Pala Isip

13 0 0
                                    

Isipin mo sa kalagitnaan nang mahimbing mong pagtulog
Nagising ka nang mahulog sa balon na puro bubog
Ang paligid, pinamumugaran pa ng mga bubuyog
At ang gamit lamang na na sayo'y kutsilyong panusok
Pagnakalabas ka sa balon, kamandag agad ang bubungad
Ito pala'y lokasyon kung sa'n sila namumugad
Sa himpapawid ay may nagbabantay pang mga mata
Na kinakain kung anong buhay na bagay ang makita n'ya
At 'di kalayuan ay may mga taong kanibal
Makaharap ang mga ito'y isang malaking sugal
Kabisado nila'ng lugar at sa pangangaso'y mahuhusay
Tila pinagpala kang nakalubog ang 'sang paa sa hukay
Patay ka kung aabante ganun din 'pag-umatras
Sa larong 'di patas, pa'no ka makatatakas nang ligtas?
Ano ang kasagutan sa palaisipan?
'Di mo malalaman kung pala isip ka lang

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MalayaWhere stories live. Discover now