Narrator:
Nagsimulang pumasok ang mga istudyante sa loob ng iskwelahan
" Good morning Ate "
" Good morning, nabangit na ba ng teacher niyo yung tungkol sa festival? "
" Opo, Excited na nga po kami sa mga activities na ihahanda "
Marami sa mga istudyante ang magkakasama maliban sa kaniya
Magisa niyang tinahak ang daan papunta sa dulo ng west wing ng paaralan
Tumigil siya sa tapat ng boy's restroom at dahan dahan siyang pumasok sa loob
" Dumating ka na rin sa wakas! Akala namin sinumbong mo na kami e " salubong sa kaniya
" Imposible yun " tuloy ng lalaking nakapuwesto sa dulo ng restroom
Dahan dahan ito lumapit sa kaniya at bahagya siyang sinampal
" Hindi mo naman kami isusumbong Hindi ba? Rogue " Tanong nito sa kaniya
Tumango naman si Rogue bilang sagot
" Amina " utos nito sa kaniya
Dahan dahang niyang binuksan ang kaniyang bag at kinuha ang dalawang bote ng alak at dalawang kahon ng sigarilyo
Agad na hinablot sa mga kamay niya ang mga bote ng alak at sigarilyo
" Ayos! Ang saya talaga kapag pamangkin ng principal, naka jackpot ka talaga Brian "
" Sige na umalis ka na " utos ni Brian
Nakayukong tumalikod si Rogue, agad naman siyang pinigilan ni Brian sa pagalis
" Wag kang mag susumbong sa uncle mo, kung hindi, lagot ka talaga sa amin " babala ni Brian bago niya sikmuraan si Rogue
Lumabas si Rogue ng restroom at pinakinggan ang tawanan nila Brian habang hawak ang kaniyang tiyan
Pumasok si Rogue sa kaniyang silid na parang walang nangyari
" Oi Neil napansin mo ba yung muse sa kabilang klasroom "
" Bakit nanaman? " Nakakunot na tanong
" Wala lang, parang Ewan Kasi, Akala mo maganda di nama- owww "
Napalingon si Rogue sa mga kaklase niya sa likod
" Pwede ba Anthony? Kung walang magandang lalabas sa bibig mo manahinik ka na lang " Sabi ng kaniyang kaklase habang hawak sa Tenga si Anthony
" Teka Marco masakit! " Agad naman siyang binitawan nito
Habang pinagmamasdan ni Rogue ang magkakaibigan nakasalubong niya ng tingin si Marco
" Pasensya ka na sa bibig nito ah " paumanhin nito
Agad namang umiling si Rogue at nahihiyang tumingin sa harap
" Oi ano ba yun, wag mo siya kausapin, narinig mo ba yung sinasabi tungkol sa kaniya? " Bulong ni Anthony
" Naniniwala ka dun? " Dismayadong tanong ni Neil
" Aba syempre naman, tignan mo nga siya o, tsaka nakita ko siya na kasama sila Brian "
" Anthony pwede ba? Manahimik ka na lang "
Malungkot namang pinakinggan ni Rogue ang opinion ng taong nasa likuran niya...
Makalipas ang ilang oras naglabasan na ang mga istudyante para mag hapunan
Pumasok sa cafeteria si Rogue at ang tanging narinig niya lamang ay ang tungkol sa paparating na festival na ipagdiriwang sa loob ng paaralan
Ngunit ang usapan ay nabago ng dumaan si Rogue sa harapan nila
YOU ARE READING
AMITY
RandomRogue is similar to a word good for nothing, bastard and many awful words Is that mean that the person who own the name will be the same as it means? What do you think? If yes, then does it means that the person has a chance to change or to get wo...