ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 013: ᴛʜᴇ ᴄʟᴀɴ

5 0 0
                                    

( Bird chirping )

Pumasok ang nurse sa kuwarto ni Rogue at nabigla siya sa ginagawa nito

" S-sir! Bubukas po ang tahi niyo! "

Pinigilan ng Nurse si Rogue sa stretching na ginagawa nito

" P-po? Di na— "

" Sir dumudugo! " Tarantang pinindot ng nurse ang button sa itaas ng kama ni Rogue

" Sir maupo po kayo, tatawagin ko muna si Doc "

" P-pero di naman po ito malala— "

" Gusto mo pang palalain? Maupo ka Jan " Galit na lumabas ang nurse habang bumubulong sa inis

Nakasimagot na tumingin si Rogue sa kaniyang tiyan, napansin niya ang pulang mantsa at nakaramdam siya ng lamig sa kaniyang likuran

Dahan dahang iniangat ni Rogue ang kaniyang damit para pagmasdan ang lumalabas na dugo sa kaniyang sugat, tinakpan niya ito ng kaniyang nanginginig na kamay bago huminga ng malalim

" Sir! Gusto mo mainpeksyon yan! " Mabilis na inalis ni Rogue ang kamay niya

" H- Hindi po "

" Tsk " inilapit ng nurse ang wheel chair at pinaupo doon si Rogue bago siya dinala sa tapat ng pintuan

Kumatok ang nurse bago buksan ang pinto " Doc, nandito na po si Sir Rogue "

Dahan dahang tinulungan ng nurse si Rogue na mahiga sa kama

" Hindi ba nabanggit ng nurse mo na hindi ka pa pwedeng gumalaw? " Tanong ng doctor

Nakayukong tumango si Rogue " Pasensya na po talaga, ilang araw na rin po kasi ak— " napahinto si Rogue sa pagsasalita ng makita niya ang mukha ng doctor

" May dumi ba sa mukha ko? " Tanong niya habang kinakapa niya ang mukha niya

" Nurse? "

" Wala naman po "

Ngumiti ang doctor bago simulang linisin ang sugat ni Rogue

" Sa susunod, sumunod ka sa nurse mo, para di tumagal ang pananatili mo dito " paalala ng doctor bago lagyan ng patch ang sugat

" Yung kamay mo pala kamusta? "

Napatingin si Rogue sa kamay niya

" Ilang suntok nakuha ng kaklase mo?"

" Doc? Ano ba yang tinatanong mo" saway sa kaniya ng nurse natawa na lang ang doctor bago lagyan ng ointment ang pasa at sugat sa kamao niya

" There you go, good as new, nurse paki escort mo siya sa room niya, and Mr Garcia, please sumunod sa nurse, I don't like seeing you like this "

Nagtataka man ay sumang-ayon na lang si Rogue, pag labas nila sa pinto tsaka lang siya nakapag salita

" Doc, ano pong tawag ko sa inyo? " Bakas sa mukha ni Rogue ang pagtataka

" Kuya, you can call me Kuya " nakangiting sambit nito

ฅ⁠^⁠•⁠ﻌ⁠•⁠^⁠ฅ

Mula sa loob ng madilim na warehouse maririnig ang pag iyak at paghingi ng awa ng di kilalang lalaki

" Tama na pakiusap, di namin alam kung sino siya " pakiusap ng lalaki habang nakatali sa upuan

Diniinan ng lalaki ang kutsilyong nakatusok sa kamay ng biktima

" Really? You don't know any Brian Gomez? "

" Wala nga! " Mangiyak ngiyak na sambit nito

Muling napasigaw ang lalaki sa sakit nang iikot nito ang kutsilyo

AMITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon