ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 016: ᴛʜᴇ ʜᴜɴᴛ

3 0 0
                                    

" Anong ginawa mo?! " Sigaw ng di kilalang lalaki

Nanginginig naman niyang binitawan ang baril na hawak

" I didn't mean ah! " Napahawak siya sa ulo niya bago mapaupo sa lapag

Sa harapan niya ang dalawang taong di niya mamukaan, ang Isa sa kanila ay nagdurugo habang ang isa ay umiiyak na ginigising ang babae

" Gumising ka! Parang awa mo na wag mo kaming iwan! " Umiiyak na sigaw nito

" Kasalanan mo toh! Bakit mo ginawa yun! Bakit mo siya pinatay! " Sigaw nito, bakas sa mga mata nito ang sakit at pagkadismaya

( Beeping sound )

" Kamusta po siya? " Tanong niya sa doctor

" Maliban sa sugat niya sa ulo, magiging maayos naman ang kalagayan ng pasyente "

" Mabuti naman po kung ganoon "

Dahan dahang binuksan ni Rogue ang mga mata niya at nakita ang mga mukha ng boses

" M-melody? " Walang lakas na tanong niya

" Rogue!! Kamusta? May masakit ba sayo!? " Tanong nito

Agad namang pumagitan ang doctor para kausapin siya

" How are you feeling? Do you feel dizzy? " Simpleng iling lang ang sinagot ni Rogue

Makalipas ang ilang minuto ay naiwan na sa kuwarto ang dalawa

" Rogue- "

" Anong nangyari? " Nakatulalang tanong nito

" Uh si Anthony kasi... Uh ano nakita kaniya tapos- "

" Anong nakita niya?! Anong nangyari?! " Tanong ni Rogue habang hawak sa magkabilang balikat si Melody

Nabigla si Melody sa biglang pagsigaw ni Rogue

"Nakitakaniyanabinubugbogkayanakipagawaydinsiyataposnadalasiyasaprisintokasamasigabby! " Tarantang sagot nito

" Ano? " Nakanunot ang noo ni Rogue sa sagot ni Melody

" Eee nakakatakot ka kasi! " Naiiyak na sabi niya

" Bakit ka kasi nasigaw?! Nakakatakot ka! " Iyak niya

" P-pasensya na, hindi ko sinasadya " paghingi nito ng paumanhin habang pinapakalma si Melody

" Pwede mo na ba ulitin yung sinabi mo? "

Tumingin ng masama si Melody sa kaniya

" Kung... Handa ka na "

" Sila Anthony Kasi... Nasa prisinto sila waahhh " muling umiyak si Melody dahilan para mataranta si Rogue

Pinatahan muna ni Rogue si Melody bago siya magsalita

" Ano... Uh saang prisinto sila dinala? " Naguguluhan namang tumingin sa kaniya si Melody

' Natural ba sa mga babae na maging cute kapag umiiyak? ' tanong ni Rogue sa sarili

ฅ⁠^⁠•⁠ﻌ⁠•⁠^⁠ฅ

" Kaya nga po! Pero bakit sila yung nakakulong?! Di naman sila yung nagsimula ng away! " Rinig mula sa entrance ng pulis station ang kalmado pero galit na boses ni Marco

Nakatayo sa tapat ng cubicle ng police officer si Marco at Neil habang nakaupo naman sa tabi ng police officer ang taong nanakit kay Rogue

" Marco awat na baka pati ikaw mapunta sa loob " awat ni Neil

AMITY Where stories live. Discover now