Habilin Kay Eli

7 0 0
                                    

Isang habilin mula sa aking ina na ako'y magsaing
Kalahating kilong bigas ay isalin, mahalaga ang bawat butil
Bago umalis ay siguraduhin na wala kang masasayang
Batuhang 'sakit sa paa'y muli mong lakaran
Hinugasan ang bigas pati ang antok sa mukha
Repleksyon ng pagdurusa ang nakikita ko sa sapa
Sa pagbabalik ay isinalang sa sayaw ng kamatayan
Ang amoy ng sunog na kahoy, pinaalala ang bilangguan
"Ganap nga ba akong nakalaya sa mundo ng nakaraan?
Wala namang pagbabago, naging moderno lang"
Pagkulo ay ipinalit ang takuring niluma
Pinakuluang tubig, ipinanggamot sa sakit ng sikmura
Ibinalik at hinintay hanggang sa nangamoy ang katotohanan
Na isang maalat na almusal ang aming pagsasaluhan
Sa paglasap ko ng huling butil, gusto ko lamang ng kasagutan
"Sa'king mahal na bayan permanente nga ba ang kahirapan?"

MalayaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora