Chapter 10

7 1 0
                                    

MABILIS NA TUMALIKOD si Vera, iniwasan ang tingin ni Lawrence at mabilis na naglakad palayo patungo sa direksiyon ng hagdanan. Nakakailang-hakbang pa lang siya nang maglakas-loob siyang lumingon, kinakabahang baka sinusundan siya ni Lawrence pero hindi ito nahagip ng paningin niya. Tumingin siya sa elevator na ng mga sandaling iyon ay papasara na pero parang wala na rin doon si Lawrence. Sa lahat ng nakatungkod, si Lawrence na siguro ang pinakamabilis maglakad.

Pero ipinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa hagdanan at doon umakyat.

Sa isa sa mga lounge area ng second floor niya nakita si Maeve, nakaupo sa isa sa mga sofa roon, nakatutok ang tingin sa hawak na cell phone, nasa kaharap itong mesa ang laptop bag nito. There were several lounge areas in every floor of the building. Bawat area ay may apat na sofa, magkatabi ang dalawang sofa na nakaharap sa dalawa pang sofa at may maliit na mesang kaharap ang bawat sofa. Each area also had a vending machine that contained snacks and beverages. Okupado ng dalawang babae ang dalawa pang sofa at parehong abala ang mga ito sa mga laptop nito.

Maeve was dressed casually, as always, in jeans, sneakers, shirt and eyeglasses, her hair tied in a bun—a nerd. She was in her early thirties, still single, around five feet and three inches in height, white skin, pretty but a little on the chubby side.

Napansin siya nito habang naglalakad siya palapit dito at nginitian siya.

Hello," masayang bati nito sa kanya habang nauupo siya sa tabi nito. "Very nice to see you again!"

"Same here," ganting bati niya rito.

"Wait," sabi nito bago ibinalik ang tingin sa cell phone ng ilang sandali bago nito iyon inilapag sa ibabaw ng laptop nito.

"Hindi pa magmi-meeting?" tanong ni Vera rito.

Kinabahan siya nang bigla ay parang gustong mapangiwi ni Maeve. "Na-cancel siya," sabi nito. "Pero 'pag natuloy, hindi ka na rin kasali."

"Hindi na 'ko kasali," malungkot na pag-ulit niya sa sinabi nito.

"'Yong magiging part mo sana, naibigay na sa iba."

Si Lawrence agad ang naisip niya sa sinabi nito, pero hindi siya nagsalita.

"Si Direk Randee, 'yong magiging direktor ng series, kaibigan pala siya ni Lawrence," sabi nito. "Pero no'ng banggitin kita sa kanya, amenable naman siya, I don't know what happened, maybe, binanggit niya kay . And Lawrence... dahil hindi pa rin siya maka-get over sa nangyari..."

"I understand," sabi niya. "Nagkita kami kanina, mukha ngang galit sa 'kin."

Nakita niyang bahagyang nagulat si Maeve. "Pa'nong nagkita kayo?"

"Nandito siya, nakita ko siya sa ibaba."

"Talaga? Ang alam ko, nasa US pa siya."

"Nandito na siya."

Tumangu-tango si Maeve. "Kung nakita mo siya, nandito na nga siya. Akala ko lang, magtatagal pa siya roon."

"Nagwo-work na uli siya rito?"

"Bumalik siya last year, assistant director uli sa isang movie," sagot nito. "Kinausap ka niya?"

"Tiningnan lang ng masama," sabi niya bago maikling tumawa.

"'Kainis, 'no? Wala ka namang kinalaman sa nangyari sa kanya, na kasalanan din naman niya kung ba't siya nagkagano'n, tapos dinadamay ka sa galit niya dahil lang kaibigan mo at 'jowa mo 'yong mga kaaway niya." Nangislap ang mga mata ni Maeve sa kuryosidad. "Don't worry, may project pa rin akong sasabihin sa 'yo, maliit nga lang," sabi nito. "Pero bago natin 'yon pag-usapan, ano nga palang nangyari sa inyo ni Cree?"

Lumingon si Vera sa mga katabi nila. "Doon tayo sa may privacy tayo."

Tumayo na si Maeve, bitbit ang laptop at cell phone nito. "Tara," sabi nito bago nagpatiunang lumakad. "Doon tayo sa room kung saan gagawin ang meeting sana natin ," sabi nito. 'Bakante ngayon 'yon."

Nasa parehong palapag ang kuwarto kaya mabilis nilang narating iyon. It was a small conference room, the walls brown and the ceiling white, with a round table at the center with six chairs around it, and a white board in front.

Pumasok silang dalawa ni Maeve, isinara ni Maeve ang pinto pero hindi ikinandado.

Magkaharap silang naupo sa may mesa.

"First, the good news," sabi ni Maeve habang inilalapag ang laptop at cell phone sa mesa. "I got you a modelling job, TV commercial."

"Talaga?" sabi niya, natuwa sa narinig.

"Yep, no need to apply for the job, you already have it. Ang gagawin mo lang ay kausapin yong magdidirek ng commercial."

"Sino?"

"Si Gwyn."

"Si Gwyn? As in Gwynette Rivera?"

"Yes, the only one."

Gwynette Rivera was a sought-after TV director who also did comercials and Vera had worked with her in one successful project. "She was here two weks ago, may kinukumbinsing artista na lumabas sa commercial niya, tinanggihan siya dahil busy. Tinawagan ko siya kanina, tinanong ko kung vacant pa 'yong job kasi sabi ko may irerekomenda ako, ikaw nga. Pagkarinig sa pangalan mo, tanggap ka na agad. Kung alam daw niyang nagbabalik ka, sa 'yo daw niya unang iaalok 'yong gig."

"Natuwa naman ako," sabi niya.

"And now, let's go to the nitty-gritty of what happened between you and Mr. Hunky?" Maeve segeued.

"Mr. Hunky?"

"Si Cree," sabi nito. "Hindi ba dahil sa kanya kaya naimbento ang salitang hunk?" Sinundan nito ng tawa ang sinabi. "Grabe, nakita ko sa Instagram mo 'yong pictures n'yo sa beach, yong naka-trunks siya, wala ni isang gramo ng taba sa katawan, parang puro muscles. Wala bang balak mag-artista 'yon?"

"Ni hindi nga nanonood ng sine 'yon, mas gusto no'n na magbasa ng libro," matabang na sabi niya. "Wala na nga kami," mas matabang na saad niya.

"Details, details."

"Alluring third party."

"Gano'n? Sino?"

"Si Trista."

"Trista?"

"Nicea?"

Nandilat ito. "Trista Nicea?"

"Oo," sagot niya.

Napatakip ng bibig si Maeve. "OMG! Si Trista, sigurado ka?"

"Oo. Bakit?"

"Si Trista ang bida sa teleserye na sinusulat ko, kung saan isasali sana kita."

Vera's jaw dropped, then she laughed. "Talaga?"

"Oo."

"Hindi naman pala talaga 'ko puwede diyan," sabi niya. "O kung masma man ako diyan, baka sa first day of taping, sasaksakin agad ako ng caharacter ni Trista hanggang sa mamatay."

"Tapos ko na 'yong first episode at walang gano'ng eksena," natatawang sabi ni Maeve.

"Ipapa-rewrite 'yon sa 'yo ni Trista," biro niya.

"Pero kung galit si Lawrence sa 'yo dahil kay Rhys at Cree, dapat galit din siya kay Trista ngayon dahil kay Cree," sabi ni Maeve bago nandilat sa isang reyalisasyon. "Wait, Trista is related to Lawrence."

"How?"

"They're cousins, alam ko, 'di lang ako sure kung ano'ng degree."

"That's why," sabi ni Vera. "She's an exemption to Larence's rule and hatred."

Narinig nilang bumubukas ang pinto bago nakasagot si Maeve, sabay silang lumingon dito at nakita nila ang pagsilip ng isang babae rito.

Speak of the female devil.

It was Trista.


IncognitoWhere stories live. Discover now