Chapter 17

3 0 0
                                    

RHYS LIKED VERA, of course.

No, he loved her.

That was why he was more than willing to incapacitate another man just to protect her, why he was almost willing for his life to be shattered just so she could continue to have her life whole, why he didn't care about a few broken bones in his hand, or why he didn't care if every bone in his body would be broken as long as it would be broken for her sake.

It was just that his feelings, he disguised it as friendship, he shrouded it with harmless amity so she wasn't able-or so he thought- to distinguish it immediately. He had been longing for her so it was a miracle that he was able to keep the kiss gentle and soft, although it was unauthorized.

Iniatras ni Vera ang ulo nito at kumalas sa pagkakahalik ni Rhys, bahagyang nandidilat ang mga mata ng babae at nakanganga dahil sa matinding pagkagulat. Nagpapasalamat si Rhys na wala siyang nakikita o narararamdamang pandidiri o panghihilakbot dito.

Pero wala rin siyang nakikita o nararamdamang pag-ibig.

Hindi niya pinlanong halikan ito, hindi lang niya natanggihan ang pagkakataong inialok nang pagkakalapit ng mukha nila, at hindi natanggihan ng isip at puso niya ang sensuwal na sensasyong ipinagkaloob ng paghaplos nito sa kamay niya.

"I-I'm sorry," sinserong sabi niya rito.

Ang umiwas lang ng tingin sa kanya ang naging tugon nito.

Hindi na uli siya nagsalita, tumungo siya, kung may kapangyarihan siyang bumaon sa lupa, ilulubog niya ang sarili sa kinatatayuan niya ng mga sandaling iyon. Nagsisimula na siyang maglakad palayo rito nang kumatok na ito sa nakasarang pinto. All actions have consequences. Kasama roon ang bigla at walang paalam niyang paghalik kay Vera. Sana lang ay hindi mabigat ang maging konsekuwensiya niyon, sana ay huwag siyang tuluyang iwasan nito, sana lang ay magpatuloy ang anumang relasyon na namamagitan sa kanila, na parang walang halik na namagitan sa kanilka.

Hindi lang niya alam kung maiaalis niya pa sa isip niya ang tamis ng halik na iyon.

Bumalik si Rhys sa loob ng kotse niya. Pagsulyap niya uli kay Vera, naaktuhan niyang pumapasok na ito sa bahay. Pinagmasdan niya ang pagsasara uli ng pinto, nakita niya ang pagbubukas ng ilaw sa isa sa mga kuwarto. Sinimulan lang niyang paandarin ang sasakyan niya nang mamatay ang ilaw na iyon at halos ilang metro pa lang ang naiuusad niya ng isang motorsiklong may dalawang sakay ang humaginit pasalubong sa kanya at humaging sa kotse niya. Umiiling na ipinagpatuloy niya ang pag-andar at agad ding bumalik sa isipan niya si Vera-at ang halik.

He'd be willing to have a finger of his cut off if it would mean he'd be able to kiss Vera again, this time with her consent.

He remembered feeling tortured when he'd accidentally hear her and Cree making love inside their room or accidentally see them making out in a not-so private part of the house.

Wala siyang planong halikan si Vera, parang bigla na lang nagkaroon ng sariling isip ang mga labi niya at hinagkan ito. Alam naman niyang hindi magiging positibo ang magiging reaksiyon ni Vera. Alam niyang nagluluksa pa ito sa pagkamatay ng relasyon nito at ni Cree. Alam din niya kung gaano nito minahal si Cree. Cree was her dream man, in terms of looks and appearance.

"Alam mo, kung may pagawaan ng lalaking mamahalin mo," sabi sa kanya minsan noon ni Vera noong nagsasama pa ito at si Cree. "Ang ipapagawa ko ay 'yong kamukha ni Cree, sa tindig, sa porma, 'yong mukha, wala akong babaguhin, ilong, mata, bibig, tenga, kilay, pati 'yong katawan niya at tangkad. Every feature of him is perfect. Fortunately, hindi ko na kailangang maghanap ng factory of men at magpa-customize ng lalaking mamahalin at kababaliwan dahil nakakita na ako ng ready-made na dream man ko. It was like one day, God thought, 'I would create the perfect appearance of a man, and then, after nine moths, Cree was born." Sinundan ni Vera nang masaya at malutong na tawa ang sinabi. "Mababaw ba 'ko? Kasi 'yong hitsura ang una kong tiningnan kay Cree," sabi pa nito. "Pero marami naman puwedeng mahalin kay Cree bukod sa hitsura niya."

Kung identical twin siguro siya ni Cree, baka magkapag-asa siya kay Vera.

Hindi pa siya masyadong nakakalayo sa subdivision nina Vera nang mapansin niyang may sumusunod sa kanya.

Motorsiklong may sakay na dalawang lalaking nakaitim.

Tinitigan niya ito, agad niyang nasigurong iyon ang kanina ay muntik nang dumaplis sa sasakyan niya habang paalis siya sa tapat ng bahay nina Vera. Kinutuban siya nang masama. Binilisan niya ang patakbo, bumilis din ang motorsiklo. Ang iligaw ito ang agad niyang naisip, pero bago niya nagawa iyon, another car swerved in his lane, forcing him to slow down, and that was when the motorcycle sidled up to him, almost hitting his car again.

Nang sulyapan ni Rhys ang motorsiklo, nakita niyang naglabas ng isang baril ang angkas nito at itinutok sa kanya. Napakurap siya nang may kumislap sa baril, pagkatapos ay ang tunog ng balang humulagpos sa baril. A bullet travels around 2,700 feet or 1,800 miles per hour, so no matter how fast or alert you are, you can't avoid a gun that's fired at you point blank. You wouldn't even find time to blink.

But Rhys thought he saw the fiery bullet travelling towards him. Pumikit siya. And images flashed briefly in his mind, but it wasn't images of his life-it was Vera, naked, her whole body wet, running away from he didn't know what, and then he saw Cree, standing in front of him, his face somber, with blood endlessly dripping from his hands, but something was telling him it wasn't Cree's blood.

Napadilat si Rhys nang tumama ang nagbabagang bala sa kanyang pisngi, naramdaman niya ang pagpunit nito sa balat niya at ang pagpasok sa ulo niya. Rhys was certain he would mdie, and he was consoled by the fact that the last thing he did before dying was to kiss Vera.


IncognitoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt