Chapter 13

7 1 0
                                    

TUMINGIN SA PALIGID niya si Vera-may ibang tao na pala sa paligid nila, mga taong galing sa bagong dating na mga sasakyan at mga taong nagbabalik sa sasakyan nila. Halos lahat ay nakatingin sa direksiyon nila. Nang ibalik niya ang tingin kay Cree, nakita niyang lumapit ito kay Trista. She still was hysterical and crying, kung umaarte lang ito, hindi alam ni Vera. Nilapitan siya nito kanina na parang handang makipagdigmaan, pagkatapos iiyak at aarteng nahihintakutan nang todo nang makakita ng aktuwal na digmaan? Iyon ang problema sa mga artista, hindi mo alam kung totoo na ang ikinikilos o umaarte lang kahit wala namang kamera sa paligid. Oh, that wasn't correct. May mga kamera sa paligid, nasa smartphone ng mga taong nakapaligid sa kanila na ngayon ay nakatutok sa kanila.

And she wondered if someone caught Rhys on cam while having a punching spree on Trista's bodyguard-she hoped not. But caught on cam or not, malamang na may haharapin na namang bagong kaso si Rhys.

Magkasamang lumapit sina Cree at Trista sa bodyguard na ng mga sandaling iyon ay nakatayo na at nakasandal sa isang puting van, na nasa tabi ng itim na van. Si Rhys ay nananatiling nakatayo sa tabi ni Vera. Inalalayan ni Cree na makasakay sa van ang lalaki bago mabilis na naglakad ito palapit sa kanya. Ipinasiya ni Vera na huwag itong iwasan ng mga sandaling iyon. Madrama na ang mga nangyayari, ayaw na niyang dagdagan pa iyon ng drama sa pagitan nila ni Cree.

"You're okay?" Cree asked her. Si Trista ay naiwan sa tabi ng van pero ang mga mata ay nakasunod kay Cree.

"I'm fine," she said in the coldest voice she could muster.

"Trista told me what happened."

"You should ask Rhys instead."

"I will," he said, glancing at Rhys beside him, who had his head bowed. "But I will ask you first. What happened?"

"Papunta na 'ko sa kotse ko nang dumating si Trista at duru-duruin ako," saad niya.

"Why would she do that?"

"Inaakusahan niya akong naririto dahil sinusundan kita. I didn't even know you'd be here."

"Trista has a meeting and she asked me to come with her. Why are you here?"

"May meeting sana 'ko pero na-cancel," saad uli niya. "Tinabig ko 'yong kamay niya, tapos nakialam na 'yong lalaki na 'yon. Tapos dumating din si Rhys."

Hindi nagsasalitang sinulyapan ni Cree si Rhys na nakatayo ilang metro ang layo sa kanila.

Ilang saglit na tumitig lang sa kanya si Cree pagkatapos, parang tinitimbang ang susunod na mga salitang bibitiwan. "Why didn't you encash the check?"

"I don't need it."

Natahimik uli ng ilang segundo si Cree, sumulyap ito sa van kung saan nakatayo ang gusto siyang sunugin sa tingin na si Trista, bago ito nagsalita. "Okay, I have to go. Kailangan naming dalhin sa ospital si Leo." Sumulyap uli ito sa kinatatayuan ni Trista. "That's Trista's van. Leo, obviously, can't drive, so si Rhys na muna ang magda-drive. We arrived here separately and..."

"You don't need to explain, Cree. Dalhin n'yo nasa ospital si Leo and ask your girlfriend to behave while Rhys is driving, baka maaksidente kayo."

Kumunot ang noo ni Cree. "Behave?"

"She's been trying to scratch Rhys' face after his fight with Leo."

Cree smild wryly and shook his head. "She'd behave."

"Uuwi na 'ko," sabi niya nang mapansing napupuno na ng mga tao ang lugar na iyon. "Pero makikipag-cooperate ako sa mga pulis."

"No," Cree quipped. "There'd be no investigation, suntukan lang ang nangyari, at sa isang suntukan, may isa talaga na umuuwing basag at duguan ang mukha." He chuckled. "It's nothing. What is worrying..." Sumulyap ito sa mga tao sa paligid nila, seryoso na uli ang mukha habang inaayos ang suot na kurbata, sa mga taong nakatutok pa rin sa kanila ang mga hawak na smartphone. "...are these people who would later be our judge, jury, and executioner on social media."

"The girls don't look like they're judging you," sabi niya. "They look like they're swooning over you."

Itinuro ni Cree ang kotse sa tabi niya, hindi pinansin ang sinabi niya. "Is this your car?"

Tumango siya.

"Umuwi ka na," sabi nito. "And stop worrying. This is nothing, just a fisticuffs between two grown men."

"Trista was hysterical and furious."

"I can take care of her," sabi nito bago matipid na ngumiti sa kanya at sinenyasan si Rhys. "And the check, encash it. Or I'll give you a new one with a bigger amount."

Hindi na niya sinagot iyon, hindi na rin siya nag-abalang sabihin ditong pinunity lang niya ang tseke. Nagsimula nang humakbang palayo sa kanya si Cree habang sumusunod dito si Rhys. Sinalubong ni Trista si Cree at yumakap sa lalaki. Hindi gumanti ng yakap si Cree pero may sinabi ito sa babae na hindi na niya narinig bago hinalikan ito sa noo. Kasunod niyon ay sumulyap sa kanya si Trista, pero hindi na niya tinangkang isipin kung ano ang ibig sabihin ng sulyap na iyon.

Pinagmasdan niya ang pag-alalay ni Cree kay Trista sa pagsakay sa van at pati ang pagpasok ni Cree at ni Rhys-sa may driver's seat- sa sasakyan. Umuusad na paalis ng parking lot ang van nang sumakay siya sa kotse niya.

Unang araw ng pagnanais niyang makabalik sa trabaho, dumanak ang dugo. Was that an omen? At si Lawrence, baka sa susunod na magkita sila nito, hindi na masamang tingin lang ang ibigay sa kanya. Si Trista, mukhang kaya rin nitong maging marahas. And Rhys? Kung wala si Rhys, baka siya ang isinusugod nina Cree sa ospital ngayon. Mukhang walang pakialam iyong Leo kahit babae pa ang kaaway nito. Bumuntung-hininga siya nang malalim. Gusto lang naman niyang magtrabaho uli, nang tahimik, nang walang nagagalit sa kanya.

Nasa kalye na siya at nagmamaneho nang matanaw niya hindi kalayuan sa unahan niya ang isang kotseng umaatras pababa sa isang mataas na bangketa. Pumihit ito paglapag sa kalsada paharap sa kanya at tumakbo nang mabilis pasalubong sa kanya.


IncognitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon