Chapter 4

13 1 0
                                    

HINDI AGAD NASAGOT ni Rhys ang tanong ni Vera at saglit siyang nagduda kung sasagot ito ng totoo. Naniniwala siya sa sinabi nitong hindi nito kayang magsinungaling sa kanya at kay Cree pero paano kung makakasama ang katotohanang sasabihin nito sa kanya kay Cree? Kaya pa ba ni Rhys na isiwalat iyon? She was certain that Rhys was more loyal to Cree. Utang nito ang kalayaan nito kay Cree.

Isa sa mga dahilan kaya agad niyang nakagaanan ng loob si Rhys ay dahil dati rin itong artista. The reason he looked familiar when she first saw him. Nauna itong mag-artista sa kanya. He was twenty-nine now. Peo hindi na ito aktibo nang magsimula siyang mag-artista. Nagsisimula pa lang si Rhys noon at isa pa lang ang nagagawang pelikula nang masangkot ito sa isang krimen-may sinaksak ito na muntik na nitong mapatay. Nakatakda pa lang nitong simulan sana noon ang ikalawa nitong pelikula. Nakatakda na rin sana itong pumirma ng kontrata para lumabas sa isang teleserye. He had a lot of potential, he was good-looking, boy-next-door type, knew how to act, charming but all that vanished when the crime occurred.

The victim was Lawrence Bernal, thrity years old at the time of the incident, and the assistant director in Rhys' first movie. Naging magkaibigan ang dalawa matapos ang pelikula at nag-iinuman sa loob ng condo unit ni Lawrence nang maganap ang krimen. Maraming pangako si Lawrence kay Rhys, gaya nang pasisikatin ito. Lawrence was gay, and according to Rhys, the assistant director, once intoxicated, started sexually harrasing him, kissing him and groping him. Ayaw daw magpaawat, at dahil nakainom na rin si Rhys, nabawasan na ang kontrol nito sa emosyon. When Lawrence lunged at him to forcibly kiss him, he grabbed the knife they were using to slice the pizza and stabbed him, barely missing the heart.

Nawala ang kalasingan ni Rhys nang duguang humandusay si Lawrence. Siya na rin ang tumawag ng mga pulis.

Lawrence survived.

Rhys admitted to the crime, as advised by his lawyer. Extreme intoxication and Lawrence's unwelcome sexual advances would be their defense and the fact that Rhys had no criminal record.

Still, it seemed that he would lose the case. During the trial, the judge appeared inclined to impose a guilty verdict-but then out of nowhere, a stranger named Cree arrived. Kinausap nito si Rhys. Nag-alok ng tulong si Cree kay Rhys. Tinanggap ni Rhys kahit hindi nito kilala si Cree. And voila, Rhys' not-so-well known lawyer was suddenly replaced by a big-shot lawyer, courtesy of Cree, and their line of defense changed.

It became self-defense-Rhys grabbed the knife from Lawrence who was trying to stab him, something that Rhys forgot, according to his new lawyer, because he was inebriated and confused, and stabbed Lawrence who continued to harass him. Testimonya ni Rhys laban sa testimonya ni Lawrence kung saan sinasabi nitong hindi nito tinangkang hawakan ang kutsilyo. Naglabas din ng ibang insidente ang bagong abogado ni Rhys kung saan nagtangka ring mang-abuso ng ibang lalaki si Lawrence na may kasamang pananakot. Isang testigo ang nagsabi na tinangka itong abusuhin ni Lawrence habang may hawak na patalim si Lawrence-na hindi nagawang ikaila ni Lawrence.

Napawalang-sala si Rhys pero dahil maimpluwensiya si Lawrence at ang pamilya nito sa industriya, nahirapan na siyang makakuha ng proyekto. But Cree again came to the rescue, he offered Rhys to work for him as a driver and a bodyguard-with an extra-ordinary salary. Hindi tapos ng kolehiyo si Rhys kaya mahihirapan itong maghanap ng trabaho, lalo na iyong malaki ang sahod, kaya tinanggap nito ang alok ni Cree.

Cree paid for Rhys' martial arts training, pati na ang paghawak nito ng baril.

Vera didn't know Lawrence personally but she heard that he had recovered but had retired from showbiz.

"Matagal na kayong magkaibigan ni Cree," sabi ni Vera habang parang nagdadalawang-isip pa rin si Rhys kung sasagutin siya.

"Limang taon," sabi ni Rhys. "Limang taon na ang nakakaraan nang dumating siya noon sa korte habang dinidinig ang kaso ko kay Lawrence Bernal... hindi ko siya kilala, 'yon ang unang pagkakataon na nakita ko siya pero gusto raw niya 'kong tulungan... napanood niya sa news 'yong kaso ko..."

Vendetta.

Iyon ang dahilan kaya sumulpot si Cree sa korteng iyon habang dinidinig ang kaso ni Rhys. Hindi si Lawrence kundi ang ama nito, si Albert Bernal, ang may kasalanan sa pamilya ni Cree. Like Lawrence, Albert Bernal had criminal tendencies. Magkaibigan si Albert at ang ama ni Cree pero nagkaroon ang mga ito ng hindi pagkakaunawaan.

Ten years ago, Albert shot Cree's father dead.

Hindi tulad ng kaso nina Rhys at Lawrence, maraming testigo sa nasabing krimen kaya kahit gaano kagaling ang mga abogado ng ama ni Lawrence ay nakulong ito.

"And Cree has always been good to you," sabi niya kay Rhys.

"Mabait ka rin sa 'kin," sabi ni Rhys, nangingiti.

"But that's all you get from me, me being nice to you," sabi niya bago maikling tumawa. "Si Cree... ikaw lang yata ang driver-bodyguard na six figures ang sahod. At siya ang dahilan kaya hindi ka nakakulong ngayon. So it's okay, don't answer, you have all the reasons to protect him."

Tumikhim si Rhys bago nagsalita. "Tama ang kutob mo," sabi nito. "May ibang babae si Cree. At hindi lang siya fling... nagpaplano na silang magsama..."

Pakiramdam ni Vera ay may batong humampas sa mukha niya-na pagkaraan ng ilang sandali ay nahiling niyang sana ay iyon na lang talaga ang nangyari, ang may batong humampas sa mukha niya, kaysa sa narinig niya na totoo ang hinala niyang ayaw na sa kanya ni Cree. Ang sugat, puwede niyang dalhin sa ospital, puwedeng ipagamot, puwedeng gumaling at mawala ang lahat ng bakas sa mukha niya at sa ala-ala niya.

Pero itong sinabi sa kanya ni Rhys, hindi niya ito puwedeng dalhin sa ospital dahil walang doktor na makakagamot dito, walang makapagpapagaling sa sugat na lilikhain nito sa puso at sa isipan niya, walamng makakabura sa bakas na iiwan nito.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang natulala at natahimik, agad na hinaharang ang bawat luhang gustong mamuo at tumakas sa mga mata niya, bago niya nagawang makapag-isip.

Nagpaplano na silang magsama...

Cree could be quite immoral and debauched but no, he would not and could not live with two women together, one of the women had to go.

So she had to go.


IncognitoWhere stories live. Discover now