ko."biro niya habang nakahawak sa ilong niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Chinese naman. Sabi mo kanina kaya mo magchinese eh."saad niya.

"Wǒ hěn piàoliang."sabi ko habang naka flip hair. (I am beautiful.)

"Grabe, kahit ang accent kuhang-kuha mo ah. Pero anong meaning niyan?"amazed na tanong niya.

"Secret. Alamin mo nalang."saad ko.


Nagkwentuhan muna kami dito ng kung ano-ano. Nawala lahat ng inis at galit ko dahil sa presensya ni Kim. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka kanina pa ako umiiyak at nagmamaktol.


"Balik na tayo sa taas at baka napano na ang niluto mo."tawang suggest niya.


Tumawa naman ako at tumayo. Sabay kaming bumalik sa dorm nila. Huminga ulit ako ng maramong beses bago kami nakarating. 


"Just stay calm. Nandito lang ako."saad ni Kim.


Mahina naman akong tumango bago niya buksan ang pintuan. Nakita ko naman silang lahat sa sala nanuod ng TV. Napatingin naman ako sa gawi ni Kyler. Matalim lang niya akong tinignan kaya napayuko ako.


"Saan kayo nagpunta? Tapos na kaming kumain. May noodles pa diyan."saad ni Reyster.

"Nag night walk lang 'yan."pang-aasar naman ni Winston.


Hindi lang namin sila kinibo at dumeretso na kami sa kusina. Tumayo naman si Marcus at sumunod sa amin.


"Ate, are you okay?"tanong ni Marcus.

Ningitian ko naman siya. "Okay lang ako."saad ko.

"Sorry talaga sa nangyari kanina, Ate."saad niya.

"It's not your fault, Marcus."saad ko.

Niyakap naman niya ako. "Nasira pa araw mo dahil sa ginawa ni Kuya Kyler."naka-ngusong saad ni Marcus.

Mahina naman akong natawa. "Okay lang talaga ako. Sige na, balik kana doon."saad ko.


Mahina namang tumango si Marcus at bumalik na sa sala. Naiwan naman kami ni Kim dito sa kusina. Inabuta naman siya ako ng cup noodles kaya kinuha ko naman ito.


"Thank you talaga ng sobra, Kim."pasalamat ko sa kaniya.


Ngumiti lang siya at kinuha ang phone niya. Habang may binabasa siya sa phone niya ay natawa naman siya. 


"Ngayon ko lang nagamit cp ko. Pinicturan mo pala ako? Hahaha."saad niya at pinakita ang sinend ko sa kaniya kanina.

"Napadaan ako niyan. Feel na feel mo kasi eh kaya kinuhanan na kita remembrance na din. Hahaha."saad ko.

"Akin na phone mo."saad niya.

Kumunot naman ang kilay ko. "Bakit?"

"Basta."saad niya pero binigay ko pa rin ang phone ko.

"Ayan madami na 'yang pictures."binalik niya sa akin ang phone ko.

"Ewan ko sa'yo Kim."saad ko nalang.


Kumain lang kami ng matiwasay. Ginamit niya lang cellphone ko para mag selfie at picturan ako o di kaya mga gamit sa dorm nila. Naka-follow na sa IG nila gayundin sila. Kinilig nga ako noong una eh. Kasi lahat sila pati na si Kyler naka follow sa akin.


Mabilis naman ang oras dahil ngayon ay pauwi na ako. Hinatid lang ako nila Vinci at Kim sa highway para pumara ng taxi. Nakasakay na ako ng taxi.

-xxx-

(LOVEY DOVEY MV BY HORI7ON ON MULTIMEDIA)

By Your SideWhere stories live. Discover now