Hayop Ka Rin

40 0 0
                                    

Isang hayop na naman ang natagpuan sa daan
Nakasilid sa sako't nilalangaw ang katawan
Kagagawan ng mga taong walang magpaglaruan
Kaawa-awang nilalalang, ba't pinagmalupitan?
Baliktarin natin ang sistema, ano kaya ang mangyayari?
Sa mundong mapait, sila naman ang dominante
May mag-inang namamasyal sa karnehan ng palengke
"Isang kilong sariwang hita nga," pagbili sa'yo ng ale
Ang tagakatay ay naghanda na ng basahan at lagari
Umiyak ka't nagmakaawang palayain bakasakali
Pinilit mong magpumiglas, ngunit nakabusal ka't nakatali
Sa huli sangkahayupan ang nanaig sa nakararami
Ako ay karterong tagahatid ng kanilang sobre
Napagbilinang ipabatid ang nakasaad sa mensahe
"Hayop rin po kayo!" Magalang na kanilang pinapasabi
At, "mas hayop pa sa hayop, ang mga taong salbahe"

MalayaWhere stories live. Discover now