Chapter 2

19 1 0
                                    

VERA STEPPED INSIDE the walk-in closet inside the room, picked up a suitcase and started grabbing some of her clothes, pulling them forcefully from their hangers. Mga damit lang ang pag-aari niya na nandirito, mga damit na pag-aari na niya bago pa man sila nagsama ni Cree. May mga gamit na siya ang bumili pero pera ni Cree ang gamit niya kaya hindi kakayanin ng kunsensiya niyang iuwi ang mga iyon.

Cree had changed, she had to be so dumb and so numb not to see it.

After meeting him in that party-he tried to entice her into leaving the party that night with him but she refused. She was never into one-night stands. And she was glad that despite that rejection, he remained interested on her.

Sinimulan siyang ligawan ni Cree.

Kinabukasan lang pagkaraan nilang magkakilala sa party ay tinawagan siya nito, iniimbitahan siyang kumain sa labas. Unlike one-night stands, she was very much into eating out. You can't have sex atop a restaurant table. Kaya tinanggap niya ang imbitasyon nito. Dumating ito sa bahay nila sakay ng isang itim na Lexus. And he had a driver with him, a man Cree introduced to her as Rhys.

Rhys was good-looking too, had the same height with Cree but Cree looked more handsome and dashing. Kung magiging karakter sa isang romantikong nobela ang dalawa, si Cree ang magiging hitsura ng isang ubod ng guwapo at kisig na hero pero mahiwaga at misteryoso, iyong maangas at mukhang walang inaatrasan at poprotektahan ang minamahal niya sa kahit sino at kahit anong panganib, iyong mabilis na naaandap kahit mga maton, iyong madalas na kasama sa mga dialogue ang "Fuck!," "Shit!" at "Go to hell!" kapag nagagalit, and the romance novel would be dark and mysterious, a suspense-thriller, something that involved some mobsters or something paranormal.

Habang si Rhys, ito ang magiging hitsura ng isang hero na dapat ay maamo ang mukha, na lahat ng bagay ay dinadaan sa diplomasiya at mahinahong pakikipag-usap, ayaw ng basag-ulo at hindi nagbibitiw ng masasamang salita. Halos magkasing-katawan din ang dalawa, iyon nga lang, parang mas matagal na naglalagi si Cree sa gym at mas mabibigat ang binubuhat. And Cree had a darker skin. And the novel with Rhys as the hero would be a typical, sweet romance novel, na ang villain ay isang babaeng gustong agawin si Rhys, no gangsters, while the subplot would involve some illness, like an amnesia, for example.

And Vera was more attracted to men like Cree.

But she wasn't attracted to bad boys per se.

Cree wasn't a bad boy, or she thought at the start of their relationship, he just looked like a bad boy, a gorgeous bad boy.

Mabilisang isiniksik ni Vera ang ilang mga damit niya at iba pang gamit na dadalhin niya sa maleta at kinaladkad ito palabas ng walk-in closet. Yes, Cree had changed. And had turned cold. Freezing cold. Like the thin ice in her dream. That was it, that was why she dreamt about being on this vast island of thin ice-the ice represented Cree's feelings for her these days.

May kapalit na siguro siya, inisip niya habang hinuhubad ang negligee niya. Naghihintay na lang si Cree ng tiyempo para sabihin sa kanya. Pagkahubad ay sinuri niya ang negligee, wala ni kapirasong punit iyon. Gusto niya uling madismaya. Tuwing hinuhubaran siya ni Cree habang nagtatalik sila ay laging napupunit ang damit niya dahil sa kasabikan at pagmamadali ng lalaki. Ngayon, napakanipis ng negligee niya, kaunting effort lang ay may may mapupunit dito pero kahit kapirasong punit, wala.

Nagparaos lang talaga sa kanya si Cree kanina. Wala na ang kasabikan dito, ang gusto lang ay labasan. He even withdrew and didn't want to come inside of her. Natatakot na mabuntis siya. Mas mahirap nga naman siyang idispatsa kapag nabuntis siya. Inis na inihagis niya ang negligee sa sahig. Gusto niyang umiyak pero pinigil niya ang sairli. Mahal pa rin niya si Cree pero hindi na niya kaya ang mga inuugali at ikinikilos nito ng mga huling araw.

IncognitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon