" Sir Hearth, paano niyo nagawa yung ganung bagay sa mismong bahay ng pinsan niyo? " Tanong ni Noel matapos niyang iayos si Anthony sa guillotine
Lumapit si Noel, " Maraming katulong sa bahay na yun imposibleng walang magsumbong sa ginawa mo "
" Sa di malamang dahilan, pinagbakasyon ng pamangkin ko ang mga katulong nila sa bahay, pati na yung tagapag alaga niya " sagot nito bago dumiretso sa sasakyan niya
" Ihanda mo na ang lahat dito "
ฅ^•ﻌ•^ฅ
Tahimik na nakaupo ang tatlo sa harapan ng lapida ni Liana
Nag ring ang phone ni Neil dahilan para bumalik siya sa sasakyan habang naiwan ang dalawa
" Marco... Natatandaan mo ba ang sinabi sayo ni ate bago siya nawala? " Tanong niya
" It's hard to forget... One to many reasons kung bakit.... Ayaw ko pa siyang bitawan... She's been gone for more than a year.... But I can't bring myself to let her go " iniyuko ni Marco ang ulo niya
" Alam kong sinabi niya na pwedeng pwede akong mag-mahal ng iba.... Pero paano ko gagawin yun.... Hindi ko siya kayang bitawan " pinunasan niya ang mga mata niya bago tumingin kay Rogue nang naka ngiti
" Hanapin na natin sila Anthony " sambit nito bago tumayo at inilahad ang kamay kay Rogue
" Marco... May gusto sana akong sabihin sayo.... Tungkol sa pagpatay.... Sa tingin ko.... Kilala ko kung sino- "
" Yung uncle mo yun hindi ba? " Nakangiting sagot ni Marco
" Paano- "
" Alam mo, ang laging sinasabi ng ate mo, mabait kang tao at ipinapakita mo yun... Alam kong hindi mo gusto ang ginagawa mo " maamo ang mukha ni Marco habang nag sasalita
Natawa naman ng bahagya si Rogue, " Ate, sa mukhang ito ka ba nagkagusto? Nakakainis kasi ang pangit "
Napatayo si Marco sa naging sagot ni Rogue, " Pangit?! Ako? Hah! Head over heels ang ate mo sa akin "
" Oo na! minsan di ko alam kung bakit nahulog ang ate ko sayo, kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon " Tumayo si Rogue sa kinauupuan niya bago siya maglakad palayo
" Mahinhin ka diba? Bakit ganiyan ka na magsalita? " Pang aasar ni Marco
" Bakit? Ganito naman ako lagi! " Sigaw niya
" Nakayuko ka lagi! " Muling sigaw nito bago tumingin muli sa lapida
Sa huling beses ay hinawakan niya ang lapida bago ngumiti at sumunod kay Rogue
▼・ᴥ・▼
Nadatnan nila si Neil na madilim ang expression
" Anong nangyari? " Tanong ni Marco na ikinagalit ni Neil
" Kasalanan mo lahat ito e! " Nabigla si Rogue nang bigla siyang abutin ni Neil sa kwelyo nito, agad naman siyang inawat ni Marco
" Neil! Ano bang problema? Parang kanina ayos lang ang lahat a? "
Sinalubong ni Rogue ang galit na mga mata ni Neil, " Nahanap ni Uncle sina Teresa, Hindi ba Neil? "
Nagtatakang nilingon ni Marco si Rogue bago ibalik ang tingin kay Neil, " Totoo ba ang sinasabi ni Rogue? "
" Bwiset!! " Sigaw ni Neil bago talikuran and dalawa
" Si Mr Hearth ba ang tumawag sayo Neil? " Mahinahong tanong ni Marco
" Ginamit niya sina Teresa!! Magkakasama na sila! Hawak na nila, di lang sila Anthony at Gabi pati na rin si Melody at Teresa! Ano bang ginawa mo sa kaniya Rogue?! "
YOU ARE READING
AMITY
RandomRogue is similar to a word good for nothing, bastard and many awful words Is that mean that the person who own the name will be the same as it means? What do you think? If yes, then does it means that the person has a chance to change or to get wo...