ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 015: ᴡᴇʟᴄᴏᴍᴇ ʙᴀᴄᴋ

1 0 0
                                    

Makaraan ang ilang araw ng pagpapahinga ni Rogue ay nakabalik na ulit siya sa kaniyang pag aaral

" Good morning everyone and to Mr Rogue Garcia, how are you? " Tanong ng kanilang guro

" Maayos na po, salamat po Sir Noel " 

Ngumiti sa kaniya ang guro bago magsimulang mag turo

" Psst Rogue may lapis ka pa? Pwedeng pahiram " tawag sa kaniya ng kaklase

Tumango naman siya bago iabot ang lapis dito " salamat "

Maayos na nakinig si Rogue sa kaniyang upuan pero di niya maiwasang mapansin ang mga pakikitungo sa kaniya ng mga kaklase

Sa kaniyang palagay ay parang masyado ata silang mabait sa kaniya

" Arghh gutom na gutom na AKO! " Sambit ni Anthony habang umuunat

" Tara na sa canteen? " Aya naman ni Neil

Tumango si Rogue at sabay silang tatlo lumabas

" Sila Melody? " Tanong ni Neil

" Kasama ni Teresa, kakain daw sila sa labas, tch ang yabang, porket pwede siyang lumabas ng school " reklamo ni Anthony

" Gusto mo sa labas na rin tayo kumain? " Tanong ni Marco mula sa likuran nila

" Marco? " Nanlaki ang mga mata ni Anthony ng masilayan si Marco

" Hmm? "

" Buti buhay kapa! Balita ko napagalitan ka ng principal, grabe! Akala ko expel kana! " Magkahalong tuwa at kabang sambit niya bago ipatong ang kamay sa balikat nito

" Thank goodness hindi ako na expel, I am so close though, I mean di ko na protektahan ang Isa sa mga students dito " sagot nito bago tumingin kay Rogue ng malumanay

Di naman nakasagot si Rogue bagkos ay yumuko lamang ito

" Pwedeng mamaya na natin pag usapan yan? Nagugutom na ko! " Basag ni Neil sa katahimikan bago akbayan si Rogue

" Gusto mo na rin ba kumain? " Nakangiting tanong nito

Tumango naman si Rogue bilang sagot, " Tara na " Aya nito bago isabay si Rogue sa pag lalakad habang naka akbay dito

" Gusto ko pala ng chicken! "

" Talaga Anthony? Chicken? Di ka pa ba nag sasawa dun? " Reklamo ni Neil

" Kasi hindi ako katulad mo na natatakot na tumaba! Hah! Hindi kaya ako nataba! Tignan mo may abs pa ko! " Pagmamalaki nito bago iangat ang polong suot

" Di abs yan! " Sagot naman ni Marco bago hampasin ang tiyan nito dahilan para mapa aray siya sa sakit

" Problema mo!? " Sigaw nito

" Don't know " nakangiting sagot nito

Naramdaman naman ni Neil ang mahinang pagtawa ni Rogue sa kaniyang tabi

" Mas maganda daw abs ni Rogue kesa sayo! " Nang aasar na tumingin si Neil kay Rogue bago kay Anthony

" Talaga? Patingin! " Agad na lumapit si Marco kay Rogue bilang pang aasar

" Hoy! Akala ko ba gutom kayo! Matatapos na recess di pa tayo nakain! " Nakangusong sambit ni Anthony na may halong selos

" Oo na, kawawa naman ang batang ito, Tara na, baka mahimatay pa tong batang toh sa gutom " ginulo ni Marco ang buhok ni Anthony

" Grrr! "

" Oi oi nagkaka rabis na! " Dagdag ni Neil na nagpatawa kay Rogue at Marco

" Sige lang pag tripan niyo lang ako, ang sasama niyo! " Sabi nito bago maglakad ng mabilis

AMITY Where stories live. Discover now