Beep....Beep....Beep, ang tanging tunog na naririnig sa kuwartong halos kumpleto na ng gamit
Kasalukuyang nakaupo sa tabi ng kama ni Rogue si Anthony habang nag babalat ng mansanas
" Oi, para kang babae na naghihintay sa mahal niya na gumising a " kutya sa kaniya ni Neil bago ginulo ang buhok niya
" Tan-tanan mo nga ako, saksakin kita jan e " inis na sagot niya bago ipagpatuloy ang ginagawa
" Kamusta siya " mahinang tanong ni Neil bago umupo sa kabilang side ng kama
" Kita mo naman diba? "
Tumango naman si Neil " Bakit mainit ulo mo? "
Naiinis na tumingin si Anthony kay Neil
" Oh, nag tatanong lang ako- "
" Ikaw na dito, bahala ka na! " Galit na ipinasa ni Anthony ang bowl na may lamang prutas kay Neil
" Teka ano bang problema mo " tumayo si Neil dahilan para matapon ang mga prutas
" Ikaw Kasi! Kayo Kasi! Kung sana tinulungan niyo siya di dapat siya nandito! " Naiiyak na sigaw ni Anthony
" Alam mong di namin pwedeng gawin yun " napalingon si Anthony sa boses ni Marco
Pumasok sa kwarto si Marco bago umupo sa sofa na nasa loob
" Pero kahit na! Dapat.... Dapat.... Nakakainis kayo! " Sigaw niya bago tumakbo palabas
Napabuntong hininga si Neil bago damputin ang mga mansanas
" Alam mo, kung hindi natin hinayaan si Rogue na magpasaksak wala sana siya ngayon dito " basag ni Neil sa katahimikan
Umiling naman si Marco " Nabasa mo naman yung script na ginawa niya diba? Nakasulat doon at isinulat niya doon na kailangan mangyari yun "
" Pero kailangan ba na maging critical? Hinugot ni Brian yung kutsilyo, dahilan para bumama ang dugo ni Rogue, hindi na dapat natin tinuloy "
" Kung hindi natin itutuloy habang buhay ng alipin ni Brian si Rogue, gusto mo ba yun? Kasi ako hindi ko kayang sikmurain yun... Nangyari na ang dapat mangyari " mahinang paliwanag ni Marco
Naupo si Neil sa tabi ng kama bago niya pinagmasdan ang maputlang mukha ni Rogue " Pero may iba namang paraan... Diba? "
" Hindi ko pwedeng sirain ang pangako ko sa kaniya " mahinang sagot ni Marco
Yumuko si Neil " Napakadelikado ng ginawa niya Marco... Naisip mo dapat yun, yang pangako na yan, dapat di mo na tinupad... Hindi pwedeng yung pangako niya pa ang tatapos sa buhay niya "
Walang sagot si Marco sa sinabi ni Neil
" Nung araw na narinig tayo ni Rogue, kinausap mo ba siya? "
"...."
" Wag mong sabihin na si Anthony ang nagplano ng lahat ng ito? " Lingon ni Neil
" Ginamit ko si Anthony... Mas gustong kausap ni Rogue si Anthony kaysa sa akin... Kaya nung araw na sinundan siya ni Anthony.... Sumunod ako "
𝙵𝚕𝚊𝚜𝚑 𝙱𝚊𝚌𝚔
* Ringing *
" Ano ba Anthony sumagot ka! " Nagmamadaling bumama ng hagdan si Marco
" 𝑵𝒐𝒉 𝒑𝒓𝒐𝒃𝒍𝒆𝒎𝒂 𝒎𝒐? "
" Asaan kayo? "
" 𝑯𝒂? 𝑨𝒏𝒐 𝒌𝒂 𝒋𝒂𝒏, 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒕𝒂𝒑𝒐𝒔 𝒎𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒘𝒂𝒚 𝒉𝒂𝒉𝒂𝒏𝒂𝒑𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒌𝒂𝒎𝒊? 𝑩𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂 𝒌𝒂 𝒋𝒂𝒏 "
YOU ARE READING
AMITY
RandomRogue is similar to a word good for nothing, bastard and many awful words Is that mean that the person who own the name will be the same as it means? What do you think? If yes, then does it means that the person has a chance to change or to get wo...