Chapter 18

6 0 0
                                    

MABIBILIS ANG MGA hakbang ni Vera habang naglalakad sa pasilyo ng ospital na iyon. Tumingin siya sa nilalakaran niya, the tiles on the floor were bright white, and it reminded her of something-an expansive thin ice. Pumikit siya at ipinilig-pilig ang ulo, hindi iyon ang oras para dagdagan niya ang pagkaligalig ng isip niya.

Ilang oras makaraang samahan siya ni Rhys sa pag-uwi sa bahay niya ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Cree.

Nasangkot na naman sa isang trahedya si Rhys-may bumaril dito pagkaraang umalis sa bahay nila.

Hindi alam ni Vera kung gaano katagal na nakatulala lang siya, namamanhid ang buong katawan pagkarinig sa masamang balitang iyon.

"Vera, you're still there?" pagpukaw ng boses ni Cree sa kanya kaninang magkausap sila..

"Y-Yes... is he... he still alive?"

"Right now? I don't know, but he's undergoing surgery now... wait, a nurse wants to talk to me..."

Kasunod niyon ay nawala sa kabilang linya ang dating nobyo. Hindi na niya nahintay ang pagbabalik nito at ipinasiya niyang tumungo na sa ospital. Halos patakbo siyang pumasok nang marating iyon.

Nakita niya si Cree na nakaupo sa loob ng isang waiting area. He sat with his back straight in one of the chairs wearing a blue long sleeve polo and a tie. Iilan lang ang tao sa kinaroroonan nito, isang babae na nasa singkuwenta na ang edad sa may bandang kanan nito, isang lalaki at isang babae na parehong nasa treinta ang edad marahil na magkatabing nakaupo sa hilera ng upuan sa harap ni Cree, at isang matandang lalaki sa harapan ng babae't lalaki. All had gloom written all over their faces-well, except Cree, who looked calm and seemingly unbothered.

Vera had vowed not to talk to him again nor talk about him but the universe and all the planets seemed to conspire to make them always meet. At lagi pang trahedya ang naiisip ng sansinukob na paraan para magkita sila. Maybe, the universe knew that she would never see Cree in a happy occasion. Hinding-hindi siya pupunta sa anumang okasyon o pagdiriwang na narorooon si Cree, kahit pa selebrasyon iyon ng kaarawan o kasal o ng kahit anong masayang okasyin sa buhay ni Rhys.

Pero sa libing ni Cree, pag-iisipan siguro niyang pumunta.

Pero hindi siguro siya iiyak.

Ipinilig niya ang ulo. Nasa bingit ng kamatayan si Rhys pero libing ang iniisip niya. Napatingin si Cree sa kanya ng dalawang metro na lang ang layo niya rito. Tumayo ito pero hindi lumayo sa kinauupuan, sinenyasan siya nitong maupo sa silyang katabi nito bago ito bumalik sa pagkakaupo.

"Kumusta na si Rhys?" tanong niya, pagod na pagod ang pakiramdam hindi lang ng katawan niya kundi ng isip.

"They're still operating on him," sabi nito, at awtomatikong lalong napagod ang pakiramdam niya.

"Ano ba'ng nangyari?"

"Two men in a motorcycle ambushed him, shot him in the face."

"Oh, my God!" Natakpan ni Vera ang bibig sa panghihilakbot.

"N-Naaresto ba 'yong bumaril?"

"Hindi pa," sabi ni Cree. Siya, halos magiba ang didib sa pag-aalala pero ito, kalmado lang. Hindi naman talaga madaling matigatig o maligalig si Cree. Sa loob ng isang taong pagsasama nila, ang emosyon lang yata na nakita niya rito ay galit. Pero agad din itong kumakalma.

"Sino ang gagawa no'n kay Rhys?" tanong niya.

"Hindi ko rin alam," sabi nito.

"S-Si Leo," aniya.

"I don't know," Cree said. "I already told him to stay away from Rhys and he promised to obey it. Pero sasabihin ko sa mga pulis 'yong naging away nila ni Leo, so they could interrogate him."

"May iba pa bang nakaaway si Rhys?"

Umiling ito. "Wala akong alam," sagot nito. "Wala siguro, kung may iba siyang . nakaaway, dapat alam ko dahil magkasama kami sa bahay. At lagi niya 'kong kasama 'pag umaalis siya ng bahay."

Tumitig siya ng ilang sandali kay Cree bago uli siya nagsalita. "Puwede ba na ikaw 'yong target nila... at akala nila ay nasa sasakyan ka? Ikaw na rin ang may sabi na maraming galit sa 'yo."

Cree smiled wryly, like what she just told him amused him. "Puwede," sabi nito bago umiwas ng tingin sa kanya at bahagyang tumungo. "Tatlong beses nagpaputok 'yong gunman, isa lang ang tumama kay Rhys, 'yong dalawa pa, sa may back seat na ipinutok."

Pagkarinig doon, parang gustong magalit ni Vera kay Cree. Inalis niya ang tingin sa lalaki para kalmahin ang sarili. Yeah, Cree was probably the real target, the reason he had an armed bodyguard with him was because a lot of people hated him. Iniisip tuloy ngayon ni Vera na kapag nakaligtas si Rhys, kukumbinsihin niya itong mag-iba na lang ng trabaho. Puwede itong manatili kay Cree pero hindi na bilang bodyguard nito. Maraming negosyo si Cree, puwede nitong ipasok sa isa sa mga iyon si Rhys. Hindi naman mapili o maselan si Rhys, kahit anong trabaho, basta disente ay tatanggapin siguro nito. Huwag lang iyong trabahong anumang oras ay may puwedeng bumaril at pumatay rito.

Naramdaman niya ang pagtayo ni Cree kaya napatingin uli siya rito. Nang sundan niya ang tinitingnan nito, nakita niya ang isang lalaking doktor na naglalakad patungo sa lugar nila. Hindi na ito hinintay ni Cree na makalapit sa kanila, sinalubong na nito ang malamang ay doktor ni Rhys habang siya ay nanatili sa kinauupuan, kumakabog ang dibdib.

Nakatingin pa rin siya kay Cree at sa doktor nang may marinig siyang tunog na nanggagaling sa may likuran niya.

Thok thok thwack thok thok thwack

Hindi agad siya lumingon-pero pamilyar ang tunog na iyon.

Tunog ng isang tungkod na gigil na humahampas sa tisang sahig.

Thok thok thwack thok thok thwack

Nanlamig ang buong pakiramdam ni Vera nang maalala kung ano ang tunog na iyon.

Ang humangos patungo kay Cree ang binalak niyang gawin kaya hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ang lumingon sa may likuran niya ang kanyang ginawa.

Hindi niya nakita ang inaasahan niya na nasa likuran niyang si Lawrence.

Mabilis na iginala niya ang mga mata pero hindi nahagip ng paningin niya ang lalaki. Wala rin siyang nakitang nakatungkod sa paligid niya. Naringgan lang ba siya? O hindi tungkod at ibang bagay ang lumikha ng mga tunog na iyon? Probabaly a woman wearing high heels who briskly walked past her. Pero bago niya naigala ang mga mata niya upang maghanap ng babaeng mataas ang suot na mga takong, nasulyapan niyang bumabalik na sa lugar niya si Cree.

Mas mahalagang malaman niya ang kalagayan ni Rhys kaysa sa alamin kung nililigalig na naman siya ni Lawrence.

"He'll live," sabi sa kanya ni Cree habang nauupo sa tabi niya.

Parang may malaking batong humulagpos sa dibdib niya at agad na gumaan ang paghinga niya. "Salamat sa Diyos," bulalas niya bago naupo sa tabi niya.

"But he will remain in ICU."

"Puwede ko ba siyang makita."

"Mas gusto ng doktor na wala muna siyang bisita. Saka hindi pa rin naman siya puwedeng kausapin."

Kasunod niyon ay kapwa na sila natahimik. Hindi pa rin siya komportable na katabi lang niya si Cree. Inisip niyang magpaalam na rito pero bago niya nagawa iyon, nakita niyang hinuhugot nito sa bulsa ng pantalon ang cell phone nito.

Tumayo ito at bahagyang lumayo sa kanya bago sinagot ang telepono.

May ilang segundo lang itong nakipag-usap bago bumalik sa kanya.

"That's Trista," imporma nito sa kanya.

Pinigilan niyang tumaas ang isa niyang kilay. Nagseselos na naman ba ang babaeng iyon dahil magkasama sila ngayon ni Cree? Saglit lang siyang tumangu-tango bilang reaksiyon sa sinabi nito.

"Lawrence is in the hospital," sabi nito.

Ilang oras daw pagkaraang barilin si Rhys ay si Lawrence naman ang binaril.


IncognitoWhere stories live. Discover now