Chapter 19

4 0 0
                                    

ALAS-DOS Ng hapon binaril si Rhys, alas-otso naman nang gabi nang araw ding iyon si Lawrence.

Vera saw CCTV footages of the motorcyle-riding men that shot Rhys and also of the two men on motorcycle that shot Lawrence, they looked identical-all four men wore identical black jackets and helmets. Kung iisa lang ang pares ng mga lalaking bumaril kina Rhys at Lawrence, inaalam pa iyon ng mga pulis. Sakay din ng kotse nito si Lawrence nang mabaril, nasa likurang upuan ito, ang driver na nagmamaneho para rito ay hindi pinaputukan ng mga salarin.

Dalawang araw pagkaraang mabaril, idineklara ng mga doktor na ligtas na si Rhys bagama't hindi pa ito puwedeng kausapin.

Dalawang araw pagkaraang mabaril si Lawrence, namatay na ito.

Sino ang pumatay kay Lawrence? Sino ang nagtangkang pumatay kay Rhys? Ang akala ni Vera, lahat ng kaaway ni Rhys ay kakampi ni Lawrence. At lahat ng kaaway ni Lawrence ay may simpatiya kay Rhys. May magkapareho palang kaaway ang dalawa?

Isnag linggo na mahigit sa ospital si Rhys nang makausap ito ni Vera.

May pangit pero maliit lang na pilat ito sa pisngi, iniukit ng bala malapit sa kanang bahagi ng ilong nito. Napakasuwerte raw ni Rhys na lumabas ang bala sa ulo nito at hindi nahagip ang utak nito. The bullet's trajectory when it hit his face was downward. Kung tumaas-taas nang kaunti ang direksiyon ng bala, mabuhay man si Rhys ay sigurado raw na magiging gulay ito.

Lawrence wasn't a lucky as the bullet smashed his brain.

No worries about the scar or the disfigurement on his face, with the bullet collapsing a few bones in his face. Gagastusan daw ni Cree ang pagpapabalik sa dating hitsura ng mukha ni Rhys. Mawawala siguro ang pilat sa mukha ni Rhys pero hindi alam ni Vera kung pati ang galit na naitanim ng bala sa ulo nito ay matatanggal. Nagpipilit maging kalmado ni Rhys nang makausap niya pero ramdam na ramdam niya ang galit na gustong bumangon sa dibdib nito at manalasa.

Pero alam ba nito kung sino ang dapat na pagbuhusan nito ng galit?

"May suspect ka ba kung sino ang nagtangkang pumatay sa 'yo?" tanong niya kay Rhys nang bisitahin niya ito at makausap sa wakas. Silang dalawa lang ng lalaki ang nasa kuwarto nito. May benda pa rin ang sugat nito sa mukha, may madidilim na ulap sa mga mata na tila nagbabantang lumikha ng bagyo sa utak nito.

Saglit muna itong nag-isip bago bumuntung-hininga. "Sa huling walong taon ng buhay ko," sabi nito sa mababang boses, every word he pushed out of his mouth a struggle, "si Lawrence at si Leo lang ang nakaaway ko. Siguro naman... 'yong nakaaway ko nine years ago o higit pa... nakalimutan na 'yong away namin... at hindi naman malalalang away 'yon..."

"Ang nagtataka lang ako, kung si Lawrence ang nagpabaril sa 'yo, bakit parang pareho 'yong bumaril sa 'yo at bumaril sa kanya?"

"Pareho ba?" May bahagyang gulat sa mukha nito.

"Dalawang lalaki, parehong naka-black jacket, pareho ng helmet, parang pareho rin sila ng motorcycle."

"Hindi si Lawrence ang nagpabaril sa 'kin kung gano'n? Malabong patayin siya ng mga tao niya."

"Baka," sabi niya bago mas hininaan pa ang boses nang magsalita uli siya. "Kung si leo naman, bakit pati si Lawrence ay ipapapatay niya?"

Umiling na lang si Rhys.

"Kung sino man ang nagtangka sa 'yo, sana lang ay managot," sabi ni Vera. "Tumutulong sa mga pulis si Cree."

Wala siyang nakitang reaksiyon sa mukha ni Rhys sa sinabi niya, parang iyong mukha lang ni Cree nang ibalita nito sa kanyang ligtas na si Rhys. Parang sa dalawang lalaking ito, may bayad ang bawat pagpapakita ng emosyon. O kabawasan sa pagkalalaki ng mga ito iyon. May mga lalaking parang kahinaan ang magpakita ng emosyon.

"Tingin mo, may kinalaman 'yong nangyari sa kaso n'yo noon ni Lawrence?"

"Hindi ko alam," sagot nitong umiiling uli.

Iniisip ni Vera na kung si Lawrence nga ang nag-utos sa mga bumaril kay Rhys, naudyukan siguro ito na maghiganti nang masangkot si Rhys sa gulo sa loob mismo ng TV station na pinagtatrabahuhan nito. Naging laman ng mga balita si Rhys dahil doon, pati siguro sa mga meeting kung saan kasama si Lawrence ay nauungkat si Rhys at natuliro ito na lagi nitong nmaririnig ang pangalan ng lalaking muntik nang pumatay dito.

Kaya nanariwa ang galit ni Lawrence dito-at sumidhi pa.

Pero si Rhys, ano ang mag-uudyok dito para iutos ang pagpatay kay Lawrence? Ang alam niya ay hindi ito galit kay Lawrence. Ano ang dapat nitong ikagalit kay Lawrence? Hindi ito nakulong at si Lawrence ang nasaksak at nangailangan ng tungkod.

"Alam mo, iniisip ko, naka-survive ka dahil may something great na mangyayari sa buhay mo," sabi niya, pinagagaan ang usapan. "O may something great na gagawin ka sa buhay. O siguro, matutupad 'yong pangarap mo na makatulong sa mga tao."

Sa wakas ay nakitaan niya ng emosyon ng araw na iyon si Rhys-matipid itong ngumiti bago napatingin at saglit na napatitig-out of all her body parts-sa mga labi niya. Was it unconsciously or he remembered the kiss that occured between them? Parang gusto niya tuloy biglang mamula, natatakot na baka maaninag ng lalaki sa mga mata niya na hindi nawawala sa isip niya ang halik na iyon.

A nurse entered the room-at sinunggaban ni Vera ang oportunidad na iyon para makapagpaalam na kay Rhys. She pursed her lips and closed her eyes while walking down the hallway when she remembered how sweet and gentle Rhys' kiss was.

Cree never kissed her that way-gently and softly, like she was something fragile, something that would break with a little aggressiveness.

Three weeks after being shot, Rhys was discharged from the hospital.

Maliban sa maliit na pilat nito sa pisngi, walang ibinigay na permanenteng pinsala kay Rhys ang pagkakabaril dito. Hindi rin nga pala perfmanente ang nasabing pilat dahil matatanggal daw iyon. Isa raw buhay na milagro si Rhys. Ninety percent of gunshot wounds to the head are fatal, statistics will tell you. And even if you survive, chances are, it would have some really debilitating effects on you, like you being paralyzed or needing long-term rehabilitation or suffering from seizures.

Pero si Rhys, maliban sa kirot at paninigas ng ilang daliri nito sa kamay at ang paggamit nito ng tungkod, na parehong kayang gamutin ng therapy, wala na itong naging pinsala sa katawan.

He probably really had a mission from God.

And if someone was deserving of a second life, it would be Rhys.

And if someone should be dead, it would be Lawr...

No, sorry, no one deserved to die... unless this someone had murdered a hundred people and was planning to murder a hundred more.

Two weeks after Rhys got out of the hospital, Vera finally heard some little good news-good news for Cree. Magandang balita na wala naman talagang epekto sa kanya. Pero mabuti na rin iyon kaysa sa isa na namang trahedya.

Cree was included in this year's The Outstanding Young Men awardees for business.

Isang araw lang pagkaraang malaman ni Vera na kasali sa pararangalan ng TOYM si Cree, nakatanggap siya ng tawag mula kay Maeve.

"Video call kita, okay lang?" tanong nito nang sagutin niya.

"Sige."

After a few moments, Vera found herself staring at Maeve's bare face at her phone. Hindi niya kita ang suot nito pero nakikita niya ang kulay-berdeng dingding sa likod nito, na inisip niyang dingding ng kuwarto nito. Alas-diyes na nang gabi ng mga sandaling iyon. Nasa sala siya nang mga sandaling iyon, nakasalampak sa sofa, nanonood ng TV. She was about to click on Netflix to watch a movie but stopped when Maeve called. Sa halip ay hininaan na lang niya ang volume. A teledrama was currently showing on TV.

"Alam mo ba 'yong balita kay Cree?" tanong sa kanya ni Maeve.

"Oh, God, huwag mong sabihing may bad news na naman!"

Natawa si Maeve. "Oo," sabi nito.

Mariin siyang napapikit. "Tungkol saan?"

"Kasama siya sa TOYM awardees this year."

Napadilat siya. "Hindi bad news 'yan."

"Si Cree daw ang bad," sabi nito, maririin ang salita. "Hindi raw siya deserving sa list na 'yon dahil evil siya."


IncognitoWhere stories live. Discover now