Chapter 14

11 0 0
                                    

VERA SLOWED DOWN when she saw the car sliding off the curb but, still, the impact of that car hitting her vehicle was quite strong that Vera's car spun, making a 90-degree turn. Thankfully, she had her seat belt on and the wayward car mostly hit the passenger side. Still it shook her a bit violently.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nasa harap lang ng manibela, pinakikiramdaman ang sarili bago siya ginambala ng mga katok sa bintana sa tabi niya.

Isang babaeng lagpas-kuwarenta marahil ang edad ang nalingunan niyang kumakatok sa kanya. May mga tao sa likuran ng babae na nakatunghay din sa kanya at may iba pa na nasa paligid ng kotse niya, inuusyoso ang nangyari. Pagtingin niya sa likod, naroon pa rin ang kotseng bumangga sa kanya. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang walang nadamay na ibang sasakyan.

Ibinaba niya ang bintana sa tabi niya.

"Are you okay?" tanong sa kanya ng babae na halatang ninenerbiyos.

"Y-Yes, yes," sabi niya habang kinakalas ang seat belt niya. Binuksan niya ang pinto at lumabas ng sasakyan, tahimik na nagpasalamat na wala siyang hilo o anumang kirot na nararamdaman. Tiningnan niya ang kotse niya, gusto niyang manlumo nang makita ang pinsala sa unahan niyon. May namamatay sa ganoong klase ng aksidente. Baka kung may sakay siya sa unahan, baka napuruhan ito lalo na kung hindi naka-seat belt.

"Are you sure? Gusto mong dalhin pa rin kita sa ospital?" tanong sa kanya ng babae.

"I'm good," sabi niya habang nakatingin sa kotseng bumangga sa kanya, inaalam kung may nakasakay dito.

"Ako 'yong may ari ng kotse."

Bumalik ang tingin niya sa babae. The woman looked corporate. "Ikaw 'yong bumangga sa 'kin?"

"Hindi, hindi," natatarantang sabi nito. "Nasa loob ako ng bake shop, doon." Itinuro nito ang direksiyon ng hilera ng mga establishment na hindi kalayuan sa kanila. "'Tapos sabi nila, bigla na lang daw umandar 'yong sasakyan ko."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Vera rito.

"Sloping kasi 'yong parking do'n sa harap ng bake shop," paliwanag ng babae. "Sabi nila, baka hindi raw maayos 'yong pagkaka-park ko, gumulong siya pababa, tapos bumangga sa 'yo."

"Wala siyang sakay?"

"Wala."

Pilit inalala ni Vera ang mga sandali bago bumangga sa kanya ang kotse-hindi niya napansin kung may nagmamaneho rito o wala. Kung gumulong lang ito pababa mula sa bangketa, hindi ba dapat ay diretso lang o tatabingi lang nang kaunti ang pag-usad nito. Bakit parang nagmaniobra ito para banggain siya?

"Marami rin akong tanong," sabi ng babae na napansin siguro ang pagkalito niya. "Pero mamaya na natin sila hanapan ng sagot, ang mahalaga, ligtas ka at matingnan ka ng doktor. And don't worry about the damage in your car."

Nang igala ni Vera ang tingin niya sa paligid niya, nakita niyang nakakaharang na ang sasakyan niya at ang nakabangga sa kanya sa iba pang sasakyan.

"Itatabi ko lang 'yong kotse ko," sabi niya bago sumakay sa kotse niya.

"Ako rin," narinig niyang sabi ng babae bago nito mabilis na tinungo ang kotseng bumangga sa kanya.

Itinabi niya ang sasakyan niya, ang kotseng nakabangga sa kanya ay pumarada sa unahan niya, pagkatapos ay mabilis na bumaba uli ang babaeng driver nito. Lumapit ito sa kanya habang bumababa siya ng sasakyan. And as usual, most of the people around them were taking photos and videos of what happened. Jesus, she'd be on social media for two bad reasons. First was the incident with Rhys, and now this.

A walking disaster, netizens would probably label her, she thought and groaned inwardly.

"Vera!" Narinig niyang may tumatawag sa kanya. Nang lingunin niya iyon, isang babaeng hindi niya kilala na may cell phone na ang camera ay nakatutok sa kanya. "Hi!" masayang bati nito sa kanya nang magkatingin sila. "Fan mo 'ko!"

IncognitoWhere stories live. Discover now