ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 004: Feelings

0 1 0
                                    

Kasalukuyang maingay sa loob ng silid aralan at samu't saring idea tungkol sa gaganaping festival ang usapan ng bawat istudyante sa kuwarto

" Balita ko bawat grupo ang aktibiti na gagawin sa festival "

" Tama, napagusapan kasi ng council kahapon na mas maganda raw kung lahat ng istudyante ay gagawa ng aktibiti para maipakita sa lahat kung ano ang mga kaya nilang gawin " 

Habang nag uusap ang mga kaklase niya ay tahimik lang siyang nakinig, dahil alam niyang wala namang makikinig sa kaniya kung sakaling may idea siya

At ang pagkakaroon niya ng ka grupo ay sadyang mahirap paniwalaan, sino ba naman kasi ang gustong magkaroon ng ka grupo na mahilig makipag away at mataas ang tingin sa sarili?

Natigil ang pag uusap dahil dumating na ang kanilang guro

" Good morning Class " bati nito sa kanila

Malalim ang tono ng boses ng kanilang guro

Tumayo at bumati ang mga istudyante ngunit hindi nila iyon natapos dahil hindi nila kilala ang taong nasa harapan nila

" Apologies, ako si Noel Bautista "

Napatingala si Rogue sa pangalan ng kanilang guro

" As of now ako na ang magiging teacher niyo, dahil sa nag resign na ang adviser niyo " tuloy nito

" At dahil first day ko ngayon dito, ano ang gusto niyong gawin natin? "

Nanahimik ang buong klase dahilan para maghanap ng tatawagin ang kanilang guro

" Ikaw Mr... Yung nasa likuran " tawag nito habang nakaturo kay Rogue

" M-me? "

" Yes, ano pangalan mo? " Tanong ng guro na may ngiti

" R-Rogue Garcia po " nahihiyang sagot niya

" Alright Mr Garcia, pwede mo bang sabihin kung ano ang pwede nating gawin sa first day ko rito? " Nakangiting tanong niya

" A... Uh " tumingin si Rogue sa paligid niya, napansin niya ang mga matang naka pokus sa direksyon niya dahilan para manlambot ang mga tuhod niya

Ayaw nila na mag salita siya at ayun ang ginagawa niya

" Kaya mo yan Rogue " tawag sa kaniya ni Marco na nakaupo sa tabi niya

" Kahit ano sabihin mo, hayaan mo mga kaklase natin " paalala sa kaniya ng kanilang class president

Lumunok naman si Rogue bago umiling " S-sorry po, w-wala po akong idea " nakayukong sagot niya

Tumingin lang sa kaniya ang kanilang bagong guro bago tumango

" It's okay " nakangiting sabi nito

" Anyway, As your adviser gusto ko mag assign ng upuan, ayun na lang ang gagawin natin, at permanent seat niyo na iyon "

" Pero Sir It- "

" Hindi kayo nag suggest ng gagawin Hindi ba? Kaya ito ang gagawin natin " sagot niya bago tumango sa direksyon ni Rogue

" Alright students stand up, Gusto ko na boys and girls " panimula niya

Walang nagawa ang mga istudyante kung hindi ang tumayo

" Alright, this will be rumble, Hindi alphabetical " panimula ng guro

Nagsimulang mag assign ng upuan si Mr Noel

Ang classroom nila ay mayroong lamang na 24 na upuan

Bawat istudyante ay magkakaroon ng Isang seatmate at sa isang row ay mayroong 8 istudyante

AMITY Where stories live. Discover now