Chapter 6

10 1 0
                                    

VERA WASN'T SCARED when she jumped but now, as she looked at the ground while she was falling, she suddenly got fearful. The height of each floor in the condominum where she just jumped off was around three and a half meters and she came from the fifty-fifth floor, so more or less, she jumped from the high of 190 meters-which was really high! It was so high she could almost smell the clouds when she looked up. No one would survive that kind of fall, so she should consider herself dead now.

She looked back at the balcony, there was no way she could jump back in, unless she was Supergirl. She looked at the ground, no one was poised to catch her, in fact, no one in the ground had noticed that she was hurling to the ground like a shooting star that wasn't capable of granting any wish, so yeah, she was good as dead.

She fucked up, yes. Bakit ba niya inisip na karapat-dapat si Cree na pag-alayan niya ng kanyang buhay? That scum wasn't worth anything! Ipinikit niya ang mga mata. Isandaan at siyamnapung metro, unang sasayad ang ulo niya sa lupa at walang dudang madudurog iyon na parang isang hilaw na itlog na pinukpok ng maso. Umiiling-iling siya, nagsisisi na hindi man lang siya nakapag-iwan ng suicide note na magsasabing mahal niya ang pamilya niya, suicide note na magsasabi rin kung gaano niya kinamumuhian si Cree, suicide note na magbibilin kung anong kulay ng kabaong ang gusto niya, kung saan niya gustong iburol at kung ilang araw ang itatagal nito, suicide note na magsasabi kung ano ang gusto niyang epitaph.

Love Will Make you Suicidal!

That would be her epitaph-short, precise, and a very good warning to all to be careful when falling in love.

Choose Your Lover Wisely!

Another good epitaph, a good advice. You can't choose your parents and relatives but you can choose your lover.

She closed her eyes when a crow whizzed by her face, she already was on the eight floor, so around twenty four meters more and she would be shaking hands with the Grim Reaper.

Vera.

Naririnig niya ang pangalan niya. Was it Grim Reaper, calling her to welcome her? Baka na sa ibaba na ito, at tulad ng mga napapanood niya sa pelikula ay itim na itim ang suot at may dalang kalawit at hinihintay na ang pagsayad niya sa lupa.

Vera?

Mas malakas na ang pagbigkas na iyon sa pangalan niya. At pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Malambing lagi ang boses na iyon tuwing binabanggit ang pangalan niya. May lambing ba sa katawan si Kamatayan? She had always imagined the Grim Reaper's voice, if ever he spoke, as hoarse and scary. Iyong parang nagmumula sa ilalim ng lupa. But this voice that was calling her name? It was far from being hoarse and scary-it sounded reasssuring instead.

Huminga siya nang malalim at dumilat- at ang sumalubong sa mga mata niya, hindi ang lupa, hindi si Kamatayan at ang kalawit nito, ang nakita niya ay isang puting kalapating nakadapo sa railing ng balcony, nakaharap at nakatingin sa kanya. Umigtad ito at lumipad palayo ilang segundo makaraang magtama ang mga mata nila.

Hindi siya tumalon.

So what happened? Her mind, reeling from too much stress and pain, probably just played a trick on her. Or she fell asleep briefly while standing up and dreamt.

"Vera? Okay ka lang?"

May tumawag uli sa kanya at sa likod niya nanggaling iyon. Lumingon siya, nakita niyang nakatayo sa labas ng pinto si Rhys, nakatingin sa kanya, parang bampirang hindi makakapasok kung hindi niya iimbitahan.

"H-Hi," ang tangi niyang nasabi sa lalaki. "Yeah, I'm okay." Dinampot niya ang bag niya at maleta. "Take me home."

"Ito 'yong home mo," sabi niya.

"Wala na kami," she said and started walking towards the door. "Wala na 'kong karapatang tumira rito."

Nagpahiwatig ng pagkaunawa ang mukha ni Rhys. Kinuha nito ang maleta niya paglagpas niya rito sa may pinto at sinundan ang paglalakad niya patungong elevator. Tahimik lang sila pareho habang nasa loob ng elevator at bumababa. Mabuti na lang at hindi nagtatanong si Rhys dahil wala siyang balak magkuwento ng ungkol sa mga nangyari. Paglabas niya ng gusaling ito, pipilitin niyang alisin na niya sa kanyang sistema si Cree. Magkukuwento siya siyempre sa pamilya niya at sa kanyang mga kaibigan tungkol sa mga nangyari pero pagkatapos, wala na uling magbabanggit sa pangalan ni Cree kapag nasa paligid lang siya.

Kahit si Rhys, ipagbabawal niyang banggitin pa nito ang pangalan ni Cree sa kanya.

They would treat Cree like an airborne disease, na magkakahawahaan sila sa sandaling ibuka nila ang mga bibig nila at bigkasin ang pangalan nito.

Yep, Cree was a disease everyone around her should avoid.

Tumunog ang cell phone ni Rhys na nasa cup holder habang nagmamaneho. Sinulyapan nito kung sino ang tumatawag pero hindi nito agad iyon sinagot. Parang nag-isip pa kung sasagutin iyon o hindi. Nakapaling ang telepono paharap rito kaya hindi niya kita kung sino ang tumatawag. Sinagot nito iyon nang hindi tinatanggal sa kinalalagyan.

Naka-loudspeaker ang phone.

"Rhys!" bungad ng nasa kabilang-linya na agad ikinapitlag ni Vera.

"Yes, Cree," kalmadong sabi ni Rhys.

"Ba't ang tagal mong sumagot?"

"Nagda-drive ako."

"Kasama mo si Vera? I can't contact her."

"Oo."

"Kausapin ko siya."

Sumulyap sa kanya si Rhys. "Kakausapin ka raw ni Cree."

Hindi sumagot si Vera, nanatili lang nakatingin sa harapan niya.

"Vera!" mas malakas na ang boses na sabi ni Cree.

Hindi pa rin siya sumagot.

"Rhys."

"Yes, Cree."

"Saan ba punta n'yo?"

"Sa bahay ng mga magulang ni Vera."

"I'm leaving," Vera said loudly, even slightly leaning towards Rhys' phone so Cree could hear it clearly.

"What time are you gonna come back?"

She scoffed. "I'm leaving and I'm not going back."

Saglit na natahimik si Cree. "I understand," maya-maya ay sabi nito. "But let's talk first."

"Wala na tayong pag-uusapan," sabi ni Vera.

"Actually, we have a lot to talk about, Vera."

"No, tapos na tayong mag-usap kanina, sumasabat pa nga 'yong bago mong girlfriend," sabi niya. "Sabi mo naghihintay ka lang ng pagkakataon para hiwalayan ako, so, heto na 'yon. "We're over. Ayaw na kitang makita at ayaw na kitang makausap!"

Natahimik uli si Cree. "Rhys," maya-maya ay sabi nito.

"Cree," sagot ni Rhys.

"Take her back to the condo," mariing utos nito. "Now!"

"Stop the car, Rhys!" mariin ding utos ni Vera bago niya hinawakan ang pinto, akmang bubuksan iyon. "Or I'll jump."

For real, this time.


IncognitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon