ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 009: ᴛʜᴇ ʙᴇᴛʀᴀʏᴀʟ

6 0 0
                                    

" Marcoooo! "

Ibinaba ni Marco ang hawak niyang folder bago tumingin sa kaniyang Vice

" Problema mo? " Inis na tanong niya

" Ayoko na mag ikot ikot, gusto ko sumali sa festival! "

" Edi sumali ka! Pakialam ko sayo "

" Bakit ba ang init ng ulo mo? "

" Ang ingay mo, pumunta ka lang dito para mag ingay " sumbat ni Marco bago bumalik sa pag babasa

" Bahala ka nga Jan " sagot ni Teresa bago lumabas

" Bahala ka " bulong naman niya

Pinagpatuloy niya ang ginagawa niya bago siya lumabas ng office

Tinungo ni Marco ang west wing at nag hintay sa labas ng restroom doon

Wala pang ilang minuto ay may narinig na siyang mga yapak patungo sa kaniyang direksyon

Sinalubong niya ang taong iyon at ang taong hindi niya inaasahan ang sumalubong sa kaniya

" Rogue? "

" M-marco... " Nagtatakang tanong ni Rogue

Galit na inabot ni Marco sa kwelyo si Rogue at itinulak siya sa padre

" Anong impormasyon naman ang dala mo ngayon para sa kanila? "

" H-huh? Anong- "

" Bakit mo nagawang gamitin ako? Kami? " Galit na tinulak ni Marco si Rogue sa pader

" Teka ano bang sinasabi mo?! " Galit na itinulak ni Rogue si Marco para makawala siya rito

" Ginamit? Kailan ko ginawa yun? "

" Alam Kong kinausap ka nila Brian na tanggapin ang alok kong pakikipag kaibigan?! Para sa ano? Para gamitin ako? Yung posisyon ko?! "

Bumakas sa mukha ni Rogue ang pagkadismaya at lungkot

" Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sayo ng mga bagay na yan... Isa lang ang sasabihin ko sayo kaibigan man kita o Hindi... Kahit kailan hindi kita gagamitin, sabihin man nila sa akin yun o hindi "

Galit na dinampot ni Rogue kaniyang bag bago siya tumakbo....

ฅ⁠^⁠•⁠ﻌ⁠•⁠^⁠ฅ

" R... Rog... Rogue, hoy ayos ka lang? Kanina ka pa tinatawag ni Neil " alog sa kaniya ni Anthony

" H-huh? Sige " sagot niya bago puntahan si Neil

" Teka nga muna, bakit ba parang wala ka sa sarili ngayong araw? May problema ba? "

Umiling si Rogue " kulang lang ata ako sa tulog " sagot niya

Bahagyang isinara ni Anthony ang mga mata niya habang nakatingin kay Rogue " Sige, Sabi mo e "

Nang makaalis si Rogue sa harapan ni Anthony ay sinundan niya ito

Malapit na kay Neil si Rogue nang bigla siyang akbayan ni Anthony

" May lagnat ka ba? " Tanong niya ulit

Nakuha naman nun ang atensyon ni Neil

" W-wala, kulang lang talaga ako sa tulog "

" Anong nangyayari dito? " Istorbo ni Neil

" Tinatawag mo raw ako? " Pag iiba ni Rogue

" Ha? Ah oo Sila Gabby kailangan nila ng assistance mo sa mga part nila, na memorize na nila ang problema lang nilang dalawa- "

AMITY Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum