ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 020: ᴛʜᴇ ɪᴅᴇɴᴛɪᴛʏ ᴏғ ᴛʜᴇ ʀᴇᴀᴘᴇʀ

4 0 0
                                    

Pagkalabas nila Anthony ay agad na lumapit at sinuntok ni Neil ang lamesa ni Marco

" Bakit hindi mo sinabi sa kanila ang totoo? Ano ipapain mo sila! Ipapahamak mo sila ganun? "

" Neil! Alam mo na hindi iyon ang intention ni Marco " awat ni Teresa

" Pero dapat sinasabi mo pa rin para sana man lang may idea sila sa mang yayari! "

" Sa tingin mo ba pag nalaman nila may mangyayari? May magbabago? Ipinaliwanag na sa ating dalawa ni Marco lahat, saan doon yung hindi mo naintindihan? Kilala mo yung dalawang yun, mas magiging delikado ang mangyayari sa kanila kung malalaman nila " paliwanag ni Teresa kay Neil

Sinabayan ni Teresa ang masamang tingin ni Neil " Kung gusto mong sabihin sa kanila dapat nagsalita ka " hamon niya kay Neil 

Padabog na lumabas si Neil ng office at huminga naman ng malalim si Teresa

" So, ano nang plano, panigurado yung dalawa papunta na sa bahay ni Sir "

Sumandal si Marco sa kaniyang upuan " Hahanapin natin si Melody "

Napahawak si Teresa sa ulo niya, " Paano natin hahanapin si Melody kung hindi natin mahanap si Rogue? "

" Di natin siya kailangang hanapin " ngumiti siya dahilan para tumaas ang balahibo ni Teresa

" S-so ano nga? Pano? "

" Maghanda ka, pupuntahan na natin siya " tumayo si Marco at dumiretso sa pinto

Naguguluhan namang sumunod si Teresa " Ano ba kasi pinaplano mo?! "

ฅ⁠^⁠•⁠ﻌ⁠•⁠^⁠ฅ

Isinasaayos ng guro ang dalawang set ng torture equipment nang magising si Anthony sa liwanag na sumisilip sa butas ng bubong

Pagdilat niya ay agad niyang hinawakan ang kaniyang ulo at pinakiramdaman kung dumudugo ito

" Gising ka na pala " bati sa kaniya ng guro

" Sir Noel! " tumayo siya para abutin ang kaniyang guro pero natigil siya dahil sa kadenang nasa paa niya

" Nasaan si Gabby!!? "

Itinuro ng guro ang kabilang banda ng lugar, " Bago ka magwala, gamitin mo muna mata mo, tsk, dapat pala tinanggal ko na yan di mo naman ginagamit " dismayadong sagot niya

" Baliw ka na Sir! Pakawalan mo kami! "

Itinulak ni Noel ang brazen bull sa tabi ng guillotine bago tumingin kay Anthony, " Hindi ako ang baliw dito, baka nga yung kasama mo pa yung baliw " sagot niya bago muling galawin ang brazen

Ang lugar na kinaroroonan ni Anthony ay isang lumang warehouse, ipinuwesto ni Noel ang Brazen bull malapit kay Gabby

" A- Anong ginagawa mo?! " tarantang sigaw ni Anthony bago mabilis na tumayo at tumakbo sa kinaroroonan ni Gabby pero nadapa lang siya dahil hindi umabot ang kadena sa pwesto ni Gabby

" Kung ako sayo, mananahimik na lang ako " paalala niya bago buhatin si Gabby at ipinasok sa loob

" GABBY! GABBY! GUMISING KA!!! "

Isinara na nito ang pinto bago harapin si Anthony, " Walang silbi ang pag iingay mo, masyadong matapang yung gamot na nainom niya "

Binalot ng tension ang buong katawan ni Anthony nang maglakad palapit sa kaniya ang guro, habang lumalapit sa kaniya ay may kinuha siyang botilya sa kaniyang bulsa

" A-anong binabalak mo?! " iniangat ni Anthony ang mga kamao niya at naghanda sa pagdepensa sa kaniyang sarili

" Ito? Kailangan mong kumalma, ito lang ang kailangan mo para Wala kang maramdaman " nakangising sagot nito bago lumapit kay Anthony pero bago pa niya ito mahawakan ay nakatanggap na siya ng suntok

AMITY Where stories live. Discover now