ᴇᴘɪʟᴏɢᴜᴇ: ᴛʜᴇ ғɪʀsᴛ ɢᴏᴏᴅʙʏᴇ

4 0 0
                                    

" Tanong ko lang... Gusto niyo ba yung major na kinuha niyo?" Tanong ni Neil habang inihahagis ang bola ng basketball

Kasalukuyang nasa rooftop ng paaralan ang apat habang pinapanood ang paglubog ng Araw

" Bakit? Hindi mo gusto yung course mo ngayon? " Tanong ni Anthony habang kumakain ng mangga

" Hindi naman sa ganun... Para kasing hindi ito yung para sa akin " sagot nito bago ilapag ang bola sa kaniyang tabi

" Ayaw mo nga! " Sumbat ni Anthony

" Hindi! Hindi sa ayaw ko... Di lang ako nakakaramdam ng excitement sa course na toh "

" Alam mo Neil, kung yan ang naramdaman mo, bakit di ka lumipat? " Tanong ni Marco

" Madaling sabihin pero mahirap gawin" natatawang reply ni Neil

"Talaga!" Dagdag ni Marco

" Pero seryoso... Masaya kayo? " Tanong niyang muli bago tumingin sa tatlo 

Nakahilera ang apat sa edge ng rooftop, habang nakalusot sa bakal na harang ang kanilang mga paa

" Ako... Hindi... Sa totoo lang, pero okay na din " simpleng sagot ni Anthony

" Gusto kong mag doctor " sagot ni Marco na kumuha sa attention ng tatlo

" Doctor? Anong ginagawa mo dito sa business? " Gulat na tanong ni Anthony

Umiling lang si Marco, " Di ko rin alam, Ikaw ba Rogue? "

" Uh.... " Umiling siya

" Hayst! Parang gusto kong maging basketball player na lang! " Sambit ni Neil bago umunat, " Ikaw ba Rogue, ano yung pangarap mo? "

" Ako, kahit ano! " Sagot ni Anthony

" Ilayo mo yang bagoong mo sa akin, hindi ikaw ang kausap ko! " Sagot ni Neil habang takip ang Ilong

" Arte, Akala mo naman mabango pawis " sumbat nito bago ngumuya

" Rogue... Maganda yung tanong ni Neil " Ngumiti si Marco kay Rogue

" Pangarap?.... W-wala " nahihiyang sagot nito, " Ang gusto ko lang sana... Makamit niyo mga pangarap niyo" Dagdag ni Rogue bago ngumiti ng matamis....

"Co... Arco... Marco" nagising si Marco sa loob ng Isang sasakyan at bumungad sa kaniya ang mukha ni Anthony

" Nandito na tayo " Saad nito

Hinaplos ni Marco ang mga mata niya, " Napanaginipan ko siya, Anthony "

Hindi umimik si Anthony, bagkos ay inalis niya ang seatbelt niya, " Kung hindi ka susunod, umuwi ka na lang, ito ang susi " ibinato ni Anthony ang susi kay Marco

Lumabas ng sasakyan si Anthony at pinagmasdan naman siya ni Marco na kausapin ang magulang ni Rogue.

Kasalukuyang naka parada ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Rogue, mula sa labas ay makikita ang mga puting bulaklak, at mga bisitang nakaputi at naka itim

" Ano ba sa akala nila ang nangyayari dito? Lamay? " Tanong ni Marco sa sarili bago lumabas ng sasakyan

Paglabas niya ng sasakyan ay agad siyang sinalubong ni Neil at Anthony, " Marco... Kung manggugulo ka lang mas maganda kung umuwi ka na lang muna " paliwanag ni Neil

" Manggulo? Bakit ako manggugulo? Nandito ako para I congratulate si Rogue, Kasi nakalabas na siya ng hospital " paliwanag ni Marco, pero tinignan lang siya ng dalawa na parang nababaliw siya

" Bakit ganiyan kayo makatingin? Asaan na ba si Rogue, gusto ko siyang makita" Sabi nito bago maglakad papasok pero agad siyang pinigilan ng dalawa

" Marco... Nakalimutan mo na ba? " Tanong ni Anthony

" Nakalimutan ang ano? Tsaka bakit ba ayaw niyo kong papasukin? Pinapunta niyo ko dito diba?"

" Alam namin Marco, pero... Hindi ko alam kung kakayanin mo— " naputol ang sasabihin ni Neil sa biglang pagtulak sa kaniya ni Marco

" Hindi kakayanin ang ano? " Naguguluhang tanong ni Marco

" Si Rogue— "

" Marco " napalingon si Marco sa boses ng Isang babae

" Tita, magandang araw po, si Rogue po kamusta? " Lumapit siya dito at nag mano

Ngumiti ito ng malungkot bago siya yakapin ng mahigpit, " Tita? Ano pong problema? Bakit po kayo umiiyak? " Bakas sa boses ni Marco ang pagkataranta

Hinatak nito si Marco papasok sa loob, habang naglalakad si Marco ay dahan-dahang nanghina ang mga tuhod niya kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso

Nang makalapit siya ay para siyang nalulunod dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman niya

" Rogue? Totoo ba toh? " Nanginginig ang boses niya habang dahan-dahang inabot ang isang urn

Inilapit niya ang urn sa kaniyang dibdib bago siya tuluyang mapaluhod, kasunod nun ang paglabas ng mga luha niya, " Rogue? Rogue... Asaan ka?... Hindi naman magandang biro ito! Asaan siya? " Umiiyak na tanong niya habang yakap ang urn

Ang magulang at kaibigan nila ay di sumagot, pati sila ay tahimik na umiiyak... Ibinalik ni Marco ang tingin niya sa nakangiting larawan ni Rogue

" Bakit.... Bakit pati Ikaw?! Saan ako nagkulang? I'm sorry.... Rogue I'm sorry! " Sambit niya bago yakapin ng mahigpit ang urn

Lumapit siya sa mga magulang ni Rogue, " Tita... Sorry... Ang Sabi ko... Poprotektahan ko siya.... I'm sorry hindi ko nagawa... Sorry po" Hagulgol niya

Hindi naman sumagot ang mga magulang ni Rogue bagkos ay niyakap siya ng mga ito....

(⁠ ⁠≧⁠Д⁠≦⁠)

Humihikbing pumasok si Marco sa kwarto ni Rogue matapos niyang hingiin ang permiso ng magulang nito

Pinagmasdan ni Marco ang kwarto, bago siya umupo sa kama at inabot ang plushie na napalalunan ni Rogue sa arcade

Napangiti siya sa itsura ng plushie bago mapatakan ng luha ang plushie... " Rogue.... I'm sorry.... " Bigkas niya bago yakapin ang plushie, " Sorry.... Binigo ko kayo ng ate mo".....

Kumatok si Neil sa pintuan ng kwarto ni Rogue, " Marco? " Walang sumagot mula sa loob

" Marco, umuwi na tayo" tawag niya ulit, pero walang sumagot kaya kinakabahan niyang binuksan ang pinto

" Anthony! " Sigaw niya, " Anthony! Yung susi! Patanong yung susi!!" Natatarantang kinatok ni Neil ang pinto

Agad namang dumating si Anthony dala ang susi, pagbukas ng pinto ay naabutan nila si Marco na nakahiga sa kama ni Rogue

" Pinakaba mo kami " bulong ni Neil bago lumapit kay Marco na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kama ni Rogue habang yakap ang plushie

" Para siyang bata " dagdag ni Anthony bago umupo at sumandal sa kama

Ipinikit ni Anthony ang mga mata niya, " Miss ko na siya Neil "

Hindi sumagot si Neil bagkos ay pinagmasdan niya lang ang dalawa....

,ಥ⁠_⁠ಥ

A couple of hours later

" Check his room, there must be something there, check for any possible leads "

" We should go, we still have meetings to attend to"

Ibinaba nito ang kaniyang mobile phone bago tumingin sa kaniyang kasama

" You should apply as my secretary "

" Fuck you dude "

" Aalis na ba kayo? " Tanong sa kanila

" Yes, We want to stay for a while but —"

" I understand.... "

Sumakay ang dalawa sa sasakyan, " Run a background check on Marco Lopez... There's something fishy going on here" ......

°•°•° The End •°•°•

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AMITY Where stories live. Discover now