ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 024: ʜɪs sᴀᴄʀɪғɪᴄᴇ

5 0 0
                                    

Kasalukuyang nililibot ni Marco ang basement ng chapel binuksan niya ang unang kuwarto at pumasok siya sa loob bitbit ang kaniyang mobile phone na nagsisilbing flashlight niya

Pinagbubuksan niya ang mga kabinet na nasaloob at puro wine at ostcha lang ang nakita niya kaya naman naisipan niyang tignan ang huling kwarto

Hinawakan niya ang pinto at sinubukan itong buksan, nang hindi ito bumukas ay nakaramdam siya na parang may tao sa likuran niya dahilan para dumapa siya, kasunod nun ang pagtama ng isang kutsilyo sa uluhan niya

" Oi! Anong ginagawa mo?! " Sigaw niya bago tutukan ng flashlight ang kung sino man ang kasama niya

Nang makita niya ang taong iyon ay agad siyang tumayo at tumakbo palayo dito

Agad na hinanap ni Marco ang light switch pero bago pa niya mahanap ay nakarinig na siya ng mga yapak na papalapit sa kaniya

Ang basement ay maluwag at para nang kasing sukat ng chapel, ang pinagkaiba lang ay pagbaba ng hagdan ay sasalubungin sila ng isang malawak na space para sa mga garden tools, cleaning tools at isang maliit na lababo, sa dulo naman ng basement ay ang dalawang pinto.

Naisipan ni Marco na patayin ang ilaw sa mobile phone niya at sinubukang hanapin ang taong iyon sa dilim habang dahan dahang lumilipat ng daan, habang dahan dahan siyang naglalakad ay napatid siya sa isang pala

" Bwiset! " Daing niya bago narinig ang mabilis na yapak patungo sa kaniya, agad niya binuksan ang phone niya at nang makita niya ang kasama niya ay agad niyang ibinato ang phone niya

Napa aray ang lalaki sa sakit at ginawa iyong opportunity ni Marco para hanapin ang switch ng ilaw, nagmamadali niyang kinapa ang pader malapit sa hagdan at nang mahawakan niya ang switch agad niya iyong binuksan at sa pagkadismaya niya nakita niya ang lalaki na may hawak na isang flail weapon (ʕ⁠ ⁠º⁠ ⁠ᴥ⁠ ⁠º⁠ʔ)

" Anak naman ng— " tumakbo ang lalaki sa kaniya at inihagis ang hawak nito

ฅ⁠^⁠•⁠ﻌ⁠•⁠^⁠ฅ

Umakyat si Neil sa hagdan para salubungin ng ilan pang hagdan bago marating ang bell

Dahan dahang umakyat si Neil hanggang sa makarinig siya ng pagkasa ng baril at mga boses

" Ms Melody hindi ba? "

" Mmmmppp!! " Nang marinig ni Neil ang pangalan at boses na sumunod ay nataranta siya at sumilip mula sa hagdan

Nakatalikod sa kaniya ang lalaki at nakita niya si Melody na nakatali sa upuan at may busal, naka pwesto siya sa malaking bintana ng tore

" Alam mo, kung walang darating pwede naman kitang iuwi " pagbibiro nito bago tignan si Melody mula ulo hanggang paa

Nakaramdam ng galit si Neil pero hindi niya ito ginawang dahilan para sugurin ang lalaki

Papalubog na ang araw kaya hinintay muna niyang mawala ang liwanag para makagalaw siya ng hindi nahuhuli 

" Ang ganda mo at mukhang makinis pa, ang swerte siguro ng kasintahan mo "

" Mmmhhhppp!! " Lumuluha si Melody at kita sa mga mata niya na ayaw na niya roon

Hindi na nakapag pigil si Neil kaya naman dahan dahan na niyang nilapitan ang lalaki, napansin siya ni Melody at sinenyasan naman niya ito na wag magpahalata

" Alam mo ang sabi ni Sir Hearth wala ka daw kasintahan, pero napaka imposible nun e, pero baka nga tama siya " tinanggkang hawakan ng lalaki ang naka expose na hita ni Melody

Pero bago pa niya mahawakan ay agad na siyang hinatak ni Neil mula sa likod at inihagis sa railing ng hagdan dahilan para masira ito

Pagkahagis niya sa lalaki ay nagmamadali siyang inalis ang jacket niya at tinakpan ang naka expose na katawan nito, inalis na rin niya ang busal, " Hindi mo dapat pinapakita ito " madiin na sabi niya bago kalasin ang pagkakatali kay Melody pero bago pa niya matanggal ang tali ay siya naman ang naihagis, tumama ang likod niya sa gilid ng bintana

AMITY Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang