Sa kalagitnaan ng hapon, marami sa mga istudyante ang umuwi na at maraming classroom ang bakante, ngunit isang classroom ang mayroong presensya ng buhay
" Ano?! Bakit Hindi ka magsalita! " Sigaw nito sa kaniya bago siya bigyan ng sapak sa mukha
" Brian mabuti sanang tama na, masyado nang magiging halata ang mga sugat niya sa mukha " Awat ni Arnel
Hindi ito nakinig sa kaniya bagkos ay kumuha ito ng Ballpen at itinutok iyon sa mata ni Rogue
" Tandaan mong kailangan mong palitan yung pulbura, kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na tanggalan ka ng mata " Banta nito
Tumayo si Brian at pinilit na tumayo si Rogue dahilan para matapon ang laman ng bag ni Rogue
At nakuha ng isang bagay ang buong atensyon ni Brian
" Oi tignan mo nga naman, Isang brooch, totoong dyamante ba ito? "
Nanlaki ang mga mata ni Rogue " Ibalik mo Yan! " Sigaw niya bago tangkaing kunin sa kamay ni Brian ang importanteng bagay
" Ooohh legit na dyamante ito noh! Ang yaman mo naman talaga! Magkano kaya ito kung ib- " Hindi natapos ni Brian ang sasabihin niya ng bigla siyang suntukin ni Rogue
" Ang Sabi ko ibalik mo sa akin Yan! " Sigaw niya bakas na sa boses niya ang galit iba na rin ang tingin niya
Hindi naman nagpatalo si Brian dahil binawian niya ng suntok si Rogue
Ngunit nakailag si Rogue at muling sinuntok si Brian, sa pagkakataong ito tumama ang kamao niya sa ilong ni Brian, dahilan para dumugo ito
Pinunasan ni Brian ang ilong niya " Hah! Hindi ko alam na marunong k- " muling naputol ang sasabihin niya dahil nakatanggap ulit siya ng suntok kay Rogue
Napansin ni Arnel na Hindi si Rogue ang kalaban ni Brian dahil hindi manlang makabawi ng suntok si Brian
Kaya naman mabilis niyang inihampas sa ulo ni Rogue ang baseball bat na naiwan sa loob ng silid
Nahilo at natumba si Rogue, sa sobrang sakit ng ulo niya ay tanging ang boses ng dalawa lang ang malinaw sa kaniya
" Oi Rogue, naimpress ako sa iyo, di ko akalain na marunong ka palang lumaban " nag squat sa harapan niya si Brian at ipinakita ang brooch
Nahihilong inabot ni Rogue ang brooch ngunit nabigo dahil agad itong inilayo sa kaniya
" Mahalaga siguro ito saiyo, Kasi kung Hindi hahayaan mo lang akong kunin ito e, ganito na lang, ibabalik ko ito sa iyo kung mapipigilan mo ang student council na bantayan ang bawat kilos Namin "
" Kung hindi mo yun magagawa pagkatapos ng Isang linggo, Wala nang babalik sayo, gusto ko rin na palitan mo yung kinuha mo " Sabi nito bago tumayo
" Kita na lang tayo sa lunes " paalam nito bago isara ang pinto
Kasabay nun ang pagkawala ng malay ni Rogue...
Bumugad ang maputing kisame sa muling pagmulat ni Rogue, pumasok din sa kaniyang isip ang Amoy ng matapang na disinfectant
" Argh... " Bigkas niya bago niya sinubukang bumangon
Nilibot niya ang kaniyang paningin hanggang tumigil siya sa karayom na nakatusok sa kamay niya
" Hospital? " Tanong niya sa kaniyang sarili bago makaramdam ng sakit sa kaniyang ulo
Bahagya niyang hinawakan ang kaniyang ulo at naramdaman niya ang magaspang na tekstura ng bandage sa kaniyang ulo
Habang pinakikiramdaman niya ang bandage sa kaniyang ulo, bigla niyang naalala si Brian, nakaramdam rin siya ng takot dahilan para mawala ang dugo sa kaniyang mukha
YOU ARE READING
AMITY
RandomRogue is similar to a word good for nothing, bastard and many awful words Is that mean that the person who own the name will be the same as it means? What do you think? If yes, then does it means that the person has a chance to change or to get wo...